Chapter 1: Winner

3737 Words
"Nay! Nay! Nanalo po ako!" Dali-daling bumaba si Zhoey sa tricycle, puno ng tuwa at excitement ang kanyang mukha. Nagkandarapa siya sa pagdala ng kanyang mga premyo kaya tinulungan siya ng tricycle driver sa pagdiskarga ng mga ito papasok sa bahay. Ang biik na isa sa mga napanalunan ay itinali muna sa may kural nila. Kumuha si Zhoey ng limang daang piso sa sobre at ibinigay sa tricycle driver para sa pasahe at balato na rin. Nanlaki ang mga mata ni Manong sa tuwa. "Nako! Salamat, hija, napakabuti mong bata. At congratulations sa'yo," sabi ni Manong na abot tenga ang ngisi, kita ang galak sa kanyang mga mata. "Walang anuman po, Manong, at salamat din. Na-suwertehan lang po," nakangiting wika ni Zhoey. Nagpaalam na ang tricycle driver at puno ito sa pasasalamat. "Nay!" masayang pagtawag muli ni Zhoey sa ina, hindi mapigilan ang kilig at saya. Nang marinig ni Marieng ang pagtawag ng anak, nagmadali itong lumabas mula sa kusina, may hawak pa itong pamunas. Niyakap kaagad ni Zhoey ang ina nang makita ito. "Nanalo po ako, Nay!" excited na balita ni Zhoey, halos tumalon sa tuwa. Nanlaki ang mga mata ng ina at nagtataka. "Anooohh?" napasinghap ito nang makita ang mga premyo ni Zhoey. "Oh, my God, anak! Ang dami nito," wika ng ina, malaki ang tuwa at tila lumulutang sa galak. "Hindi lang po 'yan, Nay. May biik pa at limampu't limang libong piso!!!" excited na balita ni Zhoey, habang iniisa-isa ang mga premyo, kitang-kita ang pagmamalaki sa kanyang mukha. "Talaga?!!!" Hindi pa rin makapaniwala ang ina. Nagtatalon sila habang magkayakap sa sobrang kasiyahan. "Anak, ano ba ang sinalihan mo? Bakit ang dami mong napanalunan!?" masayang tanong ng ina, nakangiti ng malaki. "Sumali po ako sa mga palaro doon sa bayan, Nay. Fiesta kasi," sagot ni Zhoey, hindi mapigilan ang excitement sa boses. "Meron po silang paligsahan sa pabilisan ng pagtakbo—isang sakong bigas po ang papremyo. Meron ding pabilisan ng paglakad—isang malaking bag na puno ng groceries ang premyo. Sa pagtirador ng lata na limampung metro ang distansya—limang libong piso po ang papremyo. At ako po ang nakakuha ng first prize sa mga larong 'yon, Nay!" Zhoey exclaimed in delight, halos lumulundag sa saya pati ang ina nagtitili. At nagpapatuloy siya sa pagbabalita sa ina. "Saka sa pagdakip ng biik, ako rin po ang nakakuha! Ayon si Bicky, oh! Ang cute!" Sabay turo nito sa biik na nakatali sa kural na nag-oink-oink. "At ito pa, Nay! Nakakuha kami ng first prize sa Palosebo—nanalo kami ng isang milyong piso, Nayyy!!! Tig-singkwenta mil kaming lahat ng miyembro sa ka-grupo ko! Hahaha, sobrang saya kop o! Ito, Nay, o sa'yo na po. Itago niyo po para sa mga gastusin natin dito sa bahay." Sobrang galak ni Zhoey, napasayaw pa ito at napatalon silang mag-ina sa tuwa at nagyakapan muli. Tinanggap ito ng nanay niya at isinilid sa bulsa. "Ay nako! Salamat sa Diyos, anak! Ang swerte mo, biyaya ka talaga!" sabi ng ina, halos maiyak sa tuwa. Sa sobrang saya nila, biglang napatakbo si Zhoey sa banyo. "Nay, banyo po muna ako, ha! Na-iihi ako eh." "O, sige anak," sabi naman ng nanay niya. Maya-maya pa ay may dumating. "Tao po, Marieng!" Lumabas si Marieng nang marinig na may tumawag sa kanya. Tiningnan niya kung sino ito. "O, bakit? Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya na may pagtataka. "Ay sos, grabe talaga 'yung anak mo, Marieng! Bihasa sa pagtirador! Siya lang ang babae na sumali at natalo pa niya ang mga lalaking katunggali niya!" hyper na pagbabalita ni Aling Sanyang. "Nanalo din siya sa pabilisan ng pagtakbo Sanyang, diba?!" sabad naman ni Aling Nora, na pinalaki pa ang mga mata. "Nanalo din siya sa pabilisan ng paglakad, diba, Tecia?" wika ni Aling Sanyang sa isa pang kasama. "Ay oo, Marieng! Tiba-tiba ang anak mo ngayon! Siya rin nga ang nakakuha ng biik, eh. Sobrang galing maghabol at magdakip ni Zhoey! Talbog niya ang mga lalaki doon sa bilis niya. Sa Palosebo, grabe din kung umakyat! Grabeh ang anak mo, Marieng! Siya lang ang nag-iisang babae doon na sumali. Kababaeng tao sumali pa, eh, ang anak ko ngang maganda hindi sumali," litaniya ni Aling Tecia, halatang inggit. Nganga naman si Marieng. "Hayyy, Aling Tecia, okay na sana, mam-bash ka pa. Bakit? Minamaliit mo ba ang anak ko? Kita mo naman na kaya niya, diba? At saka hindi naman siya pinagbawalang sumali, ah. At saka magkaiba ang anak mo at ang anak ko," himutok ni Marieng, habang pinipigilan ang galit sa kanyang dibdib. Magaling yata ang anak ko, matapang, matalino, at madiskarte sa buhay. Di tulad ng anak mo na malandi at magaling manglandi ng mga kalalakihan. Gusto pa sana niyang idugtong ito, pero naisipan niyang huwag na lang. Baka magkalamat pa sila, iba pa naman din ang tabas ng dila nitong si Aling Tecia "Oo nga, Tecia. Ikaw talaga," sabat ni Aling Nora, na bahagyang sumimangot. "Hala sige, umuwi na kayo. Yan lang ba ang hatid niyo dito? Na, hala, salamat, ha!? Nandito na rin kasi si Zhoey, eh. Una na niyang ibinalita sa akin ang pagkapanalo niya," pagtaboy niya sa mga ito, kita ang inis sa mukha. "Ahay, ganon ba? Hehe, akala kasi namin wala pa. Hala sige, Marieng, mauna na lang kami. Swerte ng anak mo. Sana mambalato naman. Huwag madamot," sabi ni Aling Sanyang na bahagyang nakataas ang kanang kilay inikot pa ang mga mata bago sila umalis. Lumakad na palayo ang tatlong dakilang marites sa kanilang lugar. Nakaawang ang labi ni Marieng sa sinabi ni Aling Sanyang. "Nandito ba sila para manghingi ng balato?" Hindi siya agad nakapag-react. "Hay nako, 'yang mga marites na 'yan! Huh! Konting-konti na lang ang pasensya ko sa kanila! Tatahiin ko na talaga ang mga bunganga nila!" himutok ni Marieng, namumula ang mukha. Hinampas niya ang mesa sa kusina at umupo sa silya na hinila niya, damang-dama ang inis. Napansin ito ni Zhoey. "Nay, sino naman ang kontra niyo?" kunot-noong tanong ni Zhoey. Nakapagbihis na rin ito. Naghugas muli ng kamay saka kumuha ng dalawang plato, kutsara, at tinidor. Hinanda niya ang hapunan nila. "Duh, 'yong mga marites dito sa atin. Anlalaki ng mga bibig!" galit na wika ng ina, halos mag-apoy ang mga mata sa inis. "Nay, huwag niyo na po silang patulan. Ang importante, wala po tayong tinatapakang dignidad ng tao," sabi ni Zhoey, pilit na pinapakalma ang ina. "Kain na lang po tayo, Nay," aniya matapos makapaghanda. Pritong isda at sinabawang malunggay na may sahog na sardinas ang ulam nila, pinipilit na ibalik ang masayang aura sa kanilang hapunan. Nang matapos silang kumain, "Anak, ako na ang magligpit diyan. Magpahinga ka muna. Alam kong napagod ka buong maghapon. Ako na ang maghugas ng pinagkainan natin," sabi ng nanay niya habang nagpupunas ng mesa, puno ng pagmamahal sa tinig. "O sige po, Nay." Akma na sanang lalakad si Zhoey, "Ay, Nay, pakakainin ko po muna si Bicky baka nagutom na ito. May binili na rin kasi akong pagkain para sa kanya good for one week. Siguro sobrang pagod din nito," wika niya, may halong pag-aalala. "Eh, sino ba naman kaya ang hindi mapagod. Andami ninyong naghabol sa kanya at pinagtulungan niyo pa siyang dakpin," ani ng ina, natatawa. Napakamot naman si Zhoey sa kanyang kilay at natatawa rin. Nai-imagine niya ang sarili kanina sa mga pinaggagawa niya. Wala talaga siyang pinalampas na oportunidad basta tungkol sa pera, basta desente at sa tamang paraan, sasali siya talaga sa mga patimpalak huwag lang ang beauty contest kahit alam naman niyang maganda siya at may laban. Kanina sa bayan, usap-usapan ang pagkapanalo ni Zhoey. Di lubos akalain ng mga tao na kaya niyang makipagsabayan sa mga larong panlalaki. Kitang-kita nila na ang laro ay fair and square. Alam nila na may skill talaga ang dalaga. Sa porma niya sa pagtirador ng lata, magaling siya. Ang bilis pa niyang lumakad pati sa pagtakbo. No wonder na siya ang nanalo. At sa pagdakip ng biik, ang bilis ng kilos niya. Lalo na sa larong Palosebo, tatlong grupo ang magkatunggali, tig-bente kada grupo. Si Zhoey mismo ang nagplano para sa grupo, kung ano ang technique at paano ang pag-akyat. As a result, sila ang nanalo, sobrang saya ng mga ka-groupmates niya dahil ang limampung libong papremyo na paghatian sana nila ay naging isang milyong piso! May nag-sponsor on the spot na gawing one million ang papremyo. Dahil sa tuwa, nag-group hug sina Zhoey at ang mga kasama. Kahit naipit siya, tumawa pa rin sa galak. Di nila namalayan na may lumapit sa kanila na dalawang lalaking puro malaki ang pangangatawan at sabi na huwag daw siyang masyadong ipitin. Nagtaka siya. Tumalima naman ang mga kasamahan niya, pero bakas pa rin ang tuwa sa kanilang mukha. Saka umalis ang dalawang lalaki. Sino kaya ang mga ito? Tanong ni Zhoey sa sarili. Ngayon lang niya ito nakita dito. Nagkibit-balikat na lang siya at di na pinansin, baka dayo lang. Ang nagsponsor ng isang milyong papremyo ay nagmasid lang sa grupo nila Zhoey kanina. Kita niya na parang lider si Zhoey na naghayag ng plano kung ano ang gagawin ng grupo at paano ito i-execute. Nakikinig ng husto ang mga kasamahan ni Zhoey. Bakas sa mukha ng dalaga ang determinasyon, dahil na nga sa sunod-sunod na pagkapanalo nito. Nang nagsimula na ang hudyat, they started with a good formation compared with the other groups. Pinili nila ang mga malalaking katawan na maging base at sinigurado na malakas ang mga ito para patungan ng lahat. Bilib siya sa grupo ni Zhoey dahil madali lang para sa kanila ang execution. Tulala siya nang pagmasdan niya ang pag-akyat ng dalaga para kunin ang flaglet na nandoon sa dulo. Para lang itong langgam na walang kahirap-hirap na tinahak ang nagpatong-patong na mga kasamahan. Saludo siya sa kakayahan ng dalaga. Nakakatindig-balahibo ang ginawa ni Zhoey. Hindi niya lubos akalain na ang isang magandang babae na tulad nito, matangkad at tila pang-beauty queen, ay sasali sa ganoong palaro. At ang lakas pa ng loob! Sa ganda nito, mas bagay sana itong sumali sa mga National Pageantry. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan niya si Zhoey, na namumula ang pisngi dahil sa init ng araw. Sa bawat kilos ni Zhoey, sa bawat pag-ihip ng hibla ng buhok na natanggal sa ponytail, dama niya ang tindi ng determinasyon at saya ng dalaga. Nakakabighani talaga yung mga mata nito, puno ng energy at parang enjoy na enjoy, kahit mainit hindi nito inaalintana. Noong nalaman niya na ang prize sa Palosebo ay fifty thousand, pinakiusap niya sa kanyang tauhan ang organizer na gawing one million ang premyo dahil na-impress siya sa grupo, especially kay Zhoey. Inalam niya talaga ang pangalan nito dahil na-curious siya. Ito lang kasi ang nag-iisang babae na sumali sa palaro. Astig. I like her. I mean, I appreciate everything I see about her. At susubaybayan ko pa siya. Sabi nito sa sarili. Kinabukasan. "Nay, pupunta po muna ako ng bayan ha, may bibilhin lang po ako na damit," paalam ni Zhoey sa ina. "O bakit bibili ka pa, eh pwede naman kita ipagtahi. E-sketch mo lang 'yong design na gusto mo at tatahiin ko," sabi ng ina. "Nako, Nay, ayaw ko pong mapagod ka. Sa susunod na lang po, andami pa kasi ng iyong tatahiin eh," paliwanag ni Zhoey, may ngiti sa labi at may lambing sa boses. "Na, sige anak, mag-ingat ka ha?" bilin ng ina. "Opo, Nay. Ingat po sila sa akin... Heheh," biro ni Zhoey, sabay halik sa pisngi ng ina. As usual, naka-jogger pants ito ng itim, naka puting t-shirt, at naka sneakers na puti din. Nagsuot ito ngayon ng black baseball cap at naka-ponytail ang mahabang buhok. Para itong modelo sa kabuuan ng isang sikat na brand ng damit, matangkad at may aura. "Nako, ikaw bata ka," napailing na lang ang ina, ngunit may ngiti sa labi, habang pinagmamasdan ang anak na paalis. "Oy, Zhozho! Saan ka pupunta?" tanong ni Dedo, kapitbahay at kababata ni Zhoey, habang sakay sa kanyang itim na big bike. Mayaman ang pamilya ni Dedo, maraming negosyo ang mga magulang nito. Pero si Dedo, down to earth, hindi mayabang, at laging handang tumulong. Tulad na lang ng pagtulong niya kay Zhoey noong hindi sila makabayad ng tuition fee sa college. Si Dedo na ang sumalo sa gastusin. Kahit na gustong bayaran ng nanay ni Zhoey ang utang, tumanggi si Dedo at ang mga magulang nito. Sabi ng mga ito, isipin na lang daw na scholar nila si Zhoey. Napapayag naman ang nanay ni Zhoey, at labis ang pasasalamat sa mga ito. Naghihikahos sila sa buhay noon. Walang kinagisnang ama si Zhoey, at hindi rin alam ng ina niya kung sino ang ama niya dahil one-night stand ang nangyari. Base sa kwento, nahihilo ang nanay niya matapos inumin ang isang basong alak sa isang club. Designer sana ang nanay niya, pero hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil na buntis ito at itinaguyod na lang siya nitong