"Namumutla ka!" puna nya sa'kin ng mag-red ang stop light. "Stop!" irita kong sagot. Tinawanan nya lang ako. "Namumutla ka nga!" gatong pa nya. I groaned. "Isa pa, bababa ako dito!" banta ko at itinaas nya lang ang dalawang kamay na parang suko na. Nagsimula na sya ulit na magdrive. Maya't maya sya kung sumulyap sakin at nang hindi na makatiis ay nagsalita. "Don't you want to retouch? Sobrang pale mo talag---" gigil akong sumulyap sa kanya. Ayan, makuha ka sa tingin! Nang malapit na kami, kinuha ko sa sling bag ko ang mini mirror ko at ganon na lang ang gulat nang makitang namumutla talaga ako! Narinig ko pa ang mahinang tawa sakin ni seven kaya inirapan ko ito. Good thing I brought my liptint with me kahit pa hindi ako sanay gumamit. I put some on my lips pati na sa cheeks para magm

