Matapos yung nangyare kay Lorraine di na ko mapakali kasi siguro tama nga si ninang na kelangan ko ng maghanap ng iba, Hindi lang para kay Lorraine para na din sa sarili ko kasi kinukulong ko na ang sarili ko sa pangakong kaylan man Hindi matutupad.
Malungkot akong tumingala sa kisame ng opisina ko nag iisip,nang biglang tumunogang cellphone ko.
Importante siguro to kasi iilan lang naman ang nakakaalam ng direct contact sakin.
Ng makita ko ang caller c ninang kaya bahagyang kumunot ang noo ko, may nangyare na naman ba, tanong ko sa isipan ko at agad na sinagot ang tawag pero di pa ko nakakapagsalita ng biglang bumukas ang pinto ng office ko.
"Steven" sigaw ni Lorraine na pigil pigil naman ni jieun. Pinatay ko ang cellphone ko kaya pala tumatawag c ninang sakin .
"Lorraine why are you here again? " kalmadong tanong ko.
"sabi ni mommy may girlfriend ka na daw" tanong nito na malapit ng umiyak, siguro ayon sinabi ni ninang pagkagising nya.
"yes" sagot ko baka sakaling dito ay tumigil na sya. Pumatak na ang luha nya sa mata kaya iniwasan ko tignan sya.
"Sino sya gusto kong malaman kung totoo ang sinasabi mo" sabi nito sakin sabay upo, dahil dun di ako napakali pano ko papakilala sa kanya eh wala pa nga, naisatinig ko nalang sa isipan ko.
"Hindi mo na sya kelangan makilala" dahilan ko nalang.
"why?are you afraid that I will hurt him or because you don't have a girlfriend? " taas kilay nitong tanong sabay punas ng luha, napansin ko si jieun na nakatayo pa din pala dito di na siguro nya nagawa lumabas kanina.
Kaya bigla nalang pumasok sa isipan ko na sya nalang, sana umoo sya.
Nilapitan ko sya Kaya agad tumaas sya ng tingin sakin, pati na din c Lorraine nakatingin kung saan ako papunta.
Nakakunot ang noo ni jieun habang palapit ako, ng makalapit ako bahagya pa syang nagulat dahil hinawakan ko ang kamay nya at seryosong nagsalita.
"she is my girlfriend" seryosong sabi ko sabay tingin kay jieun bago balingan ng tingin c Lorraine.Nakita ko naman nangunot ang noo ni Lorraine siguro di pa nagsisink in sa utak nya yung sinabi ko. Nang balingan ko naman si jieun nakita ko na nakatulala lang to, sorry kung maidadamay kita'sabi ko sa isipan ko.
"ohh really? " di makapaniwalang tanong ni Lorraine. Bahagya kong pinisil ang kamay ni jieun na hawak ko para sumang ayon sya.
"a-ahmm,oo"nakahinga ako ng maluwag ng sumang ayon sya, kahit ramdam ko ang panginginig ng kamay nya.
" good pretended huh"taas kilay na sabi ni Lorraine Kaya medyo kinabahan ako baka di sya naniniwala.
"sabi mo sakin no worries yun pala kayo na" sarcasm na sabi nito.
"ahmm hindi kasi namin pinapaalam kahit kanino"sabi ni jieun napangiti ako dahil nasabayan nya yung pagpapanggap ko.
" why? "taas kilay pa din tanong ni Lorraine
"because she doesn't want other people say" ako naman ang sumagot.
"and one more she apply in my company without any help from me" pagyayabang ko sabay tingin kay jieun at ngiti, pinisil ko ang kamay nya na nagsasabi na matatapos din to, Kaya ngumiti din sya. Nakatingin lang samin c Lorraine at Maya Maya umalis ito dumaan pa sya sa gitna namin Kaya nakabitaw kami ng kamay ni jieun..
Nang makalabas nakahinga ako ng maluwag saka lumapit sa table dahil nakita kong may tumawag.
"yes ninang" sagot ko
"opo galing sya dito I think pauwe na jan, yes ninang may pinakilala na kong girlfriend sa kanya, opo ninang ok naman sya pag Alis dito, I am sorry ninang" paliwanag ko, matapos ng tawag ni ninang pinatay ko na ito at hinarap c jieun na hanggang ngayon nakatingin lang sakin na nagtataka.
Jieun:
Habang nasa table ako nadinig ko bumukas ang elevator nakita ko si ma'am Lorraine na nagmamadaling naglalakad papunta sa office ni sir Kaya agad ko syang hinarang.
"ma'am Lorraine wala po kayong appointment kay sir" sabi ko tinaasan lang ako ng kilay.
Nang tangka nyang bubuksan agad ko sya hinawakan sa siko .
"hey don't touch me! " sabi nito sabay tanggal sa kamay ko Kaya napihit nya yung siraduhan ng pinto.
Parehas kami nakapasok, magsasalita Sana ako kaso naunahan ako ni ma'am Lorraine Kaya di ako nakapagsalita at di ko din nagawang lumabas ng office ni sir Ewan ko ba bakit parang napako ako sa kinatatayuan ko. Nang magsalita na si ma'am Lorraine napayuko ako kasi nakita ko syang umiiyak na naman. Nagbago yung expression nya ng sinabi ni sir Steven na may girlfriend na ito, Kaya bahagya akong napatingin kay sir na parang pinagpawisan, saka naglumikot ang mata ng tinanong ni ma'am Lorraine kung sino ang girlfriend nito. Nang nagmata ang mata namin nakita ko sa mata nya na parang sumaya O guniguni ko lang.
Napatitig ako ng simula na syang lumakad papunta sakin, kinabahan ako di ko alam ang gagawin ko, hanggang sa nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at lalo pa kong nagulantang ng ako yung pinakilala nyang girlfriend nya @_@
Nang tignan nya ko sa mata parang nakikiusap na sumakay ako Kaya kahit sobrang nanginginig ako sa kaba nagawa kong sumagot kay ma'am Lorraine at nakangiti ako kay sir na sinasabi ng sige sasakyan ko toh pero mamaya magpaliwang ka. Nagkaintindihan naman kami hanggang sa lumabas na si ma'am Lorraine at naiwan kami ditong dalawa sa opisina nya.
Pagtapos nya kausapin ang kausap nya sa phone naupo sya sa sofa maging ako pinaupo nya Kaya magkaharap kami.
"pasensya ka na kung nadamay ka huh" hindi nito ng pasensya.
Nakayuko lang ako kasi ang intimidating ng mga titig nya Kaya naiilang ako.
"I hope you are not angry with me" sabi ulit nito Kaya napaangat na ko ng tingin.
"no sir ok lang alam ko naman ang sitwasyon mo na sabi na sa akin ni Gm bago sya umalis" paliwanag ko naman sa kanya buti nalang di ako nautal kasi yung puso ko parang lalabas na sa sobrang lakas ng pintig.
"kelangan ko kasing gawin yun dahil para tigilan na nya ko yun din kasi sabi ng doctor na hangga't nakikita nya na may pag asa lagi syang aasa sakin" paliwanag naman nito nakita ko na para syang malungkot.
"nakikita ko naman sir na may malasakit ka talaga kay ma'am Lorraine eh, nakikita ko yun sa yo" nakangiting sabi ko para gumaan ang loob nya para kasing naguguilty sya dahil nasasaktan nya ito pero kung yun lang din ang paraan para gumaling ito bakit hindi nya gagawin.
"thank you pala huh kung wala ka kanina siguro hanggang ngayon kinukulit pa din nya ko na ipakilala sa kanya" sabi nito sabay ngiti
'sh*t ang pogi naman nya pag nakangiting mas bagay sa kanya kesa sa nakasimangot sya, nailing ako sa isipan ko ano ba naman pinag iisip ko'
"wala yun sir hangga't may maitutulong ako ayos lang sakin" nakangiting sabi ko.
"hindi naman na siguro babalik dito si Lorraine sa office ko ngayon alam na nya na may girlfriend na ko" sabi ulit ni sir, pero bigla akong napaisip what if bumalik dito anong gagawin ko.
"ahmm sir what if bumalik po si ma'am Lorraine? " tanong ko dito.
Natahimik naman sya at bahagyang nag isip.
"ok lang ba na pag dumating sya or makita natin sya magpanggap tayo? " nag aalinlangan na tanong nito. Ako naman ang natahimik, pano ba toh haist bahala na nga.
"sige sir pero kapag di naniwala si ma'am satin titigil na tayo huh" na sabi ko nalang, tumango naman sya at ngumiti.
Nagpaalam na ko sa kanya at bumalik na sa trabaho ko.
Di ko namalayan ang oras nagliligpit na ko ng mga gamit ko ng lumabas si sir sa opisina nya.
"sir pauwe na po kayo" tanong ko, tumango naman sya at nagpatuloy maglakad.
Nagulat ako ng magsalita sya.
"if you don't mind can invite you for dinner!?" nakakamot sa ulo na sabi ni sir Steven, bahagya akong napangiti, di ko kasi akalain na nahihiya pa pala si sir sa katulad ko na employees lang nya.
"pasasalamat lang sa pagtulong mo kanina sakin" pahabol nya ng wala syang nakuhang sagot. Kahit nahihiya ay omoo na lang ako mas na Kaka Hiya kasi kung tatanggihan ko sya eh boss ko sya.
"sige sir" sabi ko nalang at sabay na kami sumakay na elevator.
"Ok lang na sumakay ka dito kapag kasama ako saka secretary na kita Kaya may karapatan ka ng sumakay dito" nakangiting sabi nito, bakit Panay ngiti naman ata nitong si sir Kaya lalong lumalakas yung t***k ng puso ko eh, may sakit na talaga ako.
Ngumiti nalang din ako sa sinabi nya at sumakay na sa elevator.
Tahimik lang kami habang nasa elevator, hanggang sa nakarating sa parking lot.
Nahiya pa ko kasi pinagbuksan pa ko ng pinto ni sir.
"thank you" nahihiyang sabi ko piling ko namumula yung mukha ko.
Umikot si sir padriver seat, ng makaupo sya lumingon lang sya sakin at biglang lumapit nataranta naman ako di ko alam gagawin sumabay pa yung puso ko na sobrang lakas ng t***k.
"Seatbelt, bawal kasi ng di nakakabit yan" sabi nya sakin at lumayo na, nakahinga ako ng maluwag.
'ano ka ba naman jieun kung ano ano kasi iniisip mo eh nakalimutan mo pa isuot ang seatbelt mo nakakahiya ka'kastigo ko sa isipan ko.
'baka kung ano isipin ni sir tanga mo kasi eh'sabi ko ulit sa isipan ko.
"thank you sir" na sabi ko nalang dahil sa pag kapahiya sa sarili.
"cut the sir pag nasa labas na tayo ng office" sabi naman nito nabigla ako, at medyo naiilang.
"pero sir-" di ko natuloy yung sasabihin ko dahil pinutol nya.
"no but's j-lee para masanay ka incase na kaharap natin c Lorraine" sabi lang nito sakin
"j-lee sir? " nagtatakang tanong ko sa tinawag nya sakin.
"yes di ba yun yung tawag sayo ni GM? " balik tanong naman nya.
"ahh" naalala ko na narinig nya siguro.
"why hindi pa pwede na ganon din ang itawag ko sayo? " nakataas na kilay na tanong nito.
"nako sir hindi naman ok lang kasi si GM lang tumatawag sakin ng ganon eh"nakakamot ulo na sabi ko.
" if that's so dalawa na kami tatawag sayo nun"nakangiting turan nito. Bipolar siguro toh si sir minsan mabait madalas masungit nabulong ko nalang sa isip ko.
Hanggang sa nakarating kami sa restaurant na tingin ko mamahalin.
.
.
.
Nag aalangan bumababa ng kotse si Jieun napansin naman ito ni Steven.
"don't worry treat kita" sabi nito Kaya naman bumaba na din c jieun, pinagbuksan pa nga sya ng pinto ni Steven.
Pagkapasok nila sa entrance sinalubong agad sila ng manager.
"good evening sir, ma'am" bati nito sabay yuko.Kilala na si Steven ng staff dahil pag mamay ari ng mommy nya ito.
Iginaya sila sa Mesa na pangdalawahan na na kaharap sa kalsada.
Pagkaupo umikot ang mata ni jieun sobrang na amazed sya sa ambiance nito saka sa interior ng design nakakarelax.
Ng ibigay sa kanila ang menu, biglang napalunoksi Jieun ng sariling laway ng nakita ang presyo ng mga pag Kain.
"s-sir ok lang ako sa karenderya, masyadong Mahal dito lipat nalang tayo" kinakabahang sabi nito. Nagulat sya at tumawa ito may nakakatawa ba kong sinabi.
Saka ilang beses na ba kong nagugulat ng dahil kay sir Steven.
"I said cut the sir, saka treat ko to sayo Kaya don't worry hindi ko ibabawas sa sahod mo to" nakangiting paliwanag nito.
Huminga nalang ako ng malalim at nanahimik.
Nang dumating ang pag Kain kumain kami ng tahimik, Maya Maya napalingon ako sa labas may nakita akong dalawang bata na naghihingi kung kanikanino na dumadaan, bigla akong naawa.
Tinignan ko yung mga pag Kain sa harapan namin mukhang marami naman ito hingiin ko nalang kay sir.
"sir-ayy s-steven pala, pwede bang ibalot ko nalang to? ", medyo nahihiyang paalam ko.
Nangunot naman si sir pero tumango din, humingi sya ng plastic sa is ang staff at agad naman itong umalis ng bumalik ay may dala dala na ito. Agad kong nilagay sa plastic yung pasta at chicken nilagyan ko na din ng kanina.Kahit nagtataka Hindi nalang pinansin ni Steven ang ginagawa ni j-lee.
Agad itong tumayo at umalis sa harapan nya, sinundan nalang ng tingin ni Steven hanggang nakita nya ito sa tapat nya nasa labas kausap ang dalawang batang homeless.
Samantalang si j-lee naman ay nakangiting inabot sa dalawang bata ang dala nyang pag Kain.
" mga bata ito pagkain umuwe na kayo kasi gabi na at delekado na sa daan"nakangiting sabi nito.
"Salamat ate ang bait nyo at ang ganda nyo pa" sagot ng isang batang lalaki na nakangiti din kay j-lee. Napangiti din ang dalaga
Samantalang si Steven ay tutok na tutok ang mga mata sa nakangiting c j-lee sa labas ng restaurant.
"Ang bait naman nya, ang ganda din ng mga ngiti nya bumagay sa kanya" bulong nya sa sarili.
Parehas sila ng batang tumulong din sakin noon, na sabi ko sa isipan ko.