mag-isa. Naging mananahi ang nanay niya, at ito ang nanahi ng mga tablecloth na ginagamit sa catering services ng pamilya ni Dedo. Kahit gusto ng ina ni Zhoey na gawing libre ang pagtahi bilang pambayad sa utang na loob, hindi pumayag ang mommy ni Dedo, at binigyan pa rin sila ng pera. Naging magkaibigan ang ina ni Zhoey at ina ni Dedo, at dahil dito, lalong lumalim ang koneksyon at pagmamalasakit ng pamilya ni Dedo kay Zhoey. Nagkakilala sila ni Dedo noong nag-aaral pa lang sila sa pre-school. Binigyan siya nito ng chocolate kasi umiiyak siya noon. Tinanong siya ni Dedo kung bakit, sinabihan niya ito na papalayasin na sila sa kanilang tinitirhang bahay at wala nang perang pambayad ang nanay niya. Inalo siya ni Dedo na huwag nang umiyak. Bata pa lang sila ni Dedo, nakitaan na niya ito ng mabuting kalooban at pagiging responsableng bata. Isang taon lang ang pagitan nila Dedo. Tatlong gulang siya at apat na taong gulang si Dedo noon. Magkaramay sila sa lahat ng bagay simula noon. Hindi niya akalain na nagkwento pala si Dedo sa sariling mga magulang, kaya sila natulungan. Ang magulang ni Dedo ang nagbayad ng natirang bayarin sa bahay nila. Tapos pinalipat sila sa bahay na malapit sa malaking bahay nila Dedo, at binigay sa kanila ang bungalow na bahay na pag-aari ng mga magulang ni Dedo. Tuwang-tuwa naman sila ng nanay niya. Hindi niya makakalimutan ang pangyayaring iyon sa buhay nila mag-ina. "Dedo! Sa bayan ang punta ko. Ikaw?" tanong niya, may halong saya sa boses. "Tara, sakay na. Sa bayan din ako. May bibilhin ako sa NG Shopping Mall," sagot ni Dedo, nginitian siya. "Ay, mabuti, pareho tayo ng pupuntahan!" nakangising wika ni Zhoey. Sumakay si Zhoey sa motor. Pagdating nila sa NG Shopping Mall, dumiretso sila sa department store. "Men's section muna tayo, Zhozho, isa lang kasi ang bibilhin ko," sabi ni Dedo. "Sige, samahan kita, then, samahan mo rin ako sa Lady's Wear Section," sabi naman niya. "Sige, tara," wika ni Dedo, sabay hila sa kanya. Nang dumating sila sa Men's Section, "Hoy, Dedo, ano ba ang bibilhin mo?" tanong ni Zhoey mayamaya. "Ito." Sabay pakita ni Dedo sa dala nito. "Briefs!?? Sayo ba yan?" tanong ni Zhoey, mata'y lumalaki sa pagkabigla. "Oo," sagot naman ni Dedo, nakangiti. "Oy, patingin, anong size niyan!?" kuryosong tanong ni Zhoey. Kumunot ang noo ni Dedo at nagsalubong ang kilay. "Bakit, magbe-brief ka na rin ba?" takang tanong ni Dedo, mata'y nag-uusisa. Napangiwi si Zhoey. "Hindi, ah. Ano nga?! Beh, patingin?" Binawi niya ang napiling briefs ni Dedo at tiningnan ito. "Oy, large at saka extra-large? Bakit dalawang size?" Curious niyang tanong. "Try ko lang kung saan ang mas kasya. Minsan kasi magkaiba ang size. Merong large na parang medium at meron ding XL na parang large," sabi ni Dedo, naka-ngiti. "Oy, laki ah," komento ni Zhoey, na may panunukso sa mukha. "Hindi naman. Gifted lang," at saka natawa si Dedo. Hinampas siya ni Zhoey pero mahina lang. "Hahahah, pa humble effect ka pa diyan," sagot ni Zhoey, natatawa rin. "Tara, sa Lady's Wear tayo," pagyaya ni Zhoey, may saya sa boses. "Ano ba ang bibilhin mo dito? Panty?" tanong ni Dedo, nakangisi. "Nako, hindi ah. Tsaka hindi ako nagsusuot ng panty, no," sagot ni Zhoey, may konting biro sa boses. Namilog ang mga mata ni Dedo sa narinig. "Talaga???" tanong ni Dedo, gulat na gulat. Napangisi si Zhoey. Iwinagayway niya ang kanyang kamay bilang protesta. "Hindi, patapusin mo muna akong magsalita, kaseh. What I mean is, hindi ako nagsusuot ng panty dahil panty shorts ang mga sinusuot ko," pagpapaliwanag niya, medyo natatawa. "Ah, ganun ba? Hindi ba magkatulad 'yon?" tanong naman ni Dedo, may pagtataka. "Yeah, magkatulad sila na puro underwear. Pero magkaiba kasi 'yon ng cut. Mas malaki ang pantyshorts. Shorts nga, diba," pagpapaliwanag ni Zhoey na natatawa. "Ay, malaki din," komento ni Dedo, may pilyong ngiti sa labi. Nang ma-gets ni Zhoey ang ibig sabihin nito nanlaki ang mga mata niya. "Ay hindi ah, sakto lang. Ahahaha." Nagtatawanan silang dalawa. Namili ng damit si Zhoey. "Tulungan mo nga akong mamili ng damit, Dedo," hiling niya. Nang hindi ito sumagot, nilingon niya ito at nakitang nakatago sa wall na may mga damit na nakasabit. Nilakasan niya ang pagtawag, "Hoy! Delfin Dowen Cazco!" Lumingon si Dedo kay Zhoey na para bang naalarma, dali-daling lumapit ito at inilagay ang hintuturo sa bibig ni Zhoey. "Shhhhh, huwag kang maingay," bulong ni Dedo, may konting pagkabalisa sa tinig. "Bakit?" Pabulong na tanong ni Zhoey, para silang mga magnanakaw na takot mabuking. "Nandito si Treacy," pabulong din nitong sagot, kita sa mukha ang kaba. Kunot-noo naman si Zhoey, nagtataka. "Sino si Treacy?" "Si Treacy, anak ni Aling Tecia," paliwanag ni Dedo, halatang nag-aalangan. "Ah, yong babaeng hitad na baliw sayo," walang ganang komento ni Zhoey, nakasimangot. "Nakakabwisit kasi yung babaeng 'yon, feeling maganda, eh, di naman masyado," wika ni Zhoey, may halong inis. Tumawa naman si Dedo, napakamot sa kanyang kilay. "Naka-bulls eye ka kasi do'n kaya nabaliw sayo," dagdag pa ni Zhoey, may konting pang-aasar. Ngumisi lang si Dedo. "She did the first move. So, I grabbed the opportunity. Halika na, mamili na tayo ng damit mo," sabi ni Dedo, sabay hila kay Zhoey papunta sa dress section. "Ito kaya, Dedo, maganda ba 'to?" tanong ni Zhoey, hawak ang isang navy blue na bulaklakin na dress, ipinakita kay Dedo. Ngumewi naman si Dedo sa ipinakita ni Zhoey, halatang hindi impressed. "Hmm, parang hindi bagay sayo," sabi niya, may konting pag-aalinlangan. "Hindi yan maganda para sayo, Zhozho. Mukha kang manang dyan. Ito bagay sayo, o, beige na kulay at plain pa. Isa itong waist tie dress na short sleeve na hanggang tuhod. Lulutang ang pagka-simple mo at pagka-inosente dyan. Tapos lalo kang gaganda dyan dahil slim ka, maputi, makinis, maganda ang hubog ng katawan. So, pwede ka ng magka-boyfriend nyan, 22 years old ka na kaya," mahaba at may halong biro na wika ni Dedo. Hinampas siya ni Zhoey, natatawa. "Hahahah, lokoloko ka. Wow lang talaga, ha. Galing mo namang mamili, may comment pa. Stylist ka ba?" "Hindi. Bakit?" inosenteng tanong ni Dedo, may konting pilyo sa ngiti. "Binigyan mo kasi ako ng rason para magpaganda at para magka-jowa," sagot ni Zhoey. "Woow, bumabanat ka, ah," ani ni Dedo, natawa rin. Nagtatawanan na naman