Dumating na ang sabado, maaga akong gumising kasi maghahanap pa ko ng susuotin ko, sabi kasi ni Steven dadaanan nya ko dito ng 5:30 pm six pm ang start ng party ng ninang nya, oo na first base na kami masaya na kayo :-)
medyo kinakabahan nako kasi di ko pa naman sila talaga nakikita,tanging c ma'am Lorraine palang ang nakikita ko.
Tumingin ako sa damitan ko wala ako makita na maayos, nafrufrustate na ko sa susuotin ko. Maya Maya may tumawag sakin, kumalabog agad yung puso ko ng makita ang pangalan nya sa caller ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin.
"yes hello" naks congrats jieun di ka nautal.
"I fecth you now" sabi lang nito sakin, sabay baba ng telepono, naiwan naman akong nakamaang lang. It's already 5pm maaga pa para sa party ahh? nagtatakang tanong ko.
Kaya imbis na mag isip ako naghalungkat nalang ako ng maayos na damit para pag sinundo nya ko presentable ako.
Parang binagyo yung kwarto ko pagkakita ko, pero wala pa din akong nakita.
Kaya no choice ako kundi ang mag dress, kasi ayon lang talaga nakikita kong maayos ayos na suot.
Maya Maya may kumatok.
"anak may biisita ka" katok ni mama sakin.
Mas lalo tuloy ako nataranta, kaya tumama tuloy yung tuhod ko sa Kanto ng kama.
Yung medyo nawala na yung kirot, lumabas na ko at nakita ko nga yung boss ko na nakaupo sa lumang sofa namin.
"sir" tawag ko dito, nag angat naman ito ng tingin, medyo nailang sya sa mga titig nito.
"let's go" maya maya sabi nito, tumango lang ako.
"ma aalis muna po kami" sabi ko kay mama di ko na nagawang ipakilala kay mama si sir Steven.
"alis po muna kami tita" paalam din nito na bahagyang kinakunot ng noo ko.
So close na sila ni mama? 'natanong ko sa isipan ko.
"sige mag iingat kayo" sabi naman ni mama na ngingiti ngiti sakin. Teka anong meron kay mama? 'tanong ko sa sarili.
Hindi ko nalang pinansin at lumabas na kami ng bahay, pinagbuksan pa ko ni sir ng pinto,pagtapos non ay umiikot naman sya sa driver seat.
"Steven san tayo pupunta di ba mamaya pa yung party ng ninang mo? " agad na tanong ko dito pagpasok sa kotse.
"you see" sagot lang nito at nagmaneho na.
Di nalang din ako kumibo, hanggang sa nakarating kami sa isang boutique na tingin ko mamahalin.
"LV boutique shop" mahinang basa ko sa pangalan ng boutique na nasa harapan ko.
"yes this my cousin's shop, naka franchise din yan sa SC" sabi naman ni Steven, saka kami pumasok sa loob naka sunod lang ako sa kanya. Pagpasok agad kami sinalubong ng isang magandang babae na parang anghel,ang tangos ng ilong ang ganda ng mata na ocean blue, saka ang sexy nya at ang kinis pa, grabe'napatulala ako sa kanya.
"hi cous" bati nito kay Steven, ang ganda pa ng boses nya komento ko sa isipan.
"hi Louise this is Jieun Lee Garcia my girlfriend" pakilala ni Steven medyo nailang naman ako dahil sa pakilala nito sakin.
"ohh nice to meet you, I'm Louise Cha steven's cousin" pakilala naman nito sabay lahad ng kamay, nahihiyang tinanggap ko ito.
"nice to meet you, jieun" pakilala ko din at nakipagkamay,mukha syang mabait at magaan naman ang loob ko sa kanya.
"Sya pa yung susukatan, I think di ko na sya kelangan sukatan, because I have a lot her na babagay sa kanya" paliwanag nito, teka ano patatahian pa? nagtatakang tanong ko sa isipan ko.
