Hoy, Shannel. Mag-text ka every ten minutes sa akin ha. Napatawa naman ako sa text ni Ruth the moment na makalabas siya ng bahay ni Sett. Nilingon ko naman si Revi na pabalik-balik na pumapasok sa bahay para ipasok iyong mga regalo kay Haunth. Si Sett naman ay binubuhat iyong mga upuan after matiklop at dinadala roon sa likod ng bahay niya. Nag-stay muna ako rito sa bahay ni Sett dahil umiiyak si Revi at nagmamakaawang tulungan ko sila ni Sett na magligpit. Ayaw sana ako iwan ni Ruth kaya lang ay kailangan niyang sunduin iyong tita niya na pauwi na ngayon dito sa Manila. Kaya naman grabe na kung makapag-text siya. Actually, ayoko parin talagang umuwi dahil ayoko pa kausapin sina mommy at daddy. I know, it’s a little bit selfish of me not to talk with them and they clea

