NASA labas ng palasyo ngayon sina Amara at Hera, dahil hinabilin ni Celia na ikuha siya ng Halamang gamot na makikita lamang sa bundok ng Gini. Pahirapan pa ang kanilang pagpapaalam sa mga kawal, mabuti na lang at naroon si Policarpio. Kinausap nito ng masinsinan ang masusungit na kawal na nagbabantay sa tarangkahan.
Nais pa silang ihatid ni Policarpio at kasamahan nito, ngunit hindi na nila inabala pa ang mga kawal. Dala ni Hera sa kaniyang bulsa ang halimbawa ng dahon na kanilang kukunin, habang kay Amara naman ang maliit na basket na lalagyan nila para mamaya. Malapit lang naman ang bundok ng Gini sa kanilang palasyo, kaya hindi sila mahihirapan doon.
Isa pa, ngayon lamang ulit sila nakalabas ng palasyo, kaya nang makalanghap sila ng sariwang hangin ay labis ang kanilang kasiyahan. Sa tuwa nila ay naghabulan pa sila sa kahabaan ng burol na parang mga bata. Ngayon lamang ulit nila naramdaman ang ganitong saya sa kanilang puso.
Habang sila ay naglalakad tungo sa bundok ay napag-usapan nila ang kalagayan ni Celia.
"Sana pagkatapos nating kumuha ng halamang gamot prinsesa, gumaling na rin si Tiya Celia. Hindi ako sanay na makita siyang nahihirapan. Alam ko matanda na siya kaya madalas ay nagkakasakit siya, ngunit kung maaari lang sana ay kuhinin ang sakit niya ginawa ko na."
Inakbayan naman ni Prinsesa Hera si Amara upang gumaan kahit papaano ang kaniyang loob. "Ano ka ba! Huwag kang malungkot riyan! Napakalakas ni Ginang Celia at kahit anong sakit ay kaya niya. Panigurado namang pagagalingin siya ng halamang gamot na ating kukuhanin 'e," pagkumbinsi niya.
Habang naglalakad sila napansin nila ang ibang mga kawal na naglalakad-lakad din sa burol. Napangiti sila dahil kahit papaano pala ay nagpapahinga din ang mga ito. Madalas kasi sa mga kawal ay masusungit at amdalang lamang ang makasabayan nilang mabait. Siguro, dahil na rin iyon sa kanilang trabaho kaya hinahayaan na lamang sila.
"Naaalala ko tuloy ang inang reyna," saad ni Hera. "Naalala ko nang bata ako, madalas ay kumukuha rin kami ng halamang gamot sa labas ng palasyo. Masaya kami, kahit na may mga kawal ang nagbabantay sa amin. Madalas ay nakakarating na kami sa palasypnnang hapon, dahil kung saan-saan na rin kami nakakarating ni ina. Madalas ay sinasama niya kami sa syudad."
"Mabuti pa kayo nakasama ninyo ang iyong inang reyna, Prinsesa Hera." May kung anong bigat sa boses na sabi no Amara.
"Bakit naman?"
"Bata pa lamang daw ako, iniwan na ako ng aking ina sa tapat ng pintuan ng palasyo. Wala raw gustong kumuha sa akin noon, dahil ang ingay-ingay ko. Napagpasyahan din nila na itapon na lamang ako sa ilog at paagusin," napangiti nang mapait si Amara. "Mabutinna lang at mabait sina Tiya Celia at Tiyo Policarpio, kaya inampon nila ako. Kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanilang dalawa. Sila ang tumayong ama at ina ko, kahit na... iniwan ako ng tunay kong magulang."
"Alam mo, Amara. Ganun talaga, iyong mga taong hindi mo inaasahan iyon pa ang kukupkop sa iyo."
Sa kanilang pagkukwentuhan ay hindi na nila namamalayang nakarating na sila sa bundok ng Gini, kung saan sila kukuha ng halamang gamot. Kung hindi lamang mapapatingin sa silangan si Amara ay hindi pa nila mapapansing naroon na sila.
