PART 1

1489 Words
“NO! I’m sorry but no!” matigas na tanggi ni Claire saka binawi ang kamay nitong hawak niya kung saan sana isusuot ang hawak niyang singsing na batong ruby ang dulo. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lawrence sa nakuhang sagot mula sa nobya. “But I thought you love me?” hindi niya mapigilan ang makaramdam ng sakit at hindi iyon naitago ng tinig niya. Mahigit isang taon narin niyang nobya ang dalaga kaya hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito. Noon nailing na hinawi ni Claire palikod ang mahaba at alon-alon nitong buhok saka tumayo. “Oo, pero wala pa akong planong magpatali sayo! Look, gusto ko pang pumunta ng Amerika. Gusto kong magtrabaho doon!” “Akala ko ba napag-usapan na natin ang tungkol diyan?” ang kaninang lungkot na nararamdaman ay mabilis na nahalinhinan ng pagkairita. “so, Amerika lang pala ang dahilan kaya ayaw mong magpakasal sa akin? Ganoon ba?” ang galit niyang muling tanong. Nakita niyang pumunit ang alanganing ngiti sa mapupulang labi ni Claire. Pagkatapos ay naglalambing itong lumapit sa kanya saka yumakap. “Dalawang taon, hintayin mo ako at babalikan kita” anito sa kanya. “Dalawang taon? Then what? Ayoko ng long distance relationship!” ang inis niyang turan. Nagbuntong hininga si Claire at umabot iyon sa pandinig niya. “Okay” anito sa nabibigatang tinig. “kung ganoon walang ibang choice kundi ang maghiwalay na muna tayo sa ngayon” hindi na siya nabigla sa narinig bagaman naramdaman niyang mabilis na gumuhit ang sakit sa kanyang dibdib. “Kailan ang alis mo?” Takang tinitigan siya ni Claire. “Paanong?” “Sinabi sakin ng Mama mo, iyon ang dahilan kaya minabuti kong mag-propose na sayo. Kasi iniisip ko iyon lang siguro ang paraan na pwede kong gawin to make you stay. Pero kung ganito ang gusto mo fine” ang mapait niyang saad sabay tayo. Ang tinutukoy niya ay ang ina ni Claire na si Celina. Nasa may pintuan na siya nang marinig ang boses ni Claire. “Babalik ako, dalawang taon lang. Then we can get married” naramdaman naman niyang totoo sa loob nito ang sinabi pero siguro dahil narin sa mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya ay nagawa niya iyong ignorahin. “Goodbye” ang sa halip ay isinagot niya bago lumabas ng pinto. Habang daan ay tahimik na pinakiramdaman ni Lawrence ang sarili. Masakit pero alam niyang hindi tamang magpalamon sa nararamdaman niya. Abala siya sa pagma-manage ng Festive ang restaurant na pag-aari niya at ng hipag niyang si Julia na asawa ng kuya niyang si Fritz. Kaya hangga’t maaari iniiwasan niya ang ma-stress ng husto dahil tiyak na makaka-epekto iyon sa trabaho niya. Dalawang taon? Maraming pwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon Claire. At kung sakali, kapag huli na ang lahat, wala kang karapatang sisihin ako. Ang kabilang bahagi ng isipan niya habang patuloy sa banayad na pagmamaneho saka nasulyapan ng wala sa loob ng maliit na kahong nasa dashboard ng kanyang kotse. Nagbuntong hininga si Lawrence saka itinigil sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Kinuha niya ang notepad saka sinulatan iyon at pagkatapos ay inilagay sa loob ng kahita kasama ang singsing. Bumaba siyang tangan ang maliit na kahon. Pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib saka pinagsawa ang paningin sa magandang tanawin sa ibaba ng cliff na kinatatayuan niya. Siguro talagang hindi lang sila para sa isa’t-isa ni Claire dahil kahit hindi niya aminin alam naman niya sa sarili niyang hindi rin naman siya naging patas sa dalaga. Sa katunayan iyon ang dahilan kung bakit kahit kaya niyang ibili ito ng mamahaling diamond engagement ring ay ruby ang mas pinili niya. Minahal ko si Claire sa paraang alam ko. Pero bakit ganoon, kahit alam ko mismo sa sarili kong baka masaya kana ngayon sa piling ng iba? Bakit ang hirap mong kalimutan? Anya? Ang isang bahagi ng isip niya. Saka pagkatapos ay noon niya inihagis ng malakas palayo ang kahita sa cliff saka muling sumakay sa loob ng sasakyan. EIGHT DAYS LATER… “ARE you sure kaya mong mag-drive? You know what pwede naman nating ipagpabukas nalang ang pagluwas ng Manila. Tutal gabi narin naman” ang worried na tanong ni Anya sa nobyo niyang si Phil. Malagkit ang titig habang ang magandang ngiti sa mga labi ni Phil ay tila naka-plaster na. “Nothing to worry, and besides na sa akin na ang lahat ng dahilan para maging maingat.” pagkasabi niyon ang makahulugan pa siyang kinindatan ng binata. Nag-init