Sun Aweigh Resort "We're here," turan ni Haunth at marahang ipinahinto ang sasakyan sa parking lot ng resort. Agad namang bumaba si Sett mula sa shotgun seat at kinuha iyong mga bag namin na nakalagay sa trunk at ganoon din naman si Haunth matapos patayin ang sasakyan nang makababa ako. Binitbit ko nalang iyong picnic basket na kasama sa prize nina Haunth at Sett mula sa camp. Napagdesisyunan nilang dalawa na after 7 days sa camp, we don't have a class the next Monday and Tuesday, then, back to class on Wednesday till Friday, and now we are here on Saturday till tomorrow. Iyong premyo kasi na napanalunan nila Sett is three tickets to Sun Aweigh Resort for three days. Since two days lang ang weekend, we have to give up the last day. I actually don't want to go with them cause I really