sila, damang-dama ang saya at pagiging komportable nila sa isa't isa. Binilhan din ni Zhoey ng damit ang kanyang ina. Nang tumungo sila sa cashier's booth para magbayad, napansin ni Zhoey nagbubulungan ang cashier at checker. Curiosity piqued, idiniin niya ang kanyang tainga para makimarites. Narinig niya ang mga salitang "gwapo" at "makisig", at sakto daw sa tindig, "6 footers." Sumulyap ang mga ito sa likuran niya. Ay, alam na this. Si Dedo ang pinag-uusapan ng mga ito. Kitang-kita ni Zhoey ang pag-blush ng mukha ng cashier nang tinanong ni Dedo kung magkano lahat. Sumagot naman ang cashier kay Dedo, nagpa-cute pa ito. Akmang nagsabit ba ng hibla ng buhok sa tenga, e, wala namang kumawalang buhok sa pagkapusod nito. Infairness kay Dedo ha, parang wala lang sa kanya. Nagbigay ito ng seven thousand pesos, tapos hindi na hinihingi ang sukli. "Keep the change," anito. Tuwang-tuwa naman ang dalawang babae, halos lumulutang sa saya. Nanlaki naman ang mga mata ni Zhoey. "Hoy Dedo! Bakit hindi mo kinuha ang sukli, sayang naman. At saka bawal sa kanila ang tumanggap ng pera!" Natawa lang si Dedo sa kanya at kinurot ang ilong niya. Nakasimangot naman siya. "Hayaan mo na," sagot ni Dedo, nakangiti. Hinila siya ni Dedo papasok sa fast food restaurant at nag-order. "Anong sayo, Zhozho?" tanong ni Dedo. "Yong ano lang, burger na maraming lettuce at tomato at saka iced tea," sagot ni Zhoey na palinga-linga sa paligid. "Oih, para ka ng kambing nyan ah," biro ni Dedo, may ngiti sa labi. "Hindi ah, masarap kaya," sagot ni Zhoey, nakangiti rin. "Pareho na lang tayo ng order," sabi ni Dedo, sabay tingin sa staff. Sinabi na niya ang order nila at pagkatapos, binayaran ni Dedo. Habang kumakain sila sa mesa, nag-open up si Zhoey tungkol sa palaro sa bayan. "Hoy Dedo, hinahanap kita noong Palaro ng Bayan ah. Bakit hindi ka sumali?" tanong ni Zhoey, puno ng curiosity. "Ah, hindi ako sumali dahil binigyan kita ng chance na manalo. Sayang naman kasi mas malaking tulong 'yon sayo, sa inyo ni Tita Marie," kalmang pahayag ni Dedo, may sincerity sa kanyang tinig. "Oh, bakit nga-nga ka diyan?" tanong ni Dedo, nagtataka. "Grabe ka naman, as if matatalo mo ako," sagot ni Zhoey, may halong pang-aasar. "Bakit hindi ba?" paghahamon ni Dedo, may konting pang-aasar. "Soosss, sige ba, laro tayo sa gaming area," hamon ni Zhoey, nakakrus ang mga braso. "Tssst huwag na. Ayaw kong matalo ka. Masira ko pa ang momentum mo," sagot ni Dedo, may kasamang ngiting pang-aasar. Nang hindi makapagpigil, hinampas na ito ni Zhoey. "Sosss, ang lakas ng hangin tara na nga baka ilipad pa tayo," sabi ni Zhoey. Nagtatawanan na lang silang dalawa. Umuwi na sila. At nagpasalamat si Zhoey kay Dedo sa pagsama at pagpapasakay nito sa motor nito at sa panlilibre na rin. Papasukin sana niya ito sa bahay nila pero tumanggi na si Dedo. Ang sabi nito ay may lalakarin pa daw itong iba kasama ang mommy nito. "Nay! Nandito na po ako," pagbigay-alam ni Zhoey, tinanggal ang kanyang sapatos at nilagay sa shoe rack. "O, buti nandito ka na anak. May sasabihin ako sayo," sabi ng nanay niya, kita ang pagmamadali sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD