CHAPTER 3

1918 Words
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. 4:30 am. Bumangon na ako at naglinis ng katawan bago magpalit ng leggings at sando na inibabawan ko ng hoodie. I also wear a pair of balenciaga shoes at lumabas ng bahay na ang dala lang ay ang mp3 player ko at ang earphone. I started my morning exercise through warm-ups bago nag-jogging. Natapos ako ng alas sais ng umaga. Pag uwi ko ay nagluto na lang ako ng bacon at egg bago inilagay ang bread sa toaster. 9 am pa ang klase ko kaya I still have time to eat and review my notes. Hindi na ko nakapagreview kagabi dala na rin ng pagod ko. Matapos kumain ay nag intindi na rin ako at pumasok sa school. Diretso ako sa library since 6 am pa lang ay open na ito. Wala masyadong tao pero sa dulo pa rin ako pumwesto. Maya maya lang rin ay magpapasukan na ang iba kaya panigurado ay dadami ang tao rito. Besides, mas gusto ko sa sulok, para hindi masyado napapansin ng mga tao. Binuksan ko ang bag ko at ipinatong ko sa katabi ng bangkong inuupuan ko. I gathered my things on the table. Taxation ang nire-review ko ngayon at kelangan ko din magsaulo. I looked at my watch. 7:46. Nag alarm ako ng 8:45 am. Just to be sure. I stil have an hour to review. Wala namang quiz or recit. Mas gusto ko lang pumasok na may alam para if ever na may quiz ay prepared ako. Mahilig kasi sa surprise quiz ang prof namin. Nagsimula na kong maghighlight ng mga dapat tandaan kasabay ng pagsaulo ko. Habang nagsasaulo ay medyo nailang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin kaya naman inangat ko ang mukha ko. Nabigla pa ako at nanlalaki ang mga mata ng maalala na yung taong nakatitig sa akin ngayon na animong pinag aaralan ang mukha ko ay parehong lalaki na nakasama ko sa waiting shed kagabi. Anong ginagawa nya dito? Napatingin ako sa paligid at mukhang sa sobrang tutok ko sa pag aral ay hindi ko na masyado napansin ang dami ng estudyanteng andito. Mukhang sa harap at tabi ko na lang ang bakante. Pang apatan kasi ito. Pansin ko din ang tingin ng ibang babae sa lalaking nasa harap ng mesa ko na nakatuon ang tingin sakin habang nakakunot na naman ang noo. Aaminin ko na hindi ko masyado gusto ang pakikitungo ng iba sa akin, bukod sa president’s lister ako at VP ng SSC ay governor ang tatay ko. Kaya naman medyo ilag sila sakin at mataas ang tingin. Mga kaklase at mga kaibigan ko nga lang ang matino ang pakikitungo sakin e, hays. Binalik ko na tingin sa reviewer ko, not minding the stranger in front of my table. Akala ko pa naman ay lalayo na sya sa inasta ko pero nagulat na lang ako ng bigla nyang ibinagsak ang bag sa kabilang bangko na lumikha ng kaonting ingay at inilapag ang steadler sa ibabaw ng mesa. Walang tanong-tanong syang umupo sa mismong harap ko kaya tiningnan ko sya ng naiinis. Ginantihan nya ko sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay. Pinanlakihan ko pa sya ng mata para lang makuha nya na ayaw ko sya sa harap ko. “What? Am I supposed to ask you first before I sit here?” ladies and gentlemen, mr. masungit s***h maattitude of the year! “Wag ka dito.” “Toyo ka?” pang aasar nya. “Suka ka?” I mocked. “Suka? What?” oh, edi gulong gulo ka ngayon?! Tsk “Mukha mo, maasim.” “Was that supposed to be funny? Should I laugh?” “Go on. Give me five.” Hamon ko. “Sorry ka. I’m not uto uto.” Wth? Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. What’s with him and his conyo remarks? Lol It looks cute pero kahit na. Lalaki pa rin! “You can laugh now. Wag mo pigilan.” Inis na sabi nya habang binubuksan ang plates nya sa ibabaw ng table. If I am reviewing for our accounting subject, I really won’t let him share the table with me ‘cause my worksheet and his plates won’t fit on the table. My phone vibrated and that’s my cue to gathered back my things. “Alis ka na?” tanong nya habang nakatingala sa akin. Nakatayo ako habang inaayos ang mga kalat ko sa mesa. “Hindi, tumayo lang ako para umupo ulit,” I rolled my eyes at him. “Hindi ba obvious?” “Why are you being grumpy?” wow! Coming from him!? “I’m not.” Tanggi ko. “You are!” bat ba napakamapilit nya?! “You started it! ‘Di ba ikaw naman nauna? Binabalik ko lang!” nakakainis naman to. Gusto na umalis kaya naman humakbang na ko paalis. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng bigla nyang hawakan ang braso ko dahilan para matigilan ako at mapatingin sa kanya ng nagtataka. “Are you mad?” bigla ay tanong nya. Naconcious ako sa pakiramdam na maraming nakatingin samin at di ako nagkamali dahil ng ilibot ko ang tingin sa loob ng library, halos lahat sila ay nasa amin ang atensyon. Kaya naman pasimple kong inalis ang hawak nya sa braso ko. Ganon na lang ang inis ko ng lalo pa nyang higpitan iyon. “I am asking you.” He demanded. Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago sya hinarap ulit. “I am not mad, okay? I just feel like you don’t want me talking to you so I want to ignore you. Isa pa, diba ikaw ang nagsungit sakin kagabi-?” natigil ako sa pagsasalita ng madapo ang tingin ko sa mata nya. Woah! Sobrang brown ng mata nya. Kahit di man nasisinigan ng araw e halatang halata. Sa sobrang curious ko ay bahagya ko pang inilapit ang mukha ko sa mukha nya para mas makita ng ayos ang mata nya. Shet. Ang ganda talaga ng mata nya! Pati pilik nya e malantik. Tapos natural na makapal ang kilay. Wow, mahal na mahal ng diyos! Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at inopen ang app na camera. Ang parte ng kilay at mata lang nya ang kinuhaan ko ng picture. Brown na mata, malantik na pilik, makapal na kilay at… kunot na noo? WHAT THE FCK!? Doon lang ako natauhan sa kagaguhang ginawa ko at nanlalaki pa ang mga mata. Tiningnan ko pa ang paligid at talagang kapansin pansin ang inggit at gulat sa mga mata ng mga taong malapit samin. Sht lang! He chuckled. Kaya naman napabalik sa kanya ang tingin ko. Kinuha nya bigla ang phone ko at maya maya pa ay nakita ko ang pag ilaw ng phone nya, senyales na may tumatawag. Wala pang ilang segundo ay namatay na din iyon at saka lang nya ibinalik ang cellphone ko. Anong ginawa nya sa phone ko? Tsk “Go now. Baka malate ka pa.” He chuckled and wink at me right after. Damn him! Sa sobrang pagkapahiya at halong inis ay nagmamadali na akong umalis doon at di na pinansin ang kahit na sino. Kahit nasa sulok iyon nakapwesto ay kitang kita pa rin. Kainis naman. “Oh. Ayan na pala ang bida ngayong araw!” salubong ni Adana pagkapasok ko pa lang ng room. Narinig ko pa nga ang mga kaklase namin na nag-sana all kaya naman naguluhan ako at dali daling lumapit sa mga kaibigan ko. “Mang-aagaw ka. Higad! Tse!” akusa pa sakin ni Mio at inirapan ako. Problema nito? Tinaasan ko lang sya ng kilay. “Ikaw nga kasi ang bida!” Excited na sabi sa akin ni Aian at pinakita ang cellphone nya na ikinalaki ng mata ko. Picture kanina sa library. Wait. Bat meron siya non!? “At san galing yan?” akusa ko sa kanya. “Girl, nakapost yan sa page ng school natin! Aba, viral ka na. Ganda ka?” Lah? Bilis naman? Kanina lang nangyare yon ah! Picture namin iyon ni… Di ko pala sya kilala! Nung lalaking brown ang mata! Nakaupo sya sa bangko at nakatingala sa akin samantalang ako naman ay nakayuko sa kanya at nakakatitig sa mata nya. Sobrang lapit pala talaga namin bwiset! Nag init ang tenga at pisnge ko sa pagkapahiya. Napailing na lang ako at napasapo sa noo. “I don’t have plans na magkaboyfriend. Priority first.” Adana mocked me. “Raulo. Sana sinabi mo na lang na maladiyos ang nais mo. Impakta ka!” “That was an accident!” I defend myself “Wow. Asan ang accident dyan?! Di kami matalino pero di kami bobo tse!” “Accident pero kitang kita naman na ikaw ang nakayuko at ni hindi ka man lang nya hawak. Accident your face!” Nanahimik na lang ako sa isang tabi. Lugi naman ako dito. Tatlo sila tapos isa lang ako. Di ko alam ipaliwanag yan. Tinudyo-tudyo pa nila ako hanggang sa dumating ang prof namin. Buti na lang at kahit papano ay nagreview ako dahil nagpasurprise quiz na naman ito. Buti na lang talaga. Matapos ang dalawang subject namin ay tapos na ang klase namin at uwian na. Hindi pa man ako nakakatayo ay nagvibrate na ang phone ko. Unregistered number. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at lahat sila ay busy sa pagligpit ng gamit. Binuksan ko ang message at nangunot ang noo sa nabasa. - From: 0995xxxxxxx H4lLo pHoEws - WHAT AND WHO THE FCK IS THIS!? Uso pa pala mga jejemon ngayon!? I deleted the text and put my phone on my pocket tsaka tumayo na. Bigla ulit nagvibrate ang phone ko. Unregistered number. Same number nung kanina. What does this jejemon needs from me? From: 0995xxxxxxx You’re not mad at me, right? WHAAAAT?! To: 0995xxxxxxx Stop bothering me. Go, die. I put my phone back on my pocket at hindi na inintindi pa ang pagvibrate ng cellphone ko ng paulit ulit. Hindi muna ako dumiretso sa apartment. Dumaan muna ako sa milk tea café para bumili ng milk tea at slice ng cake para sa meryenda bago umuwi. Just like my daily routine, I throw my bag at my bed, clean myself in the comfort room and change into a comfy plain shirt ang short. I prepared my meryenda sa maliit na kitchen bago nagtuloy na sa kwarto. I grabbed my phone to check if someone messaged me and I was right. I received 7 texts from an unregistered number and 1 text from globe. Inuna ko ng basahin ang mga message nya sakin. From: 0995xxxxxxx Di mo na ko kilala? From: 0995xxxxxxx Ang bilis mo naman makalimot? From: 0995xxxxxxx Hey Ms. Louis Vitton! LOUIS VITTON!? WHAT THE - - - Napatingin ako sa backpack na bag na gamit ko at don ko lang narealize kung bakit Louis Vitton. Because of my branded bag! From: 0995xxxxxxx Why are you ignoring me? From: 0995xxxxxxx Hey! From: 0995xxxxxxx Why aren’t you replying? Ayaw mo ng 5 years? WHAT FIVE YEARS IS HE TALKING ABOUT?! From: 0995xxxxxxx Don’t have load? You have LV bag yet you don’t have a load? Did you just snatch that bag? DAMN YOU! DAMN YOU BROWN-EYED-GUY! Sa text pa lang, halatang halata na ugali nya. Apakabaho, bwiset! I opened the last message na globe ang nagtext. Medyo napaisip pa ako dahil bukas pa ang expired ng load ko. Halos mawindang ang buong pagkatao ko sa nabasa ko. From: GLOBE You have successfully loaded P5,000 pesos from 0956xxxxxxx. 3:06 pm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD