Chapter 9

1606 Words
Habang nagdi-drive pauwi ay iniisip ni Nico si Andrea at ang nakita niyang sitwasyon na mayroon ito. He couldn't explain what he's feeling that moment nang makita kung paano nito mag-isang itinataguyod ang ina nitong half-paralyzed at ang kapatid nitong may espesyal na kundisyon.  Pero napahanga siya sa tatag at determinasyon ng dalaga. And for that papalampasin na muna niya ang atraso nito sa kanya 3 years ago but he's still want to teach her a lesson for leaving him behind that night na supposedly ay may mangyayari sana sa kanila. He took a deep breath at ipinilig ang ulo para tanggalin sa isip ang babaeng yun na mukhang nakuha agad ang interest niya. Dumiretso si Nico sa bahay ng mga magulang upang dalawin ang ina na matagal na din niyang hindi nakikita. Tatlo silang magkakapatid na puro lalaki t siya ang bunso.  Ang sabi ng daddy niya ay siya ang pinaka hard headed sa kanilang tatlong magkakapatid dahil sa lahat siya lamang ang sumuway sa gusto nitong kursong kuhanin niya noon.  All his siblings took up Business Administration and took a masteral sa US, habang siya ay Aeronotics ang kinuha niyang kurso dahil sa gusto niyang maging isang piloto na ayaw naman ng ama nila, pero dahil sa sadyang matigas ang ulo at paborito ng ina ay walang nagawa ang daddy niya noong mag-enroll siya sa isang Aeronotic School sa ibang bansa. Pagkatapos nga niyang magtapos ay agad na siya noong nag-apply bilang piloto sa isang malaking Airline Company sa bansa, and he became a pilot for 2 years. But he had to resign into his job dahil sa pakiusap na din ng mommy niya. Nagkaroon ng malubhang sakit noon ang daddy niya at kinailanagang dalhin sa ibang bansa para maipagamot at kailangan silang magkakapatid to take over their businesses.  His father owns a Real-estate business at may mga farm pa ito sa Quezon Province na kung saan big producer ng mga dairy products in the whole country aside from that the family also owns a big corporation na kung saan ay siyang nagsu-supply ng mga Dairy products like Cheese and fresh and powdered milk.  Ang panganay niyang kapatid na si Darwin ang namamahala ngayon sa Real-estate business nila katulong ang pangalawa niyang kapatid na si Lander habang siya ay nasa NAB Corporation para tumulong sa pagma-manage, isa lamang ang pamilya nila sa may-ari ng NAB dahil isa itong family corppration na kung saan ay ang tiyuhin niyang kapatid ng mommy niya ang CEO, habang ang daddy naman niya ang COO or Chief Operating Officer. And since he was currently on leave dahil sa sakit nito ay siya ang inatasan ng mommy niya to take over his place at kapag ang ina ang naki-usap ay talagang wala siyang kawala.  Eversince ay talagang malapit na siya sa mommy niya at lagi nga siyang sinasabihan ng mga kamag-anak nila na isa siyang mama's boy, na totoo din naman. Bumisina siya sa tapat ng malaking gate sa  mansyon ng mga magulang pagtapat niya doon. Kasalukuyan siyang nakatira sa condo unit niya sa Makati dahil mas gusto niyang mamuhay na mag-isa at malayo sa ama niyang sobrang strict at controlling. Ang dalawa niyang kapatid na pawang may mga asawa na ang siyang nakatira pa rin sa kanilang family house dahil yun ang gusto ng daddy nila. He always wants to be the one in control of their lives wich he wasn't agreed upon. Nakakasakal ang pagiging strikto nito kaya mas pinili na lamang niyang lumayo kahit panay ang pigil ng mommy niya sa kanya noon. Pagbaba sa sasakyan ay agad na siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay at agad tinunton ang silid ng kanyang mommy na si Sylvia. "Mom! Im home." Malakas na tawag niya sa ina habang may ngiti agad sa mga labi. Ilang araw din kasi silang hindi nagkita at na-miss na niya itong makakwentuhan. "Anak! finally you came, buti naman at naalala mo pa akong dalawin."  May himig tampong turan ng mommy niya ng makita siya nito sa b****a ng pinto sa silid nito. "Sorry mom, busy kasi lately sa office--- how are you?" Malambing na tanong niya sabay yakap at halik sa pisngi nito. "Im fine iho, kumusta ka naman sa opisina anak? Are you comfortable sa ibinigay ng tito mong office room doon?" His mom asked habang akbay-akbay na siya nito. "Just fine mom, and don't worry about me kaya ko namang i-handle ang trabaho---So kumusta na si dad, did you call him?" Tanong niya patungkol sa lagay ng amang nasa ibang bansa for his treatment. "He's not yet stable son, but the doctor assure us na magiging maayos din ang lahat and their doing everything they can to cure your dad." Saad ng mommy niya na mababakas ang lungkot sa mga mata habang nakatunghay sa kanya. "Im pretty sure na hindi nila pababayaan doon si dad, mom---you don't