Kasalukuyang naghahanda sa pagpasok si Andrea sa call center nang marinig niyang may kumakatok.
Alas diyes na 'nun ng gabi at tulog na ang nanay at kapatid niya kaya siya na ang nagbukas ng pinto.
'Sino ba tong bibisita ng ganitong dis oras na ng gabi?' Tanong niya sa sarili at nagtungo sa may pinto upang buksan iyon.
"Andrea buti naman naabutan pa kita." Bungad na bati agad ni Sarah.
Si Sarah ay isang kapit bahay nila sa dati nilang tinitirhan bago ma-stroke ang nanay niya.
Nagulat siya sa biglang pagsulpot nito kaya agad sumagi sa isip niya ang pangyayaring gustong-gusto na sana niyang ibaon sa limot tatlong taon na ang nakakalipas.
3 years ago.
Andrea was so desperate that time at hindi mapakali habang pabalik-balik ang lakad,
kanina habang nasa school siya ay may tumawag sa kanya mula sa pinag-tatrabahuan ng nanay niyang opisina, at ibinalitang isinugod daw ito sa hospital dahil bigla na lamang itong nag-collapse. Sobra siyang nabahala ng malaman ang masamang balitang iyon kaya agad-agad siyang sumugod sa hospital na pinagdalhan sa ina ng mga kasamahan nito sa trabaho.
At ayon sa doctor na sumuri dito ay nagkaroon ng mild stroke ang nanay niya at may pumutok di umanong ugat sa utak nito na siyang dahilan kung bakit kakailanganin itong maoperahan sa lalong madaling panahon at malaking halaga ang kakailanganin.
She doesn't have that kind of money at hindi niya alam kung saan kukuha ng ipambabayad sa operasyon.
May kaunti siyang natanggap na tulong mula sa mga kasamahan ng nanay niya sa trabaho subalit hindi iyon sasapat.
Isa pa lamang siyang graduating student sa pinapasukan niyang university at kahit pa may part-time job siya ay hindi naman iyon sasapat dahil tama lang na pambaon niya sa eskwela ang sinasahod niya mula doon.
At dahil labis na siyang namo-mroblema ay napilitan tuloy siyang lumapit sa isang kakilala na kapit bahay nila noon,at iyon ay si Sarah, pinuntahan niya ito sa bahay nito para magbakasakali.
"Halika Andrea pasok ka." Anyaya nito ng mapagbuksan siya ng pinto.
Nakilala niya si Sarah minsang nagkasabay sila sa pag-aabang ng masasakyan sa kanilang lugar, at dahil sa tagal dumating ng van na masasakyan nila ay nakapag kwentuhan muna sila nito.
Si Sarah ay 24 years old ayon dito at nagta-trabaho sa isang bar sa Makati, ayon dito malaki daw ang kita nito sa pagiging barista pero mas malaki daw kung sasama siya sa paglabas sa customer.
Maganda at sexy si Sarah kaya hindi nakakapagtakang maraming humahanga dito.
Subalit medyo hindi siya pabor sa klase ng trabaho na meron ito, pero sino ba siya para husgahan ito diba at dahil likas na mabait naman ang bagong kakilala ay nakapalagayan agad niya ito ng loob at nagpalitan pa sila ng contact number.
Naging madalas din ang pagkikita nila ni Sarah dahil naging kaibigan na niya ito mula noon, kaya naman ng magipit siya at wala nang alam na iba pang malapitan ay ito agad ang naisip niyang tawagan.
Desperada na siya at walang-wala na talaga siyang ibang choice kaya pikit-matang lumapit na siya kay Sarah.
"Ahmm--- Sarah, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pang saad niya sa kaibigan.
"Oo naman-- ano ba yun Andrea?" Tanong nitong bahagya pang ngumiti sa kanya.
"A-ano kasi--- K-kelangan ko ng p-pera, k-kasi si nanay nasa hospital a-at kailangang operahan." Nauutal at naiiyak niyang tugon kay Sarah.
Nahihiya siyang humingi ng pabor dito dahil nga sa bago pa lamang silang magkakilala pero wala na siyang magagawa pa.
"Ha? Ayos lang ba ang nanay mo?--- magkano ba ang kailangan mo?" Sunod sunod na tanong nito na mababakas din ang pag-aalala sa tinig.
"F-fifty thousand daw sabi ng doctor Sarah." Alanganing turan niya and she saw Sarah's reaction na sobrang nagulat.
"Ano!? Ang laki naman bhe--- wala akong ganung maipapahiram. turan nito.
"Pero---" Dugtong at bahagya itong nag-isip at tsaka siya tinitigan, inaarok ang reaction niya.
"Alam ko naman yun Sarah--- Pero baka may alam kang pwede kong lapitan." Naiiyak nang pagmamakaawa pa niya dito.
She doesn't want to loose her mom dahil ito na lamang at ang kapatid niyang si Kiro ang mayroon siya, kaya nakahanda siyang gawin ang lahat para sa mga ito.
"Mayroon akong alam Andrea, p-pero ang tanong ay kung kakayanin mo kaya?." She told her na titig na titig sa mga mata niya.
"Ano yun? Sarah kahit ano gagawin ko--- b-basta mailigtas lang sa kapahamakan si nanay." Nanlulumong hayag niya out of desperation.
Tinapik siya ni Sarah sa balikat tanda ng pagdamay.
"Okay sige--- Sayo ko na lang ibibigay yung kliyente ko ngayong gabi." Anito.
"Malaki yun magbigay ng tip at tiyak na kapag nagustuhan pa niya ang serbisyo mo ay magdadagdag pa yun kaya ang advice ko sayo ay gagalingan mo.
Alam mo naman na siguro kung anong klase ng trabaho ang tinutukoy ko-- di ba?" Pahayag pa ni Sarah na pinagmamasdan ng matiim si Andrea.
Alam niya kung ano ang papasukin niyang trabaho at kanina pa niya inihanda ang sarili sa bagay na yun, at gagawin nya lang 'yun para sa kaligtasan ng kanyang ina bahala na kung ano ang kahihinatnan ng gagawin niya basta ang mahalaga ay maipaopera ang kanyang ina.
"N-Nakahanda akong gawin ang kahit ano Sarah, para sa nanay ko--- H-hindi ko siya pwdeng pabayaan na lang ng ganun kailangan kong gumawa ng paraan kaya sana matulungan mo ako." Pagsusumamo niya sa dalaga na labis ang desperation.
"Okay, Kung desidido ka na ay dadalhin na kita kung nasaan yung kliyente mo." Tugon ni Sarah bago siya niyayang lumabas ng bahay para magtungo na sa kliyenteng sinasabi nito.
Tumuloy sila ni Sarah sa isang Hotel sa bayan ng Cordova na medyo malayo na sa kanila.
At habang papalapit sila sa kinaroroonang suite na kung nasaan na daw ang kliyente ay halos mabingi si Andrea sa lakas ng dagundong ng dibdib niya sa labis na kaba.
"H-hindi ko yata kaya ang pinapagawa mo sa akin Sarah."
Tugon ni Andrea sa kaibigang si Sarah. Nasa isang Hotel sila at doon niya kikitain ang sinasabi nitong customer.
Wala na siyang ibang choice kundi patusin ang ibinigay ng kaibigang raket para makalikom ng pera upang mapa-opera ang inang kasalukuyang nanganganib ang buhay dahil sa stroke.
"Ano ka ba Andrea, nandito na tayo oh--- yamot na anito.
"Ngayon ka pa aatras eh nasa loob na yung customer.
Tsaka para naman to sa nanay mo at isang gabi lang kapalit ng malaking halaga." Pangungubinsi pa ni Sarah na parang nawawalan na ng timpi sa kanina pang pagbago-bago ng isip niya.
Pero wala siyang magawa kundi ipikit ang mata at pumasok sa loob ng silid na iyon na kung saan alam niyang doon na mawawala ang dangal na iningatan niya ng mahabang panahon.
Kahit labag sa loob ay wala ng nagawa si Andrea kundi tanggapin na lamang ang magiging kapalaran.
She swallowed her saliva and took a deep breath and slowly entered the room.
"Lock the door!" Narinig niyang maawtoridad na tugon ng isang baritonong tinig na nasa loob ng napaka eleganteng silid na iyon.
Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa sadya nga namang nakaka intimidate na boses ng lalaki.
Tumalima si Andrea sa utos ng customer at inilock ng nanginginig niyang kamay ang seradura ng pinto pero nanatili siyang nakatayo patalikod sa estrangherong lalaki at nangangatog pa ang tuhod niya sa sobrang nerbyos.
"Why you're still standing! Come over here and do your job!" Mabangis na sambit ulit ng lalaking parang hari kung maka-utos.
At sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman niya ay bahagya siyang nakaramdam ng inis sa lalaking ubod ng yabang.
'Ano atat na atat lang maka-score!' Himutok ng isip niya sa lalaking di pa niya nasisilayan pero nag umpisa nang bumangon sa dibdib niya ang iritasyon para rito.
Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki para lamang magulat dahil sa nasilayang ka-gwapuhan ng mayabang na lalaki na ang tanging suot lamang nito habang prenteng nakahiga sa malaking kama ay isang itim na brief!
Halos manlaki ang ulo niya at lumuwa ang mata niya sa sobrang gulat kaya agad niyang naitakip ang mga palad sa mata.
'Jusko naman! Bakit naman nakahubad na agad.' Himutok niya sa isip habang hindi malaman kung paano kikilos sa harap ng lalaking wawasak sa kanyang iniingatang dangal.
Nilunok niya ang laway at pilit kinalma ang sarili.
He looked at the man straight into his eyes at hindi siya nagpahalatang sobra na siyang kinakabahan.
Ayaw niyang isipin ng mokong na 'to na in fairness din naman ay sobra pa sa extra ang kagwapuhan, na kinakabahan siya at kulang na lang ay lumubog na sa kinatatayuan sa labis na hiyang nararamdaman.
But she needs to do it para sa nanay niya.
"Ahmmm---- Sir, b-baka gusto niyo muna ng massage?" Lakas loob na tugon niya habang nakatunghay sa lalaki na hinahagod din siya ng malagkit na tingin mula ulo hanggang talampakan.
'Naku baka sunggaban na ako nitong unggoy na 'to sa klase ng tingin niya ay parang kanina pa sabik na sabik.' She thought. Napadako ang mata ni Andrea sa ibabang bahagi ng katawan nito at nahagip ng tingin niya ang nakatayo na nitong sandata at halatang handang-handa nang makipag sagupaan.
Napapalunok si Andrea nang ma-imagine ang eksenang maiinit na posibleng mamagitan sa kanila ng lalaki.
'Oh God! Gabayan mo po ako' Usal niyang panalangin habang pilit na umiiwas ng tingin sa gwapong mukha ng manyakis na binata.
*Next*