I WAS sitting on a bench, reading a book when someone sat beside me. I looked at that person at napailing. Siya na naman. “Hi! Bagay mo pala ang naka-glasses.” I rolled my eyes at her. Apat na araw na akong kinukulit ng babaeng ito na ang pangalan daw ay Clem. She’s acting like a fan. Kahapon nga ay bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi sabay pindot sa cp niya para raw may remembrance kami. Ang nakakainis pa, ang kulit, kulit, kulit niya. Andami-dami niyang tanong. “Alam mo kapag umiirap ka, Janus na Janus ka talaga.” I closed the book that I was reading tutal hindi na rin naman ako makapag-concentrate. Hinarap ko siya. “Who is that Janus you always talk about?” Actually, nakukulili na ang tenga ko sa pangalang iyon. Puro siya kamukha ko raw si Janus, magkaugali raw kami ni Janus

