Mas pinaghandaan na namin ni Caius ang naging kasal namin sa Palawan. We did a beach wedding and all of my friends, even my loyal customers are invited. Nagpunta rin ang feroci members. Pati si Lynne nagpunta rin. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko na selos na selos ako sa kaniya noon. "Congratulations, Luisa! Buti naman ikinasal na kayo. Parehas kayong patay na patay sa isa't isa," napapailing na sabi ni Lynne. "S-salamat," sinabi ko na lang saka nahihiyang ngumiti. "Uhm, I'm sorry about my uhm, attitude before." Lynne laughed. "It's okay! Mas malala pa nga si Caius kaysa sa'yo. Kulang na lang ipapatay lahat ng lalapit sa'yo." I smiled and bit my lower lip. I'm now comfortable around her. Mabait naman pala talaga siya, masyado lang akong nabulag ng selos ko sa kaniya noon. I was

