Louise Rey Andrada Nakita ko naman ang gumuhit na matamis na ngiti sa labi ni sister Elisa. "Masaya ako at nakahanap ka na ng taong mamahalin at magmamahal saiyo anak, mabait kang bata kaya deserve mo yan" mahinahong saad ni sister na ikinaflatter naman ng puso ko. Naramdaman ko na lamang na inakbayan ako ni Nate "Oo naman po sister at masasabi kong maswerte ako dito sa mahal ko" taas noo namang sabi ni Nate na talagang proud na proud, masyadong oa ang pagkakasabi nito at nagkatinginan na lamang kami ni sister at nagtawanan. Nandito kami ngayon sa bodega ni sister, Ewan ko na sa kanya kong ano na ang hinahanap namin. Habang naghahalungkat si sister ay ako naman ay nagtititingin ng mga boxes na andito. Nandon si Nate nakikipaglaro sa mga bata. Hindi sinasadyang natabig k

