Huh? Anong nangyari?! Tumawag ka nga!!! Ramdam ko naman iyong panic ni Ruth mula palang sa text niya. Ibinulsa ko nalang iyong phone ko at hindi na nag-abalang sagutin si Ruth. Mahirap naman kasing tumawag dito sa sobrang hina ng signal. Kailangan ko pa pumunta rito sa rooftop para lang makapag-text kay mommy at kay Ruth. Kumapit naman ako sa han rail dito sa rooftop saka pumikit para damhin iyong malamig na hanging tumatama sa akin. Gabi na at mayroong bonfire na ginawa iyong mga teachers na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Tanging iyong liwanag lang ng bonfire ang nakikita ko mula sa kinatatayuan ko at naupo nalang sa sahig at sinuot nang maayos iyong dala kong bomber jacket saka isinaksak iyong earphone ko sa phone ko para makinig ng music. Napatingin naman a

