"Puwede ka namang sumampa riyan," seryosong turan niya kay Haunth saka lumabas ng kwarto at sinara ang pinto... Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahilan ng kahihiyan at hindi makagalaw mula sa pagkakaupo sa kama. Bumuntong hininga naman si Haunth kaya napatingin ako sa kaniya. Namumula lang iyong mukha niya. Naalala ko naman iyong nangyari kagabi kaya nag-init din ang mukha ko at biglang nawala lahat ng lakas ko kaya naman kinuha ko lang iyong unan niya at inipit ang mukha ko rito. Narinig ko namang sumampa na si Haunth sa uouan at kinuha iyong mga gamit na nakatago sa kisame. Naamoy ko naman iyong amoy ni Haunth sa unan at lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Every time maamoy ko si Haunth ay para bang kinakabahan ako dahil sa sobrang bilis n