ang mukha ni Anya sa ginawing iyon ng nobyo. “Pilyo” aniyang pabiro itong inirapan pagkuwan. Ilang sandali pagkatapos ay nasa byahe na sila ni Phil pa-Maynila. Mahilig silang mag-travel ni Phil. Isa iyon sa marami nilang pagkakatulad ng binata na nakikita niyang dahilan kung bakit madali silang nagkahulihan ng loob nang ligawan siya ng nobyo noong pareho palang silang nasa kolehiyo. Pareho silang nasa huling taon noon ng binata. Hotel and Restaurant Management ang kurso niya, habang Business Management naman ito. Sa ngayon ay kasalukuyang Marketing Manager sa isang malaking kumpanya ng bag si Phil habang siya naman at Manager din sa isang kilalang five star hotel and restaurant sa Makati. “I love you” ang binatang inabot ng isa nitong kamay ang kaniya saka marahang pinisil. Nakangiti niyang nilingon ang binata. “I love you more” aniya. “nasaan na ba tayo?” pagkuwan ay ibinaling niya sa unahan ng sasakyan ang paningin saka binasa ang nakasulat sa itaas ng arko. “Don Arcadio, I never thought na may ganito kagandang lugar dito sa Norte” sa kabila nang papadilim ng kalangitan ay napuna ni Anya ang palusong na cliff sa gilid ng kalsadang tinatakbo nila. “Maraming magagandang lugar dito sa Pilipinas. Anyway kahit saan would be a great place lalo kung kasama kita” ang malambing na tinig ni Phil ay nagdulot ng nanunuot na kilig sa kanyang puso kaya hindi niya napigil ang mapabungisngis. Tumawa siya ng mahina sa sinabing iyon ng nobyo. “Pero iba dito, pakiramdam ko gusto kong bumalik dito. What do you think?” aniyang naglalambing na muling nilingon ang kasintahan. Nakangiting napailing sa ginawi niyang iyon si Phil. “You know what? Alam mo talaga ang kahinaan ko” anito pang muli ay amuse siyang nilingan. Napalabi siya sa narinig. “Thank you” aniyang nakangiti. “Kahit ano, basta kaya ko at magpapasaya sayo ibibigay ko” pagkasabi niyon ay niyuko siya ng nobyo saka mabilis na hinalikan. Kung gaano kabilis ang halik na dumampi sa mga labi niya ay ganoon rin ang mga pangyayari. Dahil pareho silang ginulantang ng isang rumaragasang truck pasalubong sa kanila. Wala ito sa linya kaya minabuti ni Phil na iiwas ang kotse sa kasalubong na dambuhalang sasakyan. Nahagip niyon ang bahagi ng driver’s seat kaya naman mabilis silang umikot ng umikot bago nalaglag ng tuluyan sa cliff. “Phillll!!!!!” ang malakas niyang tawag sa pangalan ng nobyo habang dumadausdos pababa ng bangin ang kanilang sasakyan. Wala na siyang narinig na sagot sa nobyo dahil ang kasunod na nangyari ay nang bumangga ang kotse sa isang malaking puno. Noon lang din ito nahinto sa patuloy na pagdausdos pababa. Nilinga niya ang kasama, duguan at walang malay. Noon siya napahagulhol ng iyak habang sa kabila ng matinding p*******t ng kanyang ulo at unti-unting pagkahilo ay nanghihina ang kamay niyang inabot ang kasintahan. “Phil, Phil!” aniya habang unti-unti nang nilalamon ng matinding takot ang kanyang dibdib. “please wake up, don’t do this to me, please? I love you” ang nagmamakaawa niyang isinatinig sa pagbabakasakali niyang naririnig parin siya ng katipan. Pero walang anumang senyales na nararamdaman siya nito dahil hawak parin niya ang balikat ng binata at mahinang niyuyugyog. Ilang sandali pa bumukas ang pintuan ng sasakyan sa bahagi niya agad na bumati sa kanya ang nag-aalalang mukha ng isang lalaking kulay puti ang suot na t-shirt. Maputi at matangkad na may malaking pangangatawan. Dala marahil ng matinding pagkahilong nararamdaman niya kaya parang hindi nagkakahugis sa paningin niya ang mukha nito. “T-Tulong, tulungan ninyo kami” aniya sa nanghihina ng tinig nang maramdaman ang unti-unting pagdami ng tao sa paligid. “Huwag kang mag-alala…A-Anya? A-Anya! Dadalhin kita sa ospital” ang lalaki sa desidido nitong tinig ay napuna niyang tila nagulat pang nagsalubong ang mga kilay habang nakatitig sa kanya. Narinig niyang tinawag nito ang kanyang pangalan. Kung paanong nangyari iyon ay hindi na mahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon. “Pare, itong lalaki hindi na humihinga!” nang marinig ang isinigaw ng marahil kasama ng lalaking naglabas sa kanya at ngayon ay may-pangko sa kanya ay agad na bumalong ang mga luha ni Anya. “N-No!” alam niyang mamaya lang mawawalan na siya ng malay dahil ramdam na niya ang matinding pagkahilo pero ang marinig ang ma salitang iyon patungkol sa kanyang nobyo, pakiwari niya ay gusto niyang mag-panic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD