Unang kabanata

1012 Words
Someone's pov: Isang umaga namasyal ang pamilya Garcia sa isang sikat na mall sa Metro Manila dahil nagyaya ang kanilang Ama na bagong sweldo sa pinagtratrabahuhan nito sa city government of caloocan bilang isang tagalinis ng kalsada at tagaputol ng mga punong kahoy. Masaya silang namamasyal ng mapansin ng batang babae na nangangalan Jieun Lee Garcia ang isang batang umiiyak.Nagpaalam sya sa kanyang Ina na may pupuntahan sya. "Ma, punta lang po ako dun saglit." at tinuro nya ang isang store na malapit sa jollibee agad naman pumayag ang kanyang ina. "Ok sige basta wag kang lalayo huh. "sabi ng kanyang ina na nakangiti.Agad naman syang tumango at saka tumakbo papunta sa batang lalakeng umiiyak. " Bata bakit ka umiiyak nawawala ka ba?. " tanong nya na agad naman kinalingon ng batang lalake. Napatitig sya sa mukha ng batang lalake bigla syang napabulong."Ang pogi naman nya kahit may sipon sya. "sabi nya at napangiti sya. "Nagugutom na kasi ako." sagot naman ng batang lalake sabay punas ng sipon sa braso nito.Di naman napigilan matawa ni Jieun dahil sa sinabi ng batang kausap nya. "Bakit ka tumatawa?."kunot noong tanong ng batang lalake sa kanya. "Ahh...wala halika ililibre kita."sabi nito sabay hila nya sa batang lalake papuntang jollibee. Pinaupo nya yung kasama nya saka sya pumunta ng counter at omorder.Habang naghihintay lang sa kanya ang batang kasama nya.Pagbalik nya inilapag nya ang order nyang spaghetti, fries, ice cream at burger,buti binigyan sya ng papa nya ng pera kaya may pera sya. "Kain na tayo share lng tayo kc two hundred lang dala kong pera eh. "sabi nya na nakangiti, tumango naman ang batang lalake at kumain na silang dalawa. Nang matapos sila kumain napagdesisyunan ni Jieun na ihatid sa customer service yung batang lalaki. "Halika ihahatid kita sa customer service para dun mo sabihin na nawawala ka. "sabi nya at hinila nya yung batang lalake at sabay sila tumakbo patungo sa customer service ng mall. . . . pov ng batang lalake: Ako nga pala si Steven Cha 7years old na ko pero masyado ng matured ako mag isip kaya di nangangamba ang mga parent ko sa akin kasi kaya ko naman na mag isa.Pero dahil nahiwalay ako kela mommy at wala akong dalang pera kaya napaiyak ako kasi sobra na yung gutom ko.Hinabol ko pa kasi yung bubbles na yun eh kainis!. Nagulat ako ng biglang lumapit sakin yung isang batang tingin ko ay kaedad ko lang sya napatulala ako ng makita ko syang ngumiti.Ang Ganda nya medyo maputi sya ng konti,matangos ang ilong, maliit na labi at bagsak na buhok, nasabi ko nalang sa kanya na nagugutom ako nakakahiya kasi saktong tumulo pa yung sipon ko kainis.Kaya siguro sya natawa pero bahala na cute naman sya kaya sumama ako ng hilahin nya ko papunta sa isang fast food,. Pinaupo nya ko saka sya omorder ng dumating sya kumain kami nag share lang kmi kasi konti lang daw dala nyang pera nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain kami napaisip ako sa sarili ko. "Ang cute nya gusto ko syang pakasalan. "nasabi ko sa isipan ko at napangiti ako. Nang matapos kami agad nyang hinila yung kamay ko papuntang customer service."Tsk..kaya ko naman mag isang umuwe eh. "sabi ko muli sa isipan ko. Pagkahatid nya sakin agad syang nagpaalam medyo nalungkot ako pero ng nakita ko na syang umalis at kumaway sakin nasabi ko sa sarili ko na." Hahanapin kita at papakasalan kahit anong mangyare pangako yan."bulong ko at sabay ngiti. Huminto naman ang batang babae saka sya nilingon. "Sige hihintayin kita huh. " sagot nito na binigyan ako ng isang matamis na ngiti na nagpatigil sa mundo ko. Hindi ko namalayan na nakatulala na ko habang nakatingin sa dinaanan ng batang babae. Nang kinalabit ako ng isang babae ay doon lang ako natauhan. Agad akong nakitawag sa babaeng nasa customer service na kumalabit sakin. Tinawagan ko sila mommy at sinabi ko na nandito ako sa customer service. "Son what are you doing here.?Pinag alala mo na naman ako."agad sabi ni mommy sakin pagkalapit nya sakin. Ganyan sya na kahit alam naman nya na kaya ko na sarili ko binibaby pa din ako. "Mom nagugutom na kasi ako ang tagal tagal mo mamili eh." sagot ko na naiirita, natawa naman agad si mom sakin na ikinasimangot ko naman. "Ok let's go." nakangiting sabi ni mommy sakin. "Where do you want to eat?."tanong ni mommy sakin ng balingan nya ko ng tingin. "Anywhere mom."walang ganang sagot ko.Saka kami umalis at pumunta kami sa restaurant na pag aari ni mom gustong gusto nya kasi na may pinagkakaabalahan kahit di naman na kelangan dahil kaya naman na ni daddy kaming buhayin. Hanggang sa nakauwe kami sa bahay di pa din nawala sa isip ko yung batang babae na nang libre sakin ng pagkain. Sa mura kong edad nasabi ko sa sarili ko na sya ang gusto kong pakasalan. . . . Ji eun's pov: "Anak saan ka ba galing bat ang tagal mo bumalik?."takang tanong sakin ni mama na nag-aalala. "May nawawala po kasing bata tinulungan ko po pumunta ng customer service,sorry po mama di ako nagpaalam. "sabi ko sabay yuko. Tinap ni mama yung ulo ko kaya napataas ako ng tingin sa kanya. "good job naman anak ko.Ok lang yung anak."sabi ni mama sakin na nakangiti kaya napangiti na din ako. Maya maya lang ay umuwe na kami sa bahay dahil maggagabi na din non. Habang nagbyabyahe kami at hanggang sa pag uwe na iisip ko pa din yung batang tinulungan ko. Mukha kasi syang mayaman base sa itsura nya.Maputi sya na ang kinis ng balat, sobrang tangos ng ilong at yung labi nya na manipis na maliit para syang si ken ng Barbie."sabi ng isip ko at napapangiti ako habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko at naiisip na sya si ken ng barbie na palabas at ako ang barbie nya. Sa mura kong isipan ay ipinalangin ko na sana ay tuparin nya ang pangako nya sakin na hahanapin nya ko at papakasalan.Hihintayin ko sya dahil sya ang gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD