HINDI al ni Harrison kung paano siya pupwesto rito sa loob ng Calais, dahil bukod sa napakadilim na ay nakakasulasok din ang amoy. Odble pa ang dumi ng lugar na ito kaysa sa una niyang napuntahan. Bahagya pa siyang nalungkot dahil ilang araw pa lamang siyang nananatili dito sa palasyo ay sunod-sumod na ang pagsubok na kinakaharap niya.
Habang nagmumuni-muni, biglang kumalam ang tiyan ni Harrispn kaya napahawak siya rito. Wala siyang dalang pagkain na kahit ano kaya sigurado titiisin na lamang niya ang paglunok ng sariling laway hanggang sa hatiran siya ng makakain dito. Inaalala din niya kung ano nang nangyayari sa seremonya. Kung malapit lang sana siya sa palasyo ay maririnig niya ang kaganapan doon, ngunit kanina habang papunta sila rito ay mukhang kahit tanaw ay hindi niya magagawa dahil sa likod pa ng palasyo ang pinaghatiran sa kaniya.
"Ano kayang meron dito bukod sa malaking ahas at takot na takot sila?" tanong niya sa sarili. Kung tutuusin ay mas takot pa siya noong una kay Milo, kaysa sa sinasabi nilang ahas dito. Madalas kasi ay nakakakita naman siya ng ibat-ibang uri ng ahas kapag siya ay nangangalakal sa basura, kaya medyo hindi na bago iyon sa kaniyang pandinig.
Habang naglalakad si Harrison papunta sa kaniyang pagpupwestuhan, kinakapa niya ang paligid. Hindi kasi sapat ang isang bintana na napakataas ang nagsisilbing ilaw niya roon.
"Heto." Nakakapa siya ng simentadong upuan malapit sa pader. Paghawak niya doon ay mamasa-masa pa ito at nang amuyin niya ay puro lumot na ang upuan. Halatang matagal nang panahon itong hindi nalilinis, kaya ganito kakapal ang lumot. Wala namang pag-aaksaya ang oras ang ginawa ni Harrison. Hinibad niya ang kaniyang tapis at saka pinampunas ss upuan na gagawin niya rin mamayang tulugan niya.
Sa ngayon ay wala pa naman siyang napapansing kakaiba, bulod sa kaluskos sa ilalim ng mga dahon. Natural lang naman iyon dahil sa dumi ng lugar na ito ay posibleng hindi pamamahayan ng mga insekto o hayop. Mas mapapadali sana kung sa Palaseo na lamang siya ikinulong. Bukod kasi sa may ilaw doon, kaibigan na rin niya si Milo kaya magiging panatag siya kahit sa kaniyang pagtulog.
Nang matapos na niyang punasan ang upuan, sabay naman niyang iniunat ang kaniyang katawan. "Panibagong pakikibaka na naman ito," bulong niya sa sarili saka humiga. Hindi niya gaanong nalinis ang upuan dahil medyo basa-basa pa rin iyon, ngunit mas okay ma ito kumpara kanina.
Nakatingin lamang si Harrison sa bubong na gawa sa simento. Madilim ang buong paligid, ngunit dahil sa bintana ay nasisinagan niya nang bahagya ang bubong. Marumi na rin iyon at puno ng lumot. Kung sa normal na tao lang ay mandidiri ang kung sino mang ilagay sa Calais, ngunit para sa kaniya isa na iyong pasasalamat.
"Ano na kayang nangyari sa palasyo?" tanong niya muli sa sarili. "Sana ay natauhan na si Ginoong Roarke sa kaniyang gagawin sa hari."
Sa nasaksihan kanina ni Harrison patungkol sa hari, awang-awa siya rito. Bukod kasi sa mabait na si Haring Montgomery ay kinokonsidera pa rin niya ang kaniyang mga alipin, kahit na nakagawa na ito ng kasalanan. Si Ginoong Roarke lamang talaga ang masama rito.
"Si Amara? Kumusta na kaya?" tanong niya sa sarili. Huling nakita niya si Amara ay pilit niya itong pinipigilan at pati siya ay nabigla rin sa ginagawa ni Harrison. Nakikita niya ang busilak na puso ni Amara, kahit na sandali lamang silang nagkakilala.
Lumipas na naman ang isang araw na nakakulong na naman si Harrison sa isang selda. Naalala niya ang kaniyang ina kung ano na nga ba ang ginagawa s akanilang bahay at kung gumaling na ba ito sa kaniyang sakit. Bahagya pa siyanga napaluha habang inaalala niya kung sino ang magnabantay sa ina at sino ang mamimili ng pagkain para rito.
"Siguro... kung isa lamang akong prinsipe o hari katulad ni Haring Montgomery, ipaparanas ko lahat kay inay ang marangyang buhay. Ibibili ko siya ng mamahaling gamit, masasarap na pagkain at dadakhin sa mamahaling lugar. Ang kaso... Isa naman akong hampaslupa,"
Dahan-dahang pinikit ni Harrison ang kaniyang mata. Ngayon lamang niya narardaman ang gutom at pagod sa katawan. Imbis na indain niya pareho iyon ay itutulog na lamang niya. Isang araw na naman ang lumipas na nadito pa rin si Harrison sa loob ng palasyo. Kailangan na niyang makaisip ng paraan para makabalik sa kaniyang inay dahil baka bukas o sa makalawa ay mahuhuli na ang lahat para sa kaniya.
MALALIM na ang gabi. Malalim na rin ang tulog ni Harrison at hindi na niya napapansing napapaligiran na siya ng mga ahas. Nag-iingay na ang mga ito na parang isang halimaw na gutom na gutom sa lamang loob ng tao.
Sa kabilang banda naman ay patagong tumatakas si Amara patingo da Calais, dala ang maliit niyang bag. Habang abala kasi ang mga alipin kanina, maging ang mga kusinero ay patago siyang nagbalot ng pagkain para sa kaniyang kaibigan na si Harrison. Alam niya ang kalakaran sa palasyo na kapag dinala ka na sa Calais ay wala ka nang hihintayin kung hindi ang kamatayam mo. Alalang-alala pa si Amara at paulit-ulit na binabanggit na sana ay hindi pa nakita si Harrison ng Nakee. Kung magkrus man ang landas ng dalawa ay katapusan na ni Harrison.
Mabuti na lang at lasing ang mga kawal ngayon. Maayos namang naisagawa ang selebrayon ng ika—70 na kaarawan ng hari. Lahat ng sinabi ni Harrison kanina ay kabaliktaran, kaya hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin siya kung bakit nasabi niya ang ganoong bagay. Kung sanang inamin lang ni Harrison na siya ay nagsisinungaling, hindi na sana siya nahihirapan ngayon at sa maayos na higaan ito matutulog.
"Harrison naman kasi, hindi pa siya nadala na ikinulong kami sa Palaseo! Gusto yata lahat ng kulungan ay pasukan niya," namomoblemang sabi ni Amara habang palinga-linga siyang naglalakad papunta sa likod ng palasyo.
Sa ilang araw magkasama nina Amara at Harrison, halos hidni talaga nito maintindihan ang pilit pinapaliwanag ng binata. Unang-una na doon ay isa siyang mangangalakal noon at nakatira siya sa San Roque. Pangalawa naman ay hindi niya kilala ang hari at reyna ng palasyo at hindi nito alam kung ano ang nangyari sa Magindale noong araw na may naglapastangan kay Ginoong Roarke. Pangatlo ay ito na naman. Gumawa siya ng istorya at hindi niya iyo. mapanindigan dahil nawawala raw ang kaniyang ebidensya. Mabuti na lang at mabait pa kanina si Ginoong Roarke, kung hindi ay baka hindi na masilayan pa ni Harrison ang araw.
Sa wakas ay nakarating na rin si Amara ng ligtas sa tapat ng Calais. Nagpalinga-linga pa siya at sinisigurong walang kawal ang nagbabantay kay Harrison rito. Baka kasi may makakita pa sa kaniyang binibigyan niya si Harrison ng pagkain, tiyak na pati siya ay paparusahan din.
Malinaw ang mata ni Amara nang makita si Harrison na mahimbing na natutulog sa isang simentong upuan. Nakahinga siya nang maluwag dahil buhay pa ang kaibigan niya ngayon, ngunit hindi siya dapat pakampante.
"Psst!" mahinang tawag niya. Ilang minutong naghintay si Amara at umaasang anrinig siya ng binata ngunit mukhang malalim na ang tulog nito.
Tansya ni Amara ay nasa alas onse na. Hindi siya maaaring magtagal doon, dahil baka mahuli siya ng mga kasama niyang alipin. Ingat na ingat din siyang umalis dahil baka isumbong siya ni Lyka— ang babaeng naiinggit sa kaniya. Hindi nga alam ni Amara kung bakit at ano ang kinaiinggitan sa kaniya ni Lyka. Pareho lang naman silang alipin at bukod doon, dati silang magkaibigan, nasira lang iyon noong nagkagusto si Marco kay Amara. Si Marco ay isang magaling na mangangaso sa gubat. Una siyang nakilala ni Lyka, ngunit sa kasamaan ng ugali nito ay hindi siya nagustuhan ng binata. Isa araw ay inaya sa labas si Amara ng kaniyang tiyahin upang kukuha ng ugat ng halaman na maaaring makagamot ng singaw. Doon siya nakita ni Marco at simula noon ay naging malapit na sila sa isat-isa.
Ngayon ay hindi na niya alam kung nasaan si Marco. Halos dalawang taon na rin simula nang magpaalam ito kay Amara na mangangaso sa mapanganib na bundok. Hanggang ngayon ay hindi na sila nagkita pa.
"Psst, Harrison!" mahinang tawag niya. Dahan-dahang umunat si Harrispn, kaya lumawak na ang hitsura niya. "Harrison, dito!" saad niya saka napatingin na sa kaniya si Harrison.
Mabilis na tumayo si Harrison at patakbong nagpunga sa tapat ng rehas kung saan naghihintay si Amara. Mayroon itong nilalabas sa kaniyang bag at bigla na lamang kumalam ang tiyan ni Harrison nang makita ang ibat-ibang putahe ng ulam na binibigay sa kaniya. Walang alinlangan niya itong tinanggap at kaagad na binuksan ang supot. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amara at dire-diretso ang nguya niya ng manok.
"Dahan—dahan, Harry! Mamaya mabulunan ka. Wala ka namang kaagaw sa pagkain," saad ni Amara.
Masayang tumingin sa kaniya si Harrison at kumikinang ang mata. "Salamat, Amara ha? Akala ko nakalimutan mo na ako. Pasensya na ah? Gutom na gutom kasi ako 'e."
Napangiti naman si Amara at iniabot ang maliit na galon ng tubig kay Harrison. "Ayos lang. Kumusta ka na riyan? Kasi naman 'e. Hindi ka pa nadala na ikinulong tayo sa Palaseo, gusto mo talagang makulong ka pa sa madilim na lugar na ito," sinuri ni Amara ang buong paligid.
Lumagok muna ng tubig si Harrison bago sagutin si Amara. "Pasensya na, Amara. Hindi na ako nakapagtimpi. Kapag may nalaman akong sikreto na makakasakit sa isang tao, kaagad ko iyong sinasabi."
"Harrison, naintindihan kita. Kahit bago pa lamang tayong magkakilala, alam ko busilak na ang puso mo. Pero mali e... mali ang ginawa mong panghahamak kay Ginoong Roarke, lalo na't wala kang matibay na ebidensya sa aligasyon mo. Tsaka, paano mo ba nalaman iyon? Bakit mo nasabing papatayin ni Ginoong Roarke si Haring Montgomery?"
Bigla namang nagtinginan silang dalawa. "Siya nga pala, Amara. Kumusta na ang hari?" kaagad nitong tanong.
"O—okay naman siya. Natutulog na raw siya ngayon sabi ni Ginoong Roakre. Kanina habang dinadala ka rito, pinag-uusapan ka ng mga kasamahan nating alipin. Ang akala nila ay nahihibang ka na. Pero Harrison, maaari ko bang malaman kung bakit nagawa mo iyon?"
Huminga muna nang malalim si Harrison at kumuha ng tiyempo. Binitawan niya ang galon at seryosong tumingin kay Amara. "Sa pangalawang pagkakataon, Amara. Tatanungin kita, nagtitiwala ka ba sa mga sinasabi ko?"
Napabuntong hininga si Amara. "S—susubukan ko, Harry. Sa ilang araw kasi nating pagsasama ay tila hindi sumasang-ayon ang panahon sa iyo. May araw na naniniwala ako, may araw na hindi. Pero susubukan ko ngayon, pinagkakatiwalaan kita dahil kaibigan kita."
"Maige na ang ganyan, Amara. Ngayon, kung sasabihin ko sa iyo na sinundan ko si Gjnoong Roarke noong nakaraan sa ilalim ng palasyo kung saan nakatago ang maliit na laboratoryo, maniniwala ka ba?"
Hindi makapaniwala at takang-taka si Amara sa kaniyang nalaman. "P..paano? Tsaka saan? hindi ko alam ang sinasabi mo, Harrison," aniya rito.
"Bibigyan kita ng pagkakataong makita iyon, Amara. Sa pinakadulo ng palasyo, mayroong daan doon na pakaliwa. Bago ka makarating sa dulo, mayroong isang tago at maliit na hagdan. Mag-ingat ka sa pagbana roon, dahil madalas ay may nagbabantay na mga kawal. Sa dulo niyon ay may isang puting silid, doon itinayo ni Mudler at Ginoong Roarke ang laboratory. Doon nila isinagawa ang lason na papatay sa hari."
"M...Mudler?" Wlaang ideya si Amara kung sino ang tinutukoy ni Harry.
"Si Mudler, marami siyang kaalaman tungkol sa siyensa. Isa siya sa gumagawa ng mga gamot, lason at kung ano-ano pa gamit ang mga halamang ugat at dahon. Nakita ko sila sa dalawa kong mata, hawak ang kulay pulang lason na ilalagay sa inumin ng hari. Narinug ko rin si Ginoong Roarke na ngayon niya ito gaganapin."
"P..paano? Harrison hindi kita maintindihan. Kalokohan ito... Matagal na akong nakatira sa palasyong ito at hindi ko alam ang sinasabi m—"
"Amara." Hinawakan ni Harrison ang kaniyang kamay. "Ikaw lang ang makakatilong sa akin. Naroon ang iba pang lason na ginagawa nila, kumuha ka at ipakita mo sa hari habang hindi pa huli ang lahat."
"Pero Harrison, paano ako nakaksigurong totoo nga ang sinasabi mo?"
"Basta magtiwala ka lang sa akin," ani Harrison.