"Ano ho'ng kailangan nila." Walang bahid ng emosyon ang tanong ni Zhoey, malamig, tiyak at walang pag-aalinlangan, Wari'y hindi alintana kung sino man ang kaharap niya ngayon. Ang kanyang tingin ay nananatiling matigas, hindi nagpakita ng kahit katiting na pag-aalala o pangamba, kahit na tila isang Goliath pa ang nasa harapan niya. Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaking nasa harap niya, waring hindi makapaniwala sa kawalan ng takot ng dalaga. Hindi man lang ito natinag sa presensya niya—isang bagay na bihira niyang maranasan. Isang matalim na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi, tila isang tahimik na hamon, isang tangkang sukatin ang hangganan ng katapangan ng babaeng ito. Sa bawat segundong lumilipas, lalong tumitindi ang kanyang pagnanais na durugin ang tila di-matitinag nitong determin

