Foundation day:
Ji eun's pov:
Bising bisi ang lahat dahil araw ng foundation ng school namin.Naglalakad lakad lang kaming tatlong magkakaibigan papuntang cafeteria kasi nagugutom na kami.
Nang makarating kami agad kami naghanap ng pwesto namin ng may nakita kami pumunta na kami dun.
Samantalang si Lucy naman ang pumila para sa pagkain namin.Nang makaupo kami agad nagsalita si Jane.
"Best alam mo ba na may special guest tayo mamaya para sa huling event?." tanong ni Jane sakin habang inaantay namin si Lucy.
"Ows..talga may pa special event pa talaga huh!. "sarcastic na sabi ko.
Dumating naman si Lucy na may dalang turon, spaghetti, at pansit na may kasamang juice meryenda namin tatlo.
"Nabalitaan ko nga best,galing daw sila ng St. Lorenzo.Di ba madaming yummy at pogi sa school na un.?"sabat naman ni Lucy na nagniningning ang mga mata.
"Oo best lagi silang imbitado sa mga foundation ng mga school.Pero bihira lang silang pumayag. "sabi naman ni Jane habang ako nakikinig lang sa kanila na kumakain ng turon na poborito ko *^_^*.
"Kaibigan daw kasi ni dean yung dean ng school na yun kaya pumayag silang tumugtog satin mamaya."paliwanag ni Lucy na di mawala ang ningning sa mata.
"Grabe makalaglag panty daw yung sila.SLAY ang name ng banda nila ang cool di ba. "puring sabi ni Jane na akala mo nagdadasal pa at nakasalikop ang mga kamay.
"Grabe naman sya apakaOA naman yarnnn." sabat ko habang nakangisi. Tinaasan naman ako ng kilay ng magagaling kong kaibigan.
"Tignan natin mamaya kung di malaglag panty mo pag na kita mo sila." pagmamalditang tugon ni Lucy sakin.
"Ipapadlock ko para di malaglag. "kontra ko naman sa sinabi nya at natawa kami ni jane samantalang si Lucy ay nakabusangot lang.
Nang matapos kumain ay naglakad lakad ulit kami saka sumilip sa gym kasi may laban ng volleyball dun.
Nang magsawa naman kami lumabas kami ng gym at naglakad ulit.Buti di kami naasign magbantay ng mga booth kasi malamang nakakaboring lang.Di tulad ngayon chill chill lang mas masaya manood sa kanila kesa magbantay.
Nabalik nalang ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang malamig na metal sa pulsuhan ko.Napatingin ako sa nasa harap ko.Isang babae at isang lalaki na sa tingin ko ay mga SSG sila.Napababa ang tingin ko sa pulsuhan ko ng magulantang ako pag kakita ko kung ano yung kinabit nila sakin.
"Teka bakit may posas!?."hysterical na tanong ko sa mga ito.
"Pasensya ka na miss isa ka kasi sa target namin. "nakangiting sagot ng babae sakin.Napatingin ako sa dalawang kaibigan ko para humingi ng tulong.
Aba ang mga sira ulo tinatawanan lang ako, sinamaan ko sila ng tingin pero di sila natinag sakin. kainis talaga!.
"Best relax ka lang exciting ang mangyayare. "sagot ng magaling kong best friend ewan ko ba kung best friend ba talaga turing sakin ng mga toh.Kulang nalang ibenta ako eh,talagang nakaakla pa sila sakin habang sumusunod kami sa SSG.
Isa pa yan mga yan kundi lang sila mga SSG isa isa ko silang sinapak nakakaurat sila ~_~.
Nakasunod lang kami sa kanila hanggang sa huminto sila sa isang sulok ng isang booth, ewan ko kung anong booth toh di ko mabasa kasi parang may harang harang pa bago ka pumasok eh.
Pinaupo nila ako at nilagyan ng puting tela sa ulo ko.
"Ano ba yan nilagay nyo sa ulo ko kainis huh!!." iretableng sabi ko sa kanila.
"Relax lang best ito na ang the moment of truth mo."sabi lang ng kaibigan kong tuwang tuwa pa sa nangyayare sakin.
"Humanda talaga kayo sakin dalawa kapag nakawala ako sa posas na toh." banta ko sa kanilang dalawa with matching titig ng masama.
Tinatawanan lang nila ako sabay pakindat kindat pa."Haist nakakainis na talaga.!"sabi ko nalang sa sarili ko habang inaantay kung anong mangyayare sakin dito.
.
.
.
