"Hi, puwede ba tayong mag-picture?" Napalingon naman ako nang marinig ko iyong bulong ng isang babaeng customer kay Haunth. Hindi mapigilan noong babae iyong ngiti niya nang lingonin siya ni Haunth. May mga ilang estudyante kasi mula sa Sic High School na dumayo rito para bisitahin ang mga booths. Mayroon kasing partnership na ginaganap ang Omega University at Sic High School para sa month na ito kaya naman bilang pag-welcome ng Omaga University sa junior high school students ng Sic High School, hinayaan silang dumalo sa Science Fair. Napadako naman ang tingin ko kay Haunth na seryoso lang tumango at nag-picture sila nang isang beses. “Shannel, may kukuha ng order sa table number 5,” pukaw sa akin ni Ruth. Tinanguan ko naman siya saka lumapit sa table number 5. Inayos ko p