"Ay teka." Dinukit ninHera ang dahon ng halaman sa kaniyang likurang bulsa saka iyon pinakita kay Amara. "Ito raw ang halamang uod-uod. Kailangan nating makuha ito, dahil mabisa raw ito pangtanggal ng sakit sa katawan o hindi kaya lagnat." Iniabit niya kay Amara ang dahon saka nito sinuri.
"Saan naman kaya tayo makakahanap nito?" tanong ni Amara.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makapunta na sila sa gitna ng gubat. Maige nilang tiningnan ang bawat mga halaman, ngunit si Hera ay hindi pa rin ito mahanap. Naghiwalay sila ng pwesto, kaya naman mabilis nakita ni Amara ang hinahanap nilang mga halaman.
"Heto! Nakita ko na!" sigaw niya sa tuwa, kaya naman kaagad siyang nilapitan ni Hera. Inilapag nila sa mga tuyong dahon ang basket at nagsisimula na silang kumuha.
Tuwang-tuwa naman sila habang iniisipnna marami silang maiuuwing dahon para kay Celia, ngunit ilang minuto lamang ang kanilang pagsaya nang mapansin klni Amara na parang may mali sa kanilang likuran. Sa likod ng mga puno, mayroong nagmamanman sa kanila. Hindi muna niyabiyon pinaalam kay Hera dahil baka matakot ang prinsesa, kaya pasimple siyang tumitingin-tingin sa mga matatayog na puno sa kanilang likuran.
"Prinsesa, bilisan na natin ang pagkuha ng halaman," bulong niya rito.
"Bakit naman, Amara? Hindi ka ba natutuwa na marami tayong maiuuwi?" anito na masaya pa ring pumipitas ng dahon.
"Prinsesa, kasi..." anito nang hindi na niya maituloy ang sasahin dahil naging mabilis ang pangyayari.
Bigla na lamang silang sinalakay ng isang lalaking nakaitim. Hindi nila makita ang mukha nito. Ang lalaki ay may dala ng espada at patakbong papatayin na sila kaya naman mabilis na hinila ni Amara ang kamay ni Hera at tumakbo.
Ngunit bago tumakbo, mayroon na namang isang lalaking nakaitim ang humarang sa kanilang dinaraan, kaya wala na silang takas.
Wala silang magawa kung hindi sumigaw na lang at sa kanilang pagsigaw, hindi inaasahan na isang caballero ang nakarinig niypn at kaagad silang tinulungan.
Tinulak sila ng caballerong iyong patungo sa isang malinis na pwesto habang ito ay binunot ang kaniyang espada saka nilabanan ang dalawang mapangahas na sumunod sa prinsesa at Amara. Hidni maipagkakailang magaling ang Caballeronb ito, dahil sa loob lamang ng ilang minuto ay nagawa nitong patimbahin ang dalawang lalaking nasa harapan nila ngayon.
Bilib na bilib naman ang dalawang binibini sa ipinamalas ng Caballero, ngunit tulad ng dalawang lalaking nakaitim ay nakatakip din ang mukha nito. Tanging ang damit lamang ang palatandaan nito na isa siyang Caballero. Paalis na sana ang caballero, ngunitbbiglang nagsalita si Hera, dahilan para tumigil ito.
"Teka lang!" sigaw ni Hera. "Nais ko lamang sanang malaman ang pangalan mo, upang magpasalamat."
Humarap naman sa kanila ang caballero, ngunit imbis na sagot ang kanilang nakuha ay isang halakhak. "Hindi na kailangang magpakilala pa. Balang araw ay makikilala niyo rin ako," saad nito saka mabilis na umalis.
Manghang-mangha naman sina Amara at Hera, ngunit imbis na magpatuloy pa rin sa pagkuha ng halamang gamot ay nagpasya na lamang silang umuwi.
Pagkauwi nila, ikinuwento kaagad nila kay Celia ang nangyari sa kagubatan. Alalang-alala si Celia kay Hera, dahil akala nito kung ano na ang nangyari sa prinsesa. Hindi raw niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang mangyari sa mga ito.