"ok ikaw na bahala sa kanya huh, balikan ko sya sa kabila lang ako" paalam ni Steven.
Wala akong nagawa ng iwan ako ng lalakeng yun Kaya nag antay nalang ako kung anong gagawin sakin ni Louise.
"come here just pick the one that you like" sabi nito at nilabas ang mga dress na mukhang mamahalin at ang ganda pa, kuminang yung mata ko ng nakita ko yun di pa ko nakaksuot ng mamahalin damit kasi pang ukay at divisoria lang kami ni Lucy.
Hanggang sa may nakaagaw ng pansin ko na isang pink na kulay agad kong kinuha ito at tinignan, simple lang sya pero elegante my mga sequins sya at may slit sya sa harapan di sya ganon ka reveling.
"I think may taste ka sa mga gown, alam mo kasi karamihan ng babae gusto nila yung madaming design ang yung reaveling pero ayan hawak mo ayan ang pinakamagandang nagawa ko is a dress only pero nagmumukha syang gown dahil sa sequins nya" paliwanag ni Louise sakin.
"It's a Pink sequins dress banquet temperament halter neck hollow-out slit babagay yan sayo kasi balingkinitan ka naman and then may kaputian I think mas lalabas pa ang ganda mo kapag suot mo na yan" nakangiting sabi nito sakin.
"nako parang Hindi bagay sakin ehh" nahihiyang sabi ko.
"just see" sabi naman nito sabay hila sakin ng staff nya sa isang lugar sabay Pina suot sakin yung damit na hawak ko kanina.
Pagkasuot ko hinarap nila ako sa while body mirror di ako makapaniwala na sakong sakto sakin yung damit na parang sinukat, sobrang ganda nya tignan buti nalang may nasa sabi din ang dibdib ko.At may katangkaran din naman ako Kaya di na ko nagheheels.
Binuksan ng staff yung malaking kurtina at pinakatitigan ako ni Louise na kumikinang ang mga mata.
"did I say that I'm right, that's suit you"sabi nito na may kasama pang palakpak.
" akalain mo magaling din pumili ang mokong"natatawa na sabi pa ni Louise.
Hinila naman nya ulit ako sa upuan na nakaharap sa malaking salamin pinaupo nila ako dun.
"this is Margaret she is professional beautician, lalo ka nyang pagagandahin" pakilala ni Louise sa babaeng kasama nya.
"ma'am no need because she is beautiful" sagot naman nito, medyo pulang pula na yung mukha ko dahil sa hiya, kung makapag usap sila para wala ako sa harapan nila.
"ma'am light lang ang gagawin ko kasi natural na yung ganda mo eh di mo na kelangan ng make up" sabi ni Margaret
"thank you" sabi ko na nahihiya.
At nag umpisa na nga syang ayusan ako, after 5mins natapos nya kong ayusan, samantalang yung buhok ko hinayaan lang nalang nakalugay, bagsak naman kasi yung buhok ko na lagpas hanggang balikat.
Maya Maya may dumating na dalawang babae na may hawak naman ng isang sandals na may heels. Ang ganda may silver syang nakalagay sa sandal.
"isuot mo yan para perfect, stiletto heels with silver glitters pumps" sabi ni Louise sakin, grabe nakakalula siguro yung presyo non.
Sinuot nila sakin yun kasi di na ko nakayuko dahil suot ko na din yung damit ko.Nag aalangan pa ko isuit yun kasi medyo mataas yung heels sabay naman ako mag heels kaso di ako komportable.
Sunod naman binigyan naman nila ako ng isang sling bag na silver ang kulay sakto lang lagayan ng phone ang laki nya.
Pinatingin nila ako sa whole body mirror, di ako makapaniwala na ako yung nakikita ko sa salamin mukha akong mayaman at ang ganda ko di ko makilala yung sarili ko.
"see lumabas yung ganda mo, sumobra pa nga" sabi ni Louise na natatawa.
"ang ganda nyo ma'am kahit ang simple lang ng ayos nyo" komento naman ni Margaret.
