I can't stop smiling while staring at my ring. Naka-ilang take na yata ako ng pictures doon. Nang magising ako, iyon agad ang tiningnan ko. Agad akong nag-post ng picture ng kamay ko na kita ang singsing sa f*******:. I said yes ??????❤️?❤️?? I also tagged Caius in the picture. Ang daming nag-react doon, pati sina Bonnie at mga staff sa restaurant, panay congrats. May mga ilan din na hindi ko kilala, sa tingin ko mga kaibigan ni Cadence iyon sa feroci. Natigilan lang ako nang may mag-add sa akin. Agad na nanginig ang kamay ko nang makita ulit ang pangalang 'yon. Lucita Dominguez I gulped and bit my lower lip. Instead of accepting her friend request, I messaged her first. Me: Why? Do you need something from me? Lucita: It seems like you're doing good now, Luisa. At ikakasal pa.

