Chapter 2

1108 Words
Mitsuki Nakahara's POV Ramdam ko ang talas ng mga tingin nila saakin ngayon. Kakabalik ko lang mula sa prisinto at mukhang kumalat na ang tungkol sa nangyari. Let me guess ako ang pinapalabas nilang masama? Sakto naman na nakita ko si Ira na tumatakbo papunta sa direksyon ko bahid sa mukha niya ang pag-aalala. "Hoy Mitsuki, ano na naman tong narinig ko na pinanood mo lang daw mamatay ang isang estudyante sa ladies room? Saan ka ba galing? kanina pa kita hinahanap ah!" sunod sunod na tanong ni Ira saakin, sa totoo lang mas marami pang tanong si Ira kesa dun sa lalaki sa interrogating room. "Galing ako sa prisinto –" "Ano? Okay ka lang ba? Talaga bang pinanood mo lang siyang mamatay?!" minsan talaga gusto kong upakan ang bestfriend ko pero hindi naman kasi ako pisikal na tao. Kaya poker face ko nalang siyang tinignan. "Hoy sumagot ka!" halos mabingi ako sa sigaw niya pero hindi ko siya inimikan at hinayaan nalang siya sa paninigaw niya mapapagod din naman siya. Ipinasok ko ang hinliliit ko sa loob ng kaliwang tenga at inikot ikot ito na tila ba nangunguha ng dumi sa loob. "Aba! Nagbibingi-bingihan ka pang hayop ka!" sigaw nito at kinuwelyuhan ako. Nang humila saakin mula sa likurang kwelyo ko sabay sampal saakin. Literal na nabingi ako sa lakas ng impact ng sampal nito. Masama kong tinignan ang sumampal saakin, habang si Ira naman ay mukhang nagulat sa nasaksihan. "Hoy babae bat ka nanampal?" inis pero kalmadong tanong ni Ira sa nanampal saakin. "Bakit? Deserve niya naman iyon ha? Nakita niya kung paano namatay si Stacey at tumayo lang siya doon at walang ginawa. Ibang tao pa ang kailangan na tumawag ng tulong! Kung tinulungan mo sana siya edi sana buhay pa siya ngayon!" bulalas ng babae "And you are?" tanong ko sa kaniya na tila walang natamong sampal kahit na medyo mahpdi ang pisngi ko na nasampal niya.   "Ako si Miya, Miya Cali bestfriend ni Stacey na walang awa mo lang na pinabayaan! Nagpaalam lang siya na magbabanyo siya eh no wonder hindi na siya bumalik, its because you let her die!" bulalas nito, nagsisimula nang magtumpukan ang ibang mga nakikiosyosong estudyante. "Oh so you're the bestfriend?" bored na saad ko habang hinihimas ang pisngi ko. "Eh? what's with sarcastic tone? Ganyan ka ba talaga? Matapos mo siyang panooring mamatay ay may konsensya ka pa?" saad nito habang namumula ang mukha at nagsisilabasan na ang ugat sa leeg na tila nagtitimpi. "Don't you think na sumusobra ka na?" saad ni Ira "Sumosobra? yang babaeng yan ang sumosobra! She could've atleast done something!" sigaw nito habang dinuduro-duro pa ako, pero katulad lang ng ginawa ko kay Ira kanina ay nagbingi- bingihan lang ako at umakto na may dumi sa tenga ko. "Tara na Ira wala tayong mapapala dito." saad ko at nauna nang maglakad narinig ko ang pagsigaw nung babae na nagngangalang Miya pero umakto nalang ako na walang naririnig. Alam kong nagtitimpi lang rin ngayon si Ira, knowing her alam kong kumukulo na ang dugo niya. Ngunit hindi niya afford ang gumawa ng eksena dahil isa siyang scholar at dapat na maging role model kung kaya't hindi siya basta basta pwedeng gumawa ng gulo. Ayoko rin naman na mangyari yun lalo na kapag dahil lang iyon saakin. "Are you Ms. Cali?" napalingon kami ni Ira dahil sa narinig. Nakita namin na pinoposasan na yung babae at nakapalibot ang kapulisan sa kaniya. Sumulpot sa kung saan si Kei kasama ang isa pang pulis. "T-Teka! ano to?!" bulalas nung babae. Nang makita ako ni Kei ay tumango siya saakin, nakibitbalikat naman ako at umalis nalang. Agad naman na sumunod si Ira sa likuran ko. "Uy ano yun? kelan pa kayo naging close?" tanong saakin ni Ira nakibitbalikat naman ako dahil tinatamad akong magsalita. Nagtungo nalang kami sa susunod namin klase at hindi na muling inungkat pa ang tungkol dito. Baka nawala lang ang kuryosidad niya. Pagkarating ko sa condo ay agad akong nagbalat ng isang lollipop at umupo sa gaming chair ko, chineck ko kung may e-mail ba akong natanggap, I don't know if its a bad thing or a good thing since wala naman kaya napag-isipan ko na maglaro na lamang.   Habang sipsip ang lollipop ko ay naglalaro ako, suot ko din ang headphones ko at nasa kalagitnaan na ng panalo at makakamit na namin ng mga kasamahan ko ang chicken dinner ng biglang mag lag ang computer ko. Napataas ang kaliwang kilay ko. Biglang sumulpot ang isang video out of nowhere. A virus? Biglang may lumabas na video kung saan may mga kalalakihan na nakasuot ng mask, walang audio na maririnig sa background. May nakaupo na lalaki sa gitna, nakapiring ang mata nito, nakatali ang kamay at paa. Nung una ay wala silang ginagawa kundi ang titigan lang ang lalaki, kaya naisipan kong tanggalin na ngunit nang mahawakan ko ang mouse ay tila napakabilis ng pangyayari, bigla nilang pinugutan ang lalaki. Nabitawan ko ang lollipop at napatakip sa bibig ko dahil sa nakakatindig balahibong pangyayari. Matapos yun ay sunod sunod ang notification sa cellphone ko. Nang tinignan ko ito ay mukhang nakatanggap din sila ng video na to. Who in the world would do this? I mean may nakita naman na ako dati na ganito somewhere sa social media but this is kinda too much, sa hindi ko malaman na dahilan. Agad akong kumilos para i-track ang pinanggalingan ng video. Mukhang maingat din ang nagpakalat nito dahil hindi mahanap-hanap ang location ng video but that won't stop me. I'm way too eager to know who this people are. The hell is wrong with them? It's like gusto nila malaman na pinugutan nila ang taong yun, I somewhat feel like kilala ko ang taong yun well not personally but somewhere in the politics, I think. Napangisi ako nang makakita ako ng butas sa ginawa nila. Nang mahanap ko ang saktong pinanggalingan nito ay agad kong finorward ang mga nakalap ko sa kapulisan using an unknown source, I made sure na hindi nila iyon matatrack. Nang matapos ay tumayo na ako ngunit napaupo muli nang biglang may link na nakapukaw sa atensyon ko. It was a link sa baba ng file na nahanap ko along sa files na nahanap ko, maliit lang ang link na iyon kaya ngayon ko lang napansin. Clinick ko ito at nanlaki ang mga mata sa nakita. Dali-dali ko itong kinalikot, isinave ko ito sa isang walang laman na flash drive bago isinara, while making sure na hindi matatrackang computer ko. Inilapag ko ang flash drive sa table at tinitigan ko iyon. Realization hit me. I shouldn't have done that. I'm dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD