Mahaba-habang first day of school ito… “Pasok ka na,” sabi ni Miss Sylvia. “Opo,” sagot ko at pumasok na sa library. Sumilip pa ako saglit kung bumalik ba si Sett pero wala na talaga siya kaya naman napabuntong hininga nalang ako. Tsk, bahala nga siya! “Magsimula kana nang maaga tayo matapos” sabi ni Miss Sylvia saka naupo sa upuan niya at yumuko sa lamesa niya. Napataas naman ang kilay ko habang nakatingin sa matandang natutulog na ngayon. Tayo? Pero natutulog siya? Tsk, ang swerte ko naman. Dumiretso nalang muna ako sa dulo ng library dahil mas magulo ang mga libro roon. Kinuha ko muna ang panyo ko saka ipinantakip sa ilong ko. Napaka-alikabok kasi, mahirap na baka mapahatsing pa ako nang wala sa oras. “Paano ko ba aayusin ‘to?” tanong ko sa sarili habang

