Halos mag-apoy ang mata ni Nico habang nakatanaw kila Andrea at Franco na nag-uusap habang nag-iinuman pa sa isang table. Hindi siya mapakali at kanina pa niya gustong puntahan ang dalawa at ilayo ang dalaga sa kaibigang parang may gusto kay Andrea. Maya-maya ay tinawag na silang mga kaibigan ng mag-nobyo para sa mensahe nila sa mga ito kaya agad na siyang lumapit sa stage but he couldn't took his eyes off sa gawi ni Andrea at Franco na niyakag na din ang dalaga palapit sa entablado para sa engagement party nila Marcus at Marga. ***** "SO NOW LADIES AND GENTLEMEN LET'S HEAR WHAT MR. NICHOLAS ADAM BOLTON, HAS TO SAY TO MARCUS AND MARGA." saad ng host ng programa and Nico went up to the stage and give his message to his friends. "Well I just want to say congratulations to the both of you

