What happened that night still confuses me. Hindi ko maintindihan ang nangyari, pero nananaig sa akin ang kaba. They knew where I live now. Ano ang susunod? Tungkol kay Cairon naman ang malalaman nila? "Ma'am Luisa. May problema ba?" tanong ni Bonnie. Napapitlag ako nang biglang magsalita si Bonnie. Napatinginako sa kaniya saka ngumiti. "Wala naman. Bakit mo naitanong?" "Wala lang. Alam ko na kasi kapag may problema ka o malalim ang iniisip," sabi naman niya. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko sinabi sa kanila ni Neron na pinuntahan ako ni Caius sa bahay. Alam kong sila ang kakabahan para sa akin. Tatlong araw na rin namang walang paramdam si Caius. It's a good thing for me. I'm just... somewhat bothered. I don't know what will happen next. Mas maganda sana kung iiwas na siya at hin