have to worry too much okay?" Pagpapalakas niya sa loob ng ina. Tumango lang ang mommy niya at tsaka siya iginiya palabas ng silid. "Dito ka na mag-dinner anak, ipapaluto ko sa mga katulong ang paborito mong pagkain." Yakag pa nito na hindi na niya na-hindian pa. Maya-maya pa ay dumating na ang dalawa niyang nakatatandang kapatid ang panganay nilang si kuya Darwin at kuya Lander niya na kasama ang mga asawa ng mga ito. Ang Kuya Darwin niya ay mayroon nang dalawang anak habang ang kuya niyang si Lander ay buntis pa lamang ang asawa at kakasal pa lamang noong nakaraang taon. Malapit ang loob niya sa mga ito lalo na sa panganay nilang si kuya Darwin na talaga nga namang ini-spoil siya mula pa noong mga bata pa sila. "Nicholas, whoa--mabuti naman at naalala mo kaming dalawin dito." Nakatawang bungad na tugon ng kuya niyang si Darwin upon seeing him. Agad siyang lumapit sa kapatid at nakipag high five. "Kuya, how are you?-- Asan ang mga pamangkin kong makukulit?" Masigla ang tinig na tanong niya habang nagpalinga-linga sa paligid hoping na makita ang dalawa nitong anak. "Naku Nico, nandoon sila ngayon kila mama." Sabat ng hipag niyang si Mira ang asawa ng kuya Darwin niya. "Hi ate Mira-- gumaganda ka ata lalo ah." Nakangiting baling ni Nico sa hipag. "Syempre magaling mag-alaga ang pogi mong kuya." Nakangising sabat naman ng kuya niya at sabay pa silang nagktawanan. "Kayo talagang dalawang magkapatid ang hilig mambola." Natatawa na ding saad ni ate Mira sabay tawa din sa pagbibiruan nila. Ang kuya niya ay katulad din niyang mapaglaro sa mga babae dati, but when he met his wife ay bigla na lamang itong nagbago at naging matino. Kaya naniniwala siya na ang tunay na pag-ibig ay kayang baguhin ang kahit anong pananaw ng isang tao sa buhay. But for him playing is not yet over dahil nag-eenjoy pa siyang makipag laro sa mga babaeng game na game naman sa konting pambobola niya. "Oh hey---Andito pala ang prodigal son." Napalingon silang lahat sa b****a ng entrance door nang magsalita ang pangalawa niyang kapatid na si Lander. Ito ang kapatid niyang halatang may inggit sa kanya dahil siya ang paborito ng kanilang ina at kung ilang ulit na din silang nagbangayan before, but he always be the one na dumidistansya dahil ayaw niyang patulan ang nakatatandang kapatid. "Kuya Lander, kamusta?" Bati niya sa kapatid at hindi na pinansin ang biro nitong pagbati sa kanya. Lumapit sa kinaroroonan nila ang kuya niya at tinapik siya sa balikat habang may ngiti sa labing hindi niya mawari kung totoo o pakitang tao lang. "Im good bro--- So, are you here for good? habang wala si dad.?" Tanong nito habang nakasunod naman sa likuran nito ang kapapasok lamang na asawa nitong si Karla, she's a supermodel at girlfriend ito ng kapatid niya for almost 4 years bago nagpakasal ang mga ito. Sa ugali ng kapatid niyang masyadong maangas at may pagka suplado ay maswerteng natiis ito ni Karla at kung ilang beses na din ang mga itong naghiwalay at nagkabalikan dahil nga sa hindi magandang ugali na mayroon ito. But Lander is still a lucky man to have not only a beautiful wife but a very patient and understanding like Karla. "Nope---Im just here to visit mom., Hi Karla." Saad niya at bati sa hipag na bahagya naman siyang nginitian. He remembered na may isang pagkakataon noon na pinagselosan siya ng kapatid niya dahil sa naging malapit silang magkaibigan noon ni Karla. Bago pa man kasi niligawan ni Lander ang babae ay magkakilala na sila dahil sa isang common friend at nagulat nga siya noon ng dalhin ito ng kapatid sa bahay at ipakilalang girlfriend nito noon si Karla, at dahil nakilala nila ang isa't-isa ay agad silang nagkakwentuhan na naging dahilan ng pagseselos naman ni Lander. He moved his head sideward at inalis sa isip ang alaalang iyon. "Hi Nico--- mabuti at nadalaw mo si mommy." Nakangiting hayag ni Karla. "Oo nga na-miss ko na din kasi itong bahay at siyempre kayong lahat." Tugon niya tsaka bumaling sa ina na noon ay nasa harap na nila at nakapagkit sa labi ang magandang ngiti. "Halina kayong lahat, the food is ready kakain na tayo." Anyaya nito sa kanila kapagdaka. Sabay-sabay na silang naglakad patungo sa hapag kainan habang kumuha naman ng kopita ng wine ang kuya Darwin niya at isa-isa silang sinalinan ng alak tsaka masaya na silang nag-umpisang kumain habang walang tigil sa pagku-kwentuhan. At kahit matagal-tagal na ding hindi nakaka-uwi si Nico sa kanilang family house ay ramdam pa din niyang marami na talagang nagbago sa tahanang kinalakhan niya but their bond as a family was still the same kahit na mayroon na silang kanya-kanyang buhay. *to be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD