Lihim na naalarma si Dedo, dumaan sa isip niya na baka nasobrahan siya ng pananalita—baka nga nabigla niya si Pia nang hindi niya napansin. "Oh, I apologize, Pia," aniya, pilit na pinapakalma ang sarili. "I'm just… overwhelmed by this moment—finally seeing you face-to-face—it’s surreal.” Sandaling tumigil si Dowen, parang pinipiling mabuti ang bawat salitang isusunod. "You see, you bear an uncanny resemblance to someone close to me. Kamukhang-kamukha mo ang kaibigan ko." Halatang nag-aalangan siya, ngunit nagpakatatag pa rin. "That's why... my family and I would like to ask—kung maaari lang sana—if you could temporarily pretend to be her. Magpanggap ka muna bilang siya, kahit panandalian lang. I know it's a lot to ask, Pia, but... if it's possible," pagmamakaawa niya, bakas sa tinig ang t