"thank you" nahihiyang sabi ko grabe na kasi sila sa papuri sakin.
Inantay lang namin bumalik si Steven.
Steven Pov:
Maaga kong sinundo si j-lee kasi dadaan pa kami sa boutique ni Louise anak sya ng kapatid ni pala isang magaling na designer.
Pagdating ko sa bahay nila may nakita akong ay edad na babae na nagwawalis, lumapit ako dun at bumati.
"magandang hapon po dito po ba nakatira si miss jieun Garcia? " tanong ko dito
Tumingin naman sakin ito, sabay ngiti kamukha nya si j-lee.
"oo hijo anak mo sya may kailangan ka" tanong nito sakin, nagdadalawang isip pa ko kung ano sasabihin ko.
"a-ahmm ano po kasi may usapan po kami ngayon Kaya susunduin ko po sya" nautal na sabi ko. Ngumiti naman ito sakin at pinapasok ako sa loob ng bahay nila.
"maupo ka iho pasensya ka na munting tahanan namin huh" sabi nito
"ok lang po yun" sabi ko naman
"ano ba pangalan mo hijo nang masabi ko sa anak ko" nakangiting sabi nito
"Steven po ma'am" agad sabi ko, bigla naman natawa ito.
"tita nalang ang itawag mo sakin wag ng ma'am masyadong pormal"nakangiting sabi naman nito sakin. Tumango nalang ako at umalis na ito para tawagin si j-lee, maayos naman yung bahay nila Hindi lang malakihan pero ayos na.
Maya Maya lumabas na ito ng silid nya, Kaya nagpaalam na kami sa mama nya.
Agad kami sumakay sa kotse at pumunta na sa boutique ni Louise.
Kinukulit pa ko ni j-lee kung San daw kami pupunta di ko sinabi sa kanya kasi malamang tatangihan nya lang ako.
Pagdating namin sinalubong agad kami ni Louise Kaya iniwan ko na si j-lee aa kanya may tiwala naman ako dun she is professional na designer Kaya kayang Kaya nya na ayusan ni j-lee.
Pagtapos ko mag aayos nakasuot na ko ng three pieces suit na kulay gray, pinatneran ko ng marck faux leather shoes and then I were my breguent watch.
Nang natapos na ko agad akong pumunta na sa j-lee dahil five forty five pm na.
Pagdating ko dun nakita ko si Louise na nakaupo at nakatingin sa malaking kurtina.
" where is she? "tanong ko agad dito..
" there"turo nito sabay bukas ng malaking kurtina, natulala ako sa nakita ko di ako makapaniwala na sya yung simpleng secretary ko, actually damit lang naman ang nabago sa kanya kasi natural na maganda sya, mas gumanda lang lalo sya ngayon simple lang ang suot nya at ang ayos nya pero kung titignan sya sobrang ganda nya.
"cous yung laway mo pakipunasan nakakahiya" bulong ni Louise sakin Kaya bigla naman ako napapunas sa labi ko, ng nakita ko na di naman basa yung kamay ko tinitigan ko ng masama si Louise.
"what" sabi lang nito na nakangiti.
"panget ba? " nag aalangan na tanong ni j-lee.Dun lang ako na tauhan Kaya bigla akong nagsalita.
"n-no ang ganda mo nga eh" sabi ko na nautal pa, sh*t ngayon lang ako nautal ahh.
"sige na cous malalate na kayo sa birthday ni tita sige ka" paalala ni Louise, ok nga pala kelangan na namin magmadali.
Nilapitan ko na sya at kinuha yung kamay nya, medyo naramdama ko na nanginginig sya Kaya hinawakan ko sya ng maigi.
"ayos ka lang ba sa suot mo? " tanong ko sa kanya mukha kasing mataas yung heels nya.
"ayus lang sanay naman ako mag suot ng heels" sagot nito sakin at sumakay na kami sa kotse kong dala.