Steven's pov:
Nandito kami ngayon sa office ng dean ka usap namin ngayon c tita Celeste sya ang dean namin dito kapatid sya ni mama, pero kapag nandito sa school bihira kami mag usap.Pinatwag nya kami about sa Foundation ng school na pupuntahan namin mamaya.
"Ohh boys how's the practices?Its everything all right?."tita Celeste asked.
"Yup..dean actually no need na nga ang practice kasi gamay na namin po toh. "mayabang na sagot ni toper.
"Good to hear that boys, expected ko na yan sa inyo alam ko di nyo ko papahiya sa Amiga ko. "sagot naman ni tita habang nakangiti na nakatingin samin apat.
Habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila habang nakaupo.
"Pumunta muna kayo dun at mag ikot sa campus nila para at least may Idea na kayo para mamaya. "tita suggested to us.Kaya tumayo na ako at nagpaalam na kami sa kanya.
"Ok po dean mauna na po kami. "sabi ni Liam.
"Bye tita."paalam ko at humalik sa pisngi nya saka akmang lalabas na ng tawagin nya ko.
"Iho mamaya mag smile ka huh,pupunta ako dun para manood kaya gud luck boys."sabi ni tita samin habang malapad ang pagkakangiti.
"Howooh!!!mukhang masaya toh aahh. " excited na sabi ni Liam
"Tsk...mangbababae lang naman sila dun eh."bulong ko sa sarili ko at dumiretcho na kami sa sasakyan ni Liam dahil doon muna kami sasakay kasi wala pa naman kami mga gamit,babalikan nalang namin mamaya.
"Madami kayang chikababes dun?."sabi ni toper na akala mo napakapogi talaga.
"Tsk..susumbong ko kayo kay tita kapag may pinaiyak kayo dun. "banta ko sa kanila na ikinasimangot nila.
"Ang KJ mo boss palibhasa umaasa ka pa din sa childhood sweetheart mo eh." pang aasar ni Liam sakin at ang mga loko nagtawan lang.
"Mine own your business asshole. "singhal ko sa kanila kaya natahimik sila.
Natahimik din ako at naalala ko na naman yung batang nagligtas sakin sa gutom ko noon.Ang nakakainis lang dun saktong tumulo yung sipon ko paglapit nya kaya tinawanan nya ko.
Doon ko sya nakita na ang cute at ang ganda nya pagtumawa sya.Napangiti ako ng wala sa oras ng bumalik sakin yun ala-ala na yun.
"Oi...si boss inaalala na naman ang kanyang childhood sweetheart."asar ni wesley sakin na ikiatingin ko sa kanya ng matalim.
"Shut up..Fuck*r."sabi ko na masama ang tingin sa kanya.
Para di na nila ako asarin pa Kaya talagang sinamaan ko na sila ng tingin. Alam din kasi nila kung gaano ako kabaliw sa batang yun.
Nang makarating kami bumaba agad kami ng kotse at nakatawag agad kami ng pansin sa mga istudyante doon.
"Sh*t, ang pogiiiii!!!!"sigaw nun babae sa bandang gate kaya napalingon na din samin ang iba pa.
"Oo nga my god San school kaya sila galing. "yung isa naman na sobrang iksi ng suot at ang kapal ng make up.
"Ang daming outsider na pumasok sila yung makalaglag panty. "sigaw din ng isang mukhang clown dahil makapal din ang make up.
Tsk, di na namin sila pinansin hanggang sa naglakad na kami para manood ng mga event nila dito.
Napunta kami sa mga booth booth nila.
Hindi ko napansin na may lumapit samin isang lalaki at babae tingin ko mga senior sila dito sa school na to.Nagtataka ako na tignan sila ng may kinabit sila sa pala pulsuhan ko. Nakakunot noo ko silang tinignan na nagtataka.
"Pasensya na sir ikaw kasi ang nakita namin target para sa booth namin. "nakangiting sagot ng babae na tingin ko ay SSG nila dito.
"what!!! "bulaslas na sabi ko.
"Sumama nalang kayo samin sir. "sagot naman ng lalaki.Tinignan ko yung mga kaibigan ko para humingi ng tulong pero sa halip na tulungan ako inalalay pa nila akong maglakad.
Tinignan ko sila ng masama at aba'y nginisihan lang ako ng mga mokong na toh.
"Relax lang boss, exciting ang mangyayare. "bulong ni Liam sakin na ang lapad ng pagkakangisi.
"Good luck boss."sabat naman sa kaliwang si toper na natatawa.
"Humanda kayo sakin pag tapos nito." seryosong sabi ko sa kanila na may pag babanta.
"Magugustuhan mo yan bossing."sabat naman ni Wesley na nasa likod ko.
"Yare talaga sakin tong mga to eh. "sabi ko sa isipan ko.
Hanggang sa nakarating kami sa isang booth at namulagat ang mga mata ko pagkabasa ko ng sign board.
"What the F*ck, Marriage booth!! no!! " hysterical na sabi ko.
"Boss wag kang KJ pinaghirapan nila yan ikaw din pag nalaman ni dean na sinira mo ang isa sa event nila mayayare tayo. "paalala ni Wesley sakin.
"Sh*t di nga ko sumasali sa mga event sa school talagang dito pa ko nadale ang malupit pa Marriage pa tlga, haist~_~" nagmamaktol na bulong ko.
Hanggang sa pumasok na kmi sa loob ng booth na may pa red carpet pa talaga may mini stage din sa harap at may isang may edad na lalaki na nakatayo dun.
"Sir anong pangalan mo?." tanong ng isang babae sakin di ako umimik at ang walang hiyang toper ang nagsalita.
"Steven Cha miss. "sigaw nito na nakangiti pa.
"Sir tatanggalin ko na po yung posas huh. "sabi nung lalaking nagkabit din nito sakin.Hanggang sa may sumigaw na.
"Papasok na ang bride. "sigaw ng nasa labas.Kaya agad kami napatingin sa parang kurtina at hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang t***k ng puso ko.
.
.
Ji eun's pov:
Nang sinabi na ng isang babae na papasok na ang bride nagdalawang isip ako kung itutuloy ko toh kasi kinakabahan ako di ko alam kung bakit pero ang lakas ng kaba ng dibdib ko.
"Best relax it's a game kaya wag mong seryosuhin. "sabi ni Lucy na ngingiti ngiti pa skin.
" Yare talaga sila sakin mamaya."sabi ko sa isipan ko.
"Best baka yan na ang da One mo." sabat naman ng isa pang mahadera,
"Tsk..kayo kaya dito. "sagot ko naman sa kanila.Natawa lang sila.
"Miss Lee pasok na po kayo nandun na yung groom nyo naghihintay."nang sabihin sakin yun mas lalo akong kinabahan.
"Ano ba jieun wala lang to umayos ka para matapos na to."sabi ko sa sarili para kumalma ako at ma relax.
Nang om-ok na ko pumasok na ko at hinawi ko ang kurtinang nakaharang.
Samantalang sabay sabay naman napalingon ang lahat na nasa loob sa babaeng papunta sa harapan.
Maayos ang pagkakapatong sa kanya na butas butas na puting tela.
Sakto din ang suot ni steven na nakalongsleeve polo at nakaitim na slocks.
Napako ang tingin ni ji eun sa harapan habang papunta sya doon at nakita nya ang isang lalaki na nakalongsleeve at slack na itim.
Nagtama ang kanilang mga Mata kht na may harang pa itong tela.Bigla nalang naghurumentado yung puso ni jieun kaya bigla syang napahawak sa dibdib nya. " "Sh*t!anong nangyayare sakin may sakit na ba ako sa puso?ba't ganito kabilis yung t***k nito?."nag aalalang tanong ni jieun sa isipan nya.
Hanggang sa nakaharap na sya sa lalaking nasa harapan.
Di makakilos si steven pagkalapit sa kanya ni jieun bigla syang natulala
"Sh*t ang ganda nya." nasabi nalang nya sa isipan.
Nagising si steven ng siniko sya ni Liam na katabi nya napatingin si steven sa kanya.
"Ano magtitinginan nalang ba kayo?." sabi sa kanila ng may edad na lalaki.
Tingin nila ay teacher ito base sa suot nya kaya napatikhim si steven.
"Lumapit na kayo dito sakin at ng masimulan na ang seremonya. "sabi ng teacher sa kanila.
Parehas silang nagulat ni Jieun ng bigla nalang ipakabit sa braso nila yung kamay ni jieun.Kaya di na sila makaangal pa at lumapit na sa harapan.
Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng booth na ito.
"Tapusin na natin toh."sabi nlng ni steven kay jieun." Kasi ako gusto ko ng tapusin dahil yung puso ko di na natigil sa kakakalabog. "gusto sanang idagdag ni steven.
"Sige."sagot ni jieun na nakangiti.
"Mas lalo tuloy di napakali ang puso ni steven ng masilayan nya ang ngiti ni jieun.