Chapter 3: Hostage

3007 Words
Lutang na lutang si Zhoey nang dumating sa kanilang bahay. Pabalik-balik sa isipan niya ang nangyari. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at humiga, para siyang tralala, nakagulong ng paulit-ulit sa kama at gandang-ganda sa sarili. In her 22 years of existence, first time niyang maka-experience ng gano'n. Noon kasi wala siyang interes na magka-crush sa lalaki dahil one of the boys siya. Pero ngayon?! Biglang nagbago ang lahat, nagkakagusto na siya. Tuwang-tuwa ang puso niya. "My ged, nakakaloka! It feels like I'm a woman in love with a stranger!" Sa sobrang kilig at saya, humagalpak siya ng tawa mag-isa na parang sira. Sa nararamdaman niyang excitement nagdadala ito sa kanya sa ibang dimensyon ng kaligayahan. "He is my first kiss! My ged may first kiss na ako!?" tili niya. Hindi talaga siya makapaniwala. "Ayyyyyyyhhh!"sigaw niya sa kilig. "Mababaliw ako nito!" Dali siyang bumangon mula sa kanyang kama at pumunta sa aparador na may salamin. Tiningnan niya ang sarili. Parang kamatis sa pula ang kanyang pisngi. "Aahhaaayyy! Nako, nako nak-ko!" Napatalon siya ng pinong-pino. Nagliliyab siya sa tuwa at kilig. Hindi siya mapakali sa sobrang saya. Napangiti siya. "Ito na ba ang pakiramdam ng first kiss?" She touched her lips gently and it feels like swelling. Napakagat labi siya. Ang sarap ng kanyang pakiramdam. Ang puso niya ay tila tumatalon sa bawat segundo, at hindi niya mapigilan ang pagsabog ng saya sa kanyang damdamin. "Makikita ko pa kaya siya??" tanong niya sa kanyang reflection sa salamin. "Sana makita ko siya muli," dalangin niya. "Tama! Hahanapin ko siya at ikulong! Ikulong dito sa puso ko. Ayyyh!" tili niya muli. "Napaka-O.A ko talaga." Bumalik siya sa paghiga sa kama. Panay ang sipa niya at paggulong-gulong dahil sa kilig. Buong maghapon siyang nananaginip ng gising dahil paulit-ulit niyang ini-imagine ang nangyari, nag-iinit tuloy ang pakiramdam niya. Kahit medyo pagod ang katawan niya sa pakikipagsuntukan kanina pero bawingbawi naman siya sa first kiss. Hanggang sa paggabi si Mr. Pogi pa rin ang kanyang ini-imagined: kung paano humagod ang dila nito sa kanyang labi, kung paano ito humalik, pati kamay nito kung paano hinawakan at pinisil-pisil ang isa niyang dibdib. "Hay juskolord paano ko siya makikita muli mababaliw talaga ako sa kanya. Huhuh," daing niya. Hindi siya makatulog. Resulta madaling araw gising pa rin ang diwa niya. Maagang kinalabog ni Dedo ang pinto. "Zhozho, buksan mo 'to!" sigaw niya. Dali namang nagising si Zhoey. "Aagh, Dedo, ang aga naman. Hindi pa ako nakabawi sa tulog ko," maktol niya, napilitan siyang bumangon. Alam niyang magulo ang buhok niya pero wala siyang pakialam. Binuksan niya ang pinto. "Bakit ba ang aga mo, Dedo," inis niyang tanong, nakanguso ang bibig. "Ay sorry, hindi ko alam dito na pala nakatira ang panda ng China," natatawang wika ni Dedo nang makita ang itsura ng kaibigan. "Bakit ba ang lalim at bahagyang nangingitim 'yang paligid ng mga mata mo, ha? Anong nangyari sa'yo?" tanong niya, halatang nag-aalala. "At anong sabi mong maaga? Alas nuwebe na kaya." "Wala akong tulog, may iniisip ako buong maghapon at magdamag," walang ganang sagot ni Zhoey. Hindi pa siya handang magsabi kay Dedo sa nangyari. Nanlaki ang mga mata ni Dedo. "Grabe ka namang mag-isip," takang sabi niya. "Agh, ano ba ang kailangan mo? Bilis, dahil matutulog pa ako," wika ni Zhoey habang pikit ang isang mata, medyo irritable ang boses dahil binulabog ng kaibigan ang kanyang pagtulog. "Pasyal tayo, libre ko!" mungkahi ni Dedo. Biglang nagising agad ang diwa ni Zhoey sa sinabi ni Dedo. Napatuwid ito ng tayo, umaapaw kaagad ang excitement. "Sabi ko na nga ba basta libre, nabubuhay kaagad ang dugo," wika ni Dedo, nakangisi at ginulo lalo ang buhok ni Zhoey. Ngumisi naman si Zhoey nang ngisi na parang aso. "Maligo ka na nga! Parang pugad 'yang buhok mo. " Itinulak ni Dedo ang kaibigan. "Oo na, ang apurado mo naman," tiningnan niya ito ng masama pero dali siyang tumakbo sa kwarto at kumuha ng damit at tuwalya para maligo, puno ng excitement at sigla ang dalaga. "Saan ba ang punta natin, Dedo?" tanong ni Zhoey mayamaya habang sakay na sila sa bigbike. "Kain muna tayo sa tapsilogan tapos punta tayo sa NG Shopping Mall, may bibilhin tayo doon." "Whoah, sige ba," excited na wika ni Zhoey. Nang kumain na sila ng tapsilog, tatlong serve ang naubos ni Zhoey. "Grabe, Zhozho, babae ka pa ba? Parang hindi, ah. Ang lakas mong kumain," nagulat si Dedo na tiningnan ang kaibigan. "Hoy, gutom lang ako, ano ka ba. At saka babaeng-babae ako noh. I just felt it recently, hahaha," sagot ni Zhoey, natatawa. Nakataas ang kilay ni Dedo at nagtataka sa sinabi ni Zhoey. "Bakit, may boyfriend ka na? Sino? Kilala ko ba? Taga saan? Ipakilala mo siya sa akin para makilatis ko," sunod-sunod na tanong ni Dedo. "Woi grabe ka naman, Dedo. Ang ratatat mo naman kung magtanong. Wala pa, no." Ngumiti ng kaunti si Zhoey saka isinabit sa kanyang tainga ang munting hibla ng buhok na kumuwala sa pagkatali. Habang nakatitig, nanlaki ang mga mata at nakaawang ang bibig ni Dedo sa kilos na ipinakita ni Zhoey. Tinakpan niya ng kamay ang sariling bibig at napailing. "Hoy, Zhozho, nakakakilabot ka na ha!" hinampas niya ito ng mahina. Sinuri niya ito. Sa tingin niya may kakaiba sa kaibigan. Nakakapanibago. "Basta may nangyari recently," wika ni Zhoey na may bahid na kilig, saka siya kumindat kay Dedo. Hindi naman siya kinulit pa ni Dedo ngunit umiiling lang ito. Umalis na sila sa lugar at nagpasyang kakain din muna ng halo-halo special. Nagtungo sila sa isang convenience store. Nakita nila na napakaraming tao. Umorder si Dedo. "Miss, dalawang serve na halo-halo special, please," sabi ni Dedo. Nagpapacute pa ang babae habang ini-encode ang order ni Dedo. "Miss, 'yong sa'kin please huwag mong palagyan ng red monggo beans, pwede?" naka-smile pa si Zhoey habang marahang nakiusap sa cashier. "Nako, ma'am, hindi po pwede," diretsong sagot ng cashier. Nagsalubong ng kaunti ang kilay ni Zhoey. "Hala, bakit naman? Hindi ba pwede i-customize ang halo-halo according to the customer's personal preferences?" tanong ni Zhoey, may bahid ng pagkadismaya. Umiiling ang cashier, bahagya pang nakataas ang kanang kilay. "Hindi po talaga pwede ma'am, sorry po." Awang ang bibig ni Zhoey. Napansin niya si Dedo na pigil ang pagtawa. Umismid na lang si Zhoey. Nang nagtungo sila sa kanilang table, humagalpak na ng tawa si Dedo at agaw pansin ito sa ibang customers na nandoon lalo na sa mga babae. Tumingin ang mga ito sa kanila lalo na kay Dedo at kinilig ang mga ito habang nagbubulungan. Na inis naman si Zhoey sa babaeng cashier. "Ang taray! Hindi naman maganda. Feeler. Thinking ko kasi pag ang customer may request o ayaw ipalagay, pwede naman 'yon! Bakit sa kanya hindi," reklamo pa ni Zhoey. Walang tigil sa kakatawa si Dedo namumula na ang gwapong mukha nito. "Pabayaan mo na nga, huwag mo nang intindihin," sabi niya, pilit pa ring pinipigilan ang pagtawa. Nang dumating na ang order nila, hinanap agad ni Zhoey ang mga red beans at inilagay sa halo-halo ni Dedo. Tawang-tawa na naman si Dedo. "See? Kung hindi lang sana nilagyan ng red beans ang halo-halo ko, nakakain na sana ako," maktol ni Zhoey. Hindi pa rin naka-get over si Dedo, hindi niya mapigilan ang pagtawa ng malakas nang makita niya ang reaksyon ni Zhoey, para itong bata. Nang natapos na silang kumain, biglang tumayo at nagpaalam si Zhoey kay Dedo na magbanyo. "Dedo, CR muna ako. Sumakit ang tiyan ko, eh," napangiwi si Zhoey. Kinantyawan siya ni Dedo. "Ayan, hindi mo kasi kinain ang red beans kaya sumakit ang tiyan mo," nakangising wika ni Dedo. "Hindi ah, sobra lang ang kabusugan ko no, kaya kailangan kong magbawas," pairap na sagot ni Zhoey. Dali-dali siyang lumakad at nagtanong sa isang crew kung saan ang comfort room. Pagdating niya doon, palagay ang loob niya dahil walang ibang tao, makapagbuwelo siya. Mahihiya kasi siya pag may makarinig sa pagpupuririt niya. Halos fifteen minutes siyang nasa loob ng CR. Paglabas niya, laking ginhawa ng kanyang pakiramdam pero nagtataka siya na wala ng tao sa loob ng convenience store. Kunot-noo siyang tumingin sa labas. "Bakit ang daming tao sa labas? Anong meron?" tanong niya sa sarili. Patuloy siya sa paglakad ngunit bigla siyang napatigil at daling nagtago sa likod ng dingding. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang makita niya ang isang tao na naka-bonnet ng itim na nandoon sa cashier's area. Nakita niya kinuha nito ang pera sa kaha. Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize ang sitwasyon, may baril ang tao na nakalagay sa counter. Habang abala ang tulisan sa pagkuha ng maraming pera at inilalagay sa hawak na bag, kinuha ni Zhoey ang dalawang medium-sized na de lata. Dahil nakatalikod ang lalaki sa kinaroroonan niya, dali niyang ibinato ang isang de lata sa baril nito upang mahulog, at nagtagumpay naman siya. Akma sana ng lalaki na habulin at dampotin ang baril, pero nahuli ang kamay nito. Mabilis na napalingon ang lalaki sa kinaroroonan ni Zhoey. Pero mas mabilis na naibato ni Zhoey sa mukha ng lalaki ang isa pang de lata na hawak niya at tinamaan ito sa sentro ng mukha. Napahawak ang lalaki sa sariling mukha at malakas na napamura. Akmang lalapit sana ito kay Zhoey, ngunit binato muli ito ni Zhoey ng isa pang de lata na kinuha niya at tumama ito sa noo. Natumba ito at nawalan ng malay. Daling lumakad palabas si Zhoey para sana humingi ng tulong, ngunit nakita na lang niya ang guwardiya na nakabulagta at walang malay. Kinabahan si Zhoey at naging maingat sa kanyang mga kilos. Nasilipan niya ang isa pang lalaki na may hino-hostage sa labas. Nanlaki ang mga mata niya kaya umatras siya. Nag-alinlangan siya, baka marami itong kasama. Nakita niya si Dedo at nakita din siya nito. Nanlaki ang mga mata ni Dedo nang makita siya. Bakas sa mukha nito ang lubos na pag-aalala kaya umiiling ito. Sumulat si Zhoey sa glass wall ng salitang 'ILAN' gamit ang hintuturo niya. Bagaman hindi ito nagmarka dahil wala namang alikabok sa glass wall, mabuti na lang at naintindihan ni Dedo ang sinulat niya. Ang ibang tao na nakakita sa kanya ay napasinghap at bakas sa mga mukha ng mga ito ang pag-aalala. Sa isip ni Zhoey, kailangan niyang mag-ingat. Ayaw niyang magpadalos-dalos ng kilos sa ganitong sitwasyon, may buhay na nakasalalay sa labas at delikado din ang buhay niya. Ipinakita ni Dedo kay Zhoey ang kanyang isang daliri paibaba. Kaya nag-decide si Zhoey, "Kaya ko 'to." Pero si Dedo may sinasabi, binabasa ni Zhoey ang labi nito kung ano ang ibig sabihin. "Magtago ka, stay away!" Imbis na sundin ni Zhoey ang sinasabi ng kaibigan, hinanda niya ang sarili. "Hay, kagagaling ko lang ng suntukan kahapon. Ngayon, heto iba naman," sa isip niya. Kumuha siya ng dalawang bote ng beer just in case. Sinilip niya muli ang hostage taker, narinig pa niya ang mga sinabi nito na pasigaw. "Sige! Subukan niyong tumawag ng pulis at talagang mamamatay ang matandang ito! Madali lang kalabitin ang gatilyo ng baril ko kaya huwag kayong magkakamali. Damaydamay na 'to pag nagkataon!" Nagtataka ang hostage taker kung bakit hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang kasamahan niya mula sa loob! Hindi namalayan nito na nakalapit na si Zhoey sa likuran. Napasinghap ang mga tao kaya naagaw ang pansin ng hostage taker. Hindi pa man ito nakalingon, hinampas na agad ni Zhoey ng malakas ang ulo nito gamit ang isang boteng beer. Tumalsik ang mga basag na bote at dugoan ang ulo ng lalaki. Daling sinipa ni Zhoey ang kamay ng lalaki na may hawak ng baril. Nakaputok pa ito at tumama sa glass wall ng convenience store at nabasag ito, buti na lang walang natamaan na tao. Natapon ang baril. Nakita niya ang pagtakbo ni Dedo patungo sa kanila. Agad inalalayan ni Dedo ang matandang lalaki na muntik ng matumba. Kinuyog naman ng mga tao ang hostage taker kaya knockout ito. Dumating ang mga pulis at agad pinusasan ang dalawang tulisan. Nag-imbestiga ang mga pulis sa pangyayari. Iilan sila ang kinuhanan ng statement. Siguradong kulungan ang bagsak ng mga tulisan na iyon. Maraming nagpapasalamat kay Zhoey. Lalo na ang matandang lalaki. Life saver daw siya nito. Hindi akalain ni Zhoey na yayakapin siya nito at magpapasalamat ng lubos. Kitang kita sa matanda na gwapo ito noong araw. Napakatangos ng ilong at grey ang mga mata nito. Tulad ng mga mata ng crush niya. Lihim na napangiti si Zhoey dahil naalala niya ang lalaki na lihim niyang hinahangaan at pinagnanasahan. Sinabihan sila sa matanda na makipagkita sa kanila next week para pormal na makapagpasalamat, pero sumagot si Zhoey sa magalang na paraan na di na kailangan, saka nagpaalam. Niyakap ni Dedo si Zhoey ng mahigpit. "Kinabahan ako para sa'yo kanina, Zhoey. Tigas talaga ng ulo mo," sabi nito, at ginulo ang buhok ng kaibigan. Kumalas na ito sa pagyakap. "Tatawagan sana kita kaso wala ka pa palang cellphone," sabi nito. Oo, walang cellphone si Zhoey dahil hindi siya mahilig. At hindi rin siya gustong magkaroon, iwan ba niya. "Alam mo, Dedo, medyo kabado rin ako kanina at natakot din. Kaya nag-ingat talaga ako sa mga kilos ko. Sino kaya ang tumawag ng mga pulis, no?" tanong ni Zhoey. "Ako ang tumawag sa mga pulis. Pasekreto kong ginawa para hindi ako mapansin ng hostage taker. Kung napahamak ka pa kanina Zhoey, lagot talaga ako kay Tita Marie. Buti na lang mahilig kang manood ng mga action movies kaya medyo nakatulong siguro sa'yo," seryosong wika ni Dedo na may halong biro.. Habang paalis sila biglang napatigil si Zhoey. May nakita siyang di inaasahan. Bigla siyang napasigaw. Na-shock si Dedo. "Magnanakaw! Magnanakaw!" sigaw ni Zhoey sa kakaibang paraan. "Huh? Asan?" takang tanong ni Dedo, kunot-noong napatingin kay Zhoey. Iba kasi ang tinig ng pagkasigaw nito ng magnanakaw—parang ang hinhin at parang kinikilig. Nakataas ang kilay ni Dedo na tumitig sa kaibigan. "Ayon, oh!" tinuro ni Zhoey ang lalaking tumakbo patungong convenience store na pinanggalingan nila. "Huh? Magnanakaw ba 'yon?" tanong ni Dedo, nagtataka. Natulalang tumango si Zhoey. "Siya ang nagnakaw sa first kiss ko, Dedo," sabi ni Zhoey, napahawak pa sa sariling labi. Awang naman ang labi ni Dedo. "Ano? Sure ka?" tanong niya, hindi makapaniwala. Tumango naman si Zhoey na namumungay ang mga mata. "Oo, Dedo, siya. Tara please, sundan natin," pakiusap ni Zhoey. Dali silang bumalik sa convenience store kung saan nagyari ang hostage taking. Pero wala na doon ang lalaki. Parang nanlumo si Zhoey na hindi nila naabutan ito. "Dedo, ang dibdib ko ang bigat," sabi ni Zhoey, kita ang lungkot sa kanyang mukha. "Ang bagal mo kasing kumilos, ayon hindi na natin naabutan." "Seryoso ka ba, Zhozho? Ang bilis nga natin, eh." wika ni Dedo na nakaawang ang bibig, di pa rin makapaniwala. Ngayon lang nagkaganito si Zhoey. " "Ano bang akala mo, nagbibiro ako? Bakit? Hindi ba ako kapani-paniwala?" sagot ni Zhoey, may halong inis at lungkot. "Inlove ka ba do'n?" tanong ni Dedo, natigilan sa reaksyon ni Zhoey. "Oo, parang," sagot ni Zhoey, bakas sa boses nito ang pagkalungkot at panghinayang na hindi naabutan ang naturang lalaki. Chance na sana niyang makalapit dito at makipagkilala. "Parang bad boy ang dating no'n, ah," komento ni Dedo. "Oo nga pero attracted ako sa mga gano'n, parang hot na action star," wika ni Zhoey, na may halong lungkot, panghihinayang at kilig. "Asos, delikado ka diyan. Masasaktan ka lang niyan," sabi ni Dedo, duda sa katauhan ng lalaki. Sinimangutan ni Zhoey ang kaibigan. "Makikita mo pa siya some other time, oy. Tara na, punta na tayo sa NG Shopping Mall," sabi pa ni Dedo. Nagpatianod na lang si Zhoey, mabigat pa rin ang pakiramdam ng dibdib niya. Patuloy pa rin ang pagkukwento nila Zhoey at Dedo tungkol sa nangyari kanina. "Parang blessing in disguise 'yong pagsakit ng tiyan mo at pagtatae mo kanina, Zhozho. Salamat sa red beans naging life saver ka tuloy," wika ni Dedo, nagtawanan silang dalawa. Ikinuwento na lang din ni Zhoey ang nangyari kahapon. "Alam mo, Dedo, napalaban din kasi ako kahapon," pagsisimula niya. Kunot-noo si Dedo na tumingin kay Zhoey. Di na rin kasi matiis ni Zhoey na hindi pag-usapan ang tungkol sa lalaking nagustuhan niya. "Yung lalaki kanina, siya 'yong tinulungan kong makuha muli ang wallet mula sa mga snatcher. Kaso noong nakita ko silang lima na naghahabulan, napagkamalan ko siyang kasama sa mga snatchers. Kaya noong naabutan ko siya, mabilis ko siyang hinablot at malakas na tinadyakan sa gilid." Natigilan si Dedo. "Ows, hahaha talaga? Tapos?" tanong ni Dedo, halatang na aliw at kuryuso. Nagpatuloy si Zhoey sa pagkukwento. "No'ng napag-alaman ko na hindi pala siya magnanakaw, sobrang nahiya ako, na parang wala akong mukha na ihaharap. Kaya noong naabutan ko din 'yong apat na snatchers, ginulpe ko sila ng todo." "Hahaha, whoah! Astig mo talaga, Zhozho. Sayang hindi ko napanood," sabi ni Dedo, may halong tuwa at panghinayang. "Huh, talaga? Manonood ka lang?" Napatawa si Zhoey. "Syempre tutulong din noh, kung nahihirapan ka. Pero kung sisiw lang para sayo ang pakikipagsuntukan, eh di mabuti pang manood na lang ako ng action scene," nakangising wika ni Dedo. "Loko-loko ka rin ano." Natatawa na lang din si Zhoey tapos nagpatuloy sa pagkwento. "At noong napasakamay ko na yung wallet kinuha din niya ito mula sa akin. Iyon pala siya ang may-ari! At yon, ine-snatch din niya yung first kiss ko!" Hindi na niya kinuwento lahat ng nangyari sa tagpong 'yon. Dahil inisip niya baka magalit si Dedo sa lalaki, minabuti na lang niya na siya lang ang nakakaalam. Humahagikgik siya sa kanyang isipan. "Hahahah gano'n ba?" napatawa si Dedo. "Kaya pala para kang naging mahinhin kanina na hindi naman bagay sayo." Pinalo ni Zhoey si Dedo kasi pinagtawanan siya nito. Ngayon lang siya nagkaganito, pinagtatawanan pa. "Oh, I wish I could see him again. Hindi ako matatahimik pag hindi ko siya makita muli, Dedo," sabi ni Zhoey, may halong lungkot at pag-asa. Umiiling na lang si Dedo. Pero sa isipan ni Zhoey, she wanted to explore with that man. Hindi siya matatahimik pag hindi niya ito makita muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD