Sakay ang magkaibigan sa private plane na pag-aari ng mga Henderson. Pagkarating nila sa Maynila, sinundo sila ng driver ni Kyle at dumeretso sila sa bahay nito para doon si Zhoey pansamantalang titira. Pagdating nila sa bahay, biglang narinig ang matunog na kulo ng tiyan ni Zhoey. Napatingin si Kyle sa kaibigan at sa bandang tiyan nito. Ngumisi si Zhoey. "Hihihi, yung mga alaga ko nagpapansin. " Bumunghalit ng tawa si Kyle at umiiling. "Ahahahah, sabihin mo sa iyong alaga na we're going straight to the dining area, the food is ready." "Wow naman, may nakahanda na pala?" nanlaki ang mga mata ni Zhoey bakas sa mukha nito ang tuwa at saya. "Yes, nagpahanda ako sa kasambahay para pagdating natin makakain na tayo agad." Nagtungo sila sa dining area. Agad pumwesto si Zhoey sa upuan, n