"Tiya, huwag na po kayong mag-alala. Maayos naman kaming nakauwi ni Prinsesa. Medyo kinabahan la—"
"Ikaw naman!" sigaw ni Celia kay Amara. "Hindi bat sinabi ko na magapsama kayo sa mga kawal?! Paano kung may nangyari sa inyo? Paano kung napatay kayo ng mga lalaking iyon? Hidni ko na alam ang gagawin ko." Sa sobrang pag-aalala ay naluha si Celia. "Tanging bilin sa akin ng hari, bago siya mawala ay alagaan ko ang prinsesa. Hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa inyo, pareho kayong mahalaga sa akin."
Naramdaman ni Amara at Hera ang pagmamalasakit ni Celia, kaya imbis na magtampo ito ay niyakap na lamang nila si Celia. "Pasensya na po, Tiya Celia hindi na maaulit. Mahalaga din po kayo sa amin ni Prinsesa Hera, kaya gusto naking gumaling kayo kaagad. Marami kaming kinuhang dahon ng uod-uod. Maaari niyo iyong inumin tatlong beses sa isang araw," pagpapakalma ni Amara. Mabuto na lamang at umayos ja ang lagay ng kanitang Tiya Celia. Hindi na rin ito nahihilo sa tuwing siya ay tumatayo. Habang pinapakulo ni Amara ang dahon ay tinutulingan naman ni Hera na magpalit ng damit si Celia.
"Prinsesa?" tawag nito kay Hera.
Nakangiti namang humarap sa kaniya si Hera. "Ano ho iyon ginang Celia?"
"Patawad po Prinsesa. Imbis na kayo ang inaasikaso ko, ako pa ang inaasikaso ninyo ni Amara. Nahihiya na ako sa inyo dahil kahit pagsusuot ko ng damit ay kailangan ko pa ng gabay. Hayaan ninyo at kapag gumaling na ako, ipagluluto ko kayo ng masarap na pagkain. Pasensya na rin dahil nagalit ako sa inyo kanina."
Prenteng ngumiti si Hera at lumuhod upang isuot ang emdyas kay Celia. "Huwag po kayong mag-alala, Ginang Celia. Naalala niyo ba nang may sakit ako? Hindi bat kayo rin ang nag-alaga sa akin? Hiyang-hiya nga ako sa inyo dahil naging pabigat ako. Tsaka huwag niyo pong alalahanin ang inyong sermon. Alam namin.." Tumingin siya kay Amara. "Alam namin ni Amara na sermon lang iyon dahil mahal ninyo kami at nag-aalala kayo. Basta ba, iyong pangako ninyo na ipagluluto ninyo kami ng masarap na pagkain pagkagaling ninyo?" pagbibiro nito.
"Oo naman!" saka sila nagtawanan.
—
SA kabilang banda, nasa labas ng bahay si Lorenz at Harrison habang hinihintay nilang umuwi si Victor. Napagkwentuhan nila ang tungkol sa kanilang tribo pati na rin ang pamumuno sa palasyo.
"Grabe! Anong ginawa mo para gumaling kang humawak ng espada? Pwede ko bang hawakan iyan?" tanong ni Harrison habang pinagmamasdan ang matalim at mahabang espada na hawak ni Lorenz.
Iniabot naman ito ng binata sa kaniya. "Matagal na panahon din bago ako natutong hunawak niyan. Maswerte ka nga dahil mabait na ngayon si Ka Andoy, kung noon ka pa narito, makikita mo ang pagiging marahas niya sa mga caballero. Sa isnag linggo ay isang araw lang ang aming pahinga."
Hindi naman makapaniwala si Harrison, dahil ibang-iba iyon sa Ka Andoy na nakilala niya. Ingat na ingat djn siya sa matalim na espadang kaniyang hawak. "Sana balang araw magkaroon din ako ng ganito. Siguro kung ipagpapalit ko ito sa junkshop, nasa limang daang piso ito!" pagmamalaki niya.
"Junk shop?"takang tanong ni Lorenz.
Napangiti na lamang nang bahagya si Harrison at pinagpaliban ang kaniyang sinasabi. "Wala. Ang sabi ko, napakatalim nitong espada mo, siguro marami na itong napatay?"