CLARK Isang linggo na simula nang makausap ko si Thomas. Kapag may oras ako, binibisita ko siya para kumustahin ang lagay niya. Mukhang matatagalan pa ang pag-recover niya dahil sa pinsala na tinamo ng katawan niya. Minsan, naisip ko na parang ayaw ko muna siyang dalawin dahil nakokonsensya ako. Tuwing pumupunta kasi ako sa kanya, lagi niyang tinatanong ang mag-ina niya. Paano ko sasabihin sa kanya na wala na ang anak niya? Hindi pa niya pwedeng malaman dahil baka pilitin niyang bumangon para lang puntahan si Chazzy. Isa pa, galit lang ng kapatid ko ang sasalubong sa kanya. Hindi ko rin pwedeng sabihin sa kapatid ko na bumalik na si Thomas. Mas lalong hindi ko pwedeng sabihin ang sinapit nito sa Italy, kaya hindi agad ito nakabalik sa kanya. Sobrang bigat ng pinagdadaanan niya sa pagk

