Naging busy ang buong maghapon nila Andrea at Nico, dahil sa dami ng kailangang kausaping iba't-ibang clients at investors ng kanyang boss at siya ay laging nasa tabi nito para magtake note ng mahahalagang details at kung ano pa ang kakailanganin ni Nico. After their last meeting sa isang client ay halos pagal na ang katawan ni Andrea pero hindi pa siya pwedeng umuwi dahil sasama pa siya kay Nico sa engagement party ng mga kaibigan nito. Napa-upo siya sa kanyang desk and took off her high heeled black shoes na siyang suot niya pagpasok sa office. Minasahe niya ng bahagya ang talampakan dahil sa maghapon na lakad at minsan tumatakbo na siya para mahabol ang kanyang boss na napakabilis na maglakad. 'Hay ang hirap talagang kumita ng pera.' Saad niya sa sarili pero pilit pa ring kinakaya p