Ilang minuto lang ang binyahe namin nakarating na kami ng mansion ng mga Clifford. Agad akong nag park ng kotse at nauna na kong bumaba, inalalayan ko si j-lee na bumaba ng kotse.
"let's go"yaya ko dito.
" teka wag mo ko iiwan huh"nag aalalang sabi nito, ngumiti ako bakit ko sya iiwan ang ganda nya Kaya.
"promise I will not leave you" paniniguradong sabi ko sa kanya, ramdam ko din kasi na kinakabahan talaga sya.
"relax ako bahala sayo" nakangiting sabi ko, huminga sya ng malalim saka ngumiti.
At pumasok na kami sa loob sa Hardin ni ninang ginanap ang party ng makapasok kami agad kami nakakuha ng atensyon sa mga bisita,naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni j-lee Kaya pinisil ko ito at nginitian sya.
"hi bro" bati no topher sakin invited sila dahil sa mga parents nila.
"nice bro ganda ng kasama natin ahh" sabi naman ni Liam sabay akbay sakin, sinamaan ko sya ng tingin, saka sya nag taas ng kamay na parang sumusuko.
"hi Wesley nga pal" pakilala nito kay j-lee umaatake na naman ang pagiging babaero nitong mga toh eh.
"tsk, don't mind them" sabi ko nalang kay j-lee,ngumiti lang sakin ito.
"ohh Steven hijo nandito ka na pala" bati ni ninang sakin, humalik ako sa kanya sa pisngi.
"and who is a beautiful lady in your side hijo? " manghang tanong ni ninang. Napangiti ako agaw pansin nan kasi talaga si j-lee dahil sa ganda nito.
"ninang I would like to meet you Jieun Lee Garcia my girlfriend" proud na pakilala ko Sana totoo nalang, na sabi ko sa isipan ko.
"nice to meet you po happy birthday" bati ni j-lee kay ninang.
Niyakap ni ninang si j-lee
"nice to meet you hija finally may pinakilala na din tong Ina anak ko" nakangiting sabi ni ninang.
"thank you for coming, oh sya enjoy the party hija, dun muna ako sa ibang bisita ko" at umalis na si ninang sa harapan namin.
Kaya pumunta na kami sa Lamesa kung nasan nakaupo sila topher.
Pagkaupo palang namin nakatingin na agad sila kay j-lee.
"stop staring asshole" sabi ko sa kanila Kaya bigla naman sila kanya kanyang iwas
"boss totoo girlfriend mo sya wala ka naman nabanggit samin na may nagugutuhan ka huh" sabi ni Liam.
"except dun sa kababata nyang walang pangalan" c topher naman sabay Tawanan nila, isa isa ko silang tinignan ng masama na ikinatahimik nila.
"stop talking nonsense kung ayaw nyo pasabugin ko yan mga bibig nyo" seryosong sabi ko sa kanila, para pagpawisan sila.
Nagulat kami na may nadinig kaming mahinang tawa, Kaya lahat kami napatingin kung sino yung tumatawa, si j-lee ang nakita namin, lahat kami napatulala sh*t mas lalo syang gumanda non tumawa sya. Di namin namalayan na lahat pala kami naka titig sa kanya.
"ehem, sorry" sabi nito ng napansin na titig na titig kami sa kanya.
"haist akala ko nasa langit na ko eh" sabi ni Liam na nagbawe na ng titig.
"Boss San mo ba sya nakuha, ng ma puntahan nga baka sakaling may makita din ako kagaya nya" si topher naman.
"boss pwede ko kaya syang kunin na talent ko? " si Wesley naman
Isa isa ko silang binatukan ng magising sila.
"ouch, aray,sakit huh" sabi nalang tatlo.
Tumigil nga kayo sa mga kalokohan nyo.
"hi ako nga pala c topher kaibigan ni Steven" pakilala nito at nakipagkamay.
"Liam" pakilala din nito
"Wesley" kaway ni Wesley nandun kasi sya sa tabi ni topher.
