CLARK “Bro, come on. Nandito tayo para magsaya. Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ni Tanner nang mapansin niyang hindi ako umaalis sa pwesto ko. Ilang beses na siyang bumalik sa gitna ng dance floor para makipagsayaw, samantalang ako, nanatiling nakaupo dito sa bar counter. Nasa condo na ako nakahiga, pero tinawagan niya ako at niyaya na lumabas. Hindi rin naman ako makatulog, kaya sumama ako. Pero pagdating naman dito, dala-dala ko pa rin ang gumugulo sa isipan ko. “Huwag mo akong intindihin, bro. Mag-enjoy ka lang.” “Paano ako mag-eenjoy kung ganyan na parang ang lalim ng iniisip mo? Sa kumpanya ba ‘yan?” Pilit akong ngumiti. Kung alam lang niya na ang kapatid niya at ang sinabi ni Daddy ang laman ng utak ko. “Come on. Kalimutan na muna natin ang mga problema natin sa opisina.

