THEA Sabay kaming napaatras, kaya napahawak ako sa braso niya. Nanatili pa rin nakalapat ang labi niya sa akin. Kahit ano ang gawin kong iwas para hindi niya ako mahalikan ay hindi ko magawa dahil nasa batok ko ang kamay niya. Sa laki ng kamay niya, sinakop nito ang likod ng ulo ko, kaya napipigilan niya akong iiwas ang mukha ko. Sa aming dalawa, ako ang nasa tamang pag-iisip. Lasing lang siya, kaya nagagawa niya ang bagay na ito. Ano'ng mangyayari kapag bumigay ako? Babalik na naman siya sa dati. Ako na naman ang kawawa. Ako na naman ang masasaktan sa bandang huli. Kahit mahal ko siya, hindi ako magpapadala sa nararamdaman ko. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa pader. Sinubukan ko siyang itulak. Pero ano ang laban ko sa lakas niya? Kahit binigay ko na ang laha