Nakipagkamay naman sa kanila si jieun.
"jieun" pakilala nya. Napangiti ako kasi nawala na yung kaba nya.
"are you ok" tanong ko pa din sa kanya.
"medyo ok na" bulong nito sakin may kalakasan na kasi yung music dito dahil nag uumpisa na ang. party
Nang tumama yung hininga nya sa tenga no nakaramdam ako ng kakaiba.
"Kelangan ko mag restroom" bulong ulit nito.
"samahan na kita" sabi ko lang at tumayo na kami.
"bro San kayo Punta maaga pa" nakangiting tanong ni Liam.
"sa restroom wag kang mag isip asshole" pangbabara ko kay Liam, natawa lang ang loko.Sinamahan ko sya hanggang labas ng restroom.
"antayin kita dito" sabi ko, tumango lang sya at pumasok na.
. someone pov:
Nang pumasok si jieun sa cr Hindi nya Alam na may mga matang nakamasid sa kanya.
Pumasok sya sa isang cubicle at Doon nag cr, Maya Maya may pumasok na mga babae Hindi Alam ni jieun yun, hinarangan ng mga babae ang pintuan kung nasan c jieun, para Hindi ito makalabas.
Lumabas na ang tatlong babae kasama dun c Lorraine at mga kaibigan nito.
Paglabas nila wala si Steven dun kasi tinawagan ni Lorraine sa cellphone para lumabas at magawa nila yung Plano nila.
Nilagyan nila ng karatulang under maintenance ang pinto para walang pumasok.Samantalang si jieun naman ay natapos na at pilit binubuksan ang pinto kung nasan sya.
"may tao ba Jan" tanong nya ng walang sumagot nakaramdam na sya ng takot.
"hello may tao po dito pakibuksan po" sigaw nya pero walang nakakadinig sa kanya
Bumalik si Steven sa restroom ng makita nya yun nakasabit na karatula nagpalinga Linga sya.
"nasan Kaya sya? " takang tanong nya.
Lumapit sya sa isang maid ng mansion.
"excuse me may ibang restroom pa ba dito? " tanong nya.
"meron sir sa taas dalawa dito sa baba tatlo, isa Jan sa may sala isa dun banda sa pool isa dun sa likod" sabi nito kaya dali dali syang pumunta dun inisa isa nya bawat cr, ng wala syang makitang tao bumalik sya sa upuan nila at nag baka sakaling nandun na ang hinahanap nya.
Pag balik nya agad nyang tinanong ang mga kasama nya.
"bumalik ba si jieun dito? " tanong agad nya.
"di ba kayo mag kasama" takang tanong ni Wesley.
"pag balik ko wala na sya sa cr eh, hinanap ko na din sya" sagot ko, mayamaya lumapit sa kanila si Lorraine.
"hi babe, opps Steven pala" bati nito pero di sya pinansin ni Steven.
"sino ba hinahanap mo may kasama ka ba" maang maangang tanong ni Lorraine pero nakangiti.
Samantalang cai jieun naman ay umiiyak na sa loob ng cubicle.
"Steven tulungan mo ko"mahinang bulong nya.
Biglang nag ring ang cellphone nya sa bag na ipinagpasalamat nya.
Agad agad nya itong sinagot kahit nanginginig sya sa takot.
" s-steven tu-lungan mo ko"paputol putol na sabi nito.
"sh*t" yun lang na sabi ni Steven ng nadinig nyang umiiyak si jieun.
"bakit boss" takang tanong ng mga ito pero di na sila sinagot ni Steven at nagmamadaling bumalik sa cr na pinag iwanan nya kay jieun.
Nagmamadali syang pumasok dun at nakita nya na may nakaharap sa isang pintuan Kaya nagmadali syang tanggalin ito.
Nang matanggal na nya ang naharang agad nyang binuksan ang pinto at dun nya nakita si jieun na umiiyak.
Agad syang niyakap nito at umiyak ng umiyak.