"Nay!, Kiro! Andito na po ako." Tawag ni Andrea sa kanyang nanay at kapatid na si Kiro.
Her name is Andrea Tuazon, 25 years old na siya at kasalukuyang nagta-trabaho sa isang maliit na kumpanya sa Quezon City bilang isang call center agent.
Pang gabi ang duty niya at umaga na kung nakakauwi siya sa kanilang bahay.
Agad naman siyang sinalubong ng kapatid niyang si Kiro na noon ay kagigising pa lamang dahil alas-syete pa lang ng umaga noon.
Si Kiro ang nag-iisa niyang kapatid at isa itong special child, meron itong kondisyon na kung tawagin ay down syndrome na kung saan ay mayroon itong extra chromosomes na ang ibig sabihin ay malaking packages ng genes sa katawan ng tao and they determine how baby's body forms during pregnancy and how the baby's body functions as it grows in the womb and after birth.
Ang nanay naman niya ay isang dating kawani ng gobyerno pero na-stoke ito 3 years ago na dahilan ng pagkaka-parilasa ng kalahati ng katawan nito kaya ngayon ay nakaupo na lamang ito sa wheelchair.
Her mom is a single mother since their father left them when her brother was just 5 years old. Sixteen years old na ngayon ang kapatid niya pero dahil isa itong special child ay para pa din itong bata kung ituring nila.
Mahirap ang sitwasyon niya ngayon dahil parehong kailangan ng special attention ang mga ito pero dahil pareho niyang mahal ang nanay at kapatid ay kinakaya niya kahit pa napakahirap.
Para kay Andrea sila ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para harapin ang buhay at maging matatag sa hamon nito, kaya bukod sa pagiging call center agent ay may iba pa siyang source of income para matugunan ang gamot at pangangailangan nila sa araw-araw.
Nag-oonline selling siya at minsan ay naglalako ng kung ano ano sa harap ng kanilang bahay kapag day off niya. She never get tired of working dahil siya lamang ang inaasahan ng kanyang ina at kapatid.
At kahit pagod madalas sa trabaho ay kailangan pa din niyang maging masigla sa harap ng kapatid lalong lalo na ng nanay niyang naging malulungkutin magmula ng mangyari dito ang pagkaka-stroke.
"A-ate! Dito na ikaw yehey!" Masayang bati ni Kiro ng makita siya na papasok sa pinto ng kanilang bahay.
"Good morning! Kiro, kumusta ang tulog ng pogi kong kapatid?" Nakangiting tanong niya dito sabay yakap at ginulo pa niya ng buhok nito.
"Ayos ate. Ano dala mo para kay Kiro?" Pa-inosenteng tanong ng kapatid sa kanya sabay siyasat agad sa dala niyang plastic bag.
Bumili siya ng pandesal at pansit para sa kanilang agahan dahil hindi naman makapag luto ang nanay niya.
Sa umaga pagka galing sa trabaho ay natutulog siya para makabawi. Ang kapatid ng nanay niyang si Tiya Sabel ang nag-aasikaso sa kanyang ina at kapatid pag ganoong kelangan niyang magpahinga,.
Mabuti na nga lang at napaki-usapan niya ang tiyahin na tignan tignan ang mga ito habang tulog siya at pagdating naman ng gabi bago siya umalis para mag trabaho ay naasikaso na niya ang dalawa at matutulog na bago niya iwan.
"Anak nariyan ka na pala." Tugon ng nanay niyang nakahiga pa sa kama. Pinuntahan niya ito sa loob ng silid para ipaalam ang pagdating niya.
"Opo nay--- Kumusta po?" Tanong niya sabay mano rito.
Napansin niyang namumugto ang mata ng nanay niya, tiyak umiyak na naman ito kagabi. Sa isip niya.
"Oo nak---ayos lang ako. Ikaw inumaga ka na naman," umpisa ng ina.
"A-anak pasensya ka na ha kung sayo na napasa ang obligasyon na ako sana ang gumagawa." Garalgal ang tinig na saad pa ng nanay niya.
Alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang nagyari dito pero lagi niyang pinapalakas ang loob ng ina para hindi ito masyadong nag-iisip.
"Nay naman---ayan na naman po kayo eh, Ayos lang ho ako at kayang kaya ko po ang trabaho ko." Nakangiti niyang turan sabay yakap sa ina at inalalayan itong maka-upo sa kama.
"N-nahihiya na kasi ako sayo nak---masyado na kaming pabigat ng kapatid mo." Naluluha ng segunda ng nanay niya.
"Hindi po kayo pabigat sa akin nay--- Kayo ho ang buhay ko at lahat kakayanin ko para sa inyo ni Kiro." Pagpapalakas niya sa loob ng ina.
"Salamat sa Diyos at ibinigay ka niya sa amin." Patuloy na litanya ng nanay ni Andrea and smiled at her genuinely.
"Kakain na po tayo--- Aalalayan ko na po kayong maka-upo." Tugon ni Andrea para maiba na ang usapan tsaka dahan dahan niyang inalalayan ang nanay niya para maka-upo sa wheelchair nito at dinala sa kusina.
Inihain na ni Andrea ang dala niyang pagkain para sa kanilang agahan at ipinag sandok pa ang nanay at kapatid.
"Oh Kiro---Ubusin mo itong pagkain mo ha at mamaya tutulungan mo si ate magligpit." Tugon ni Andrea sa kapatid na panay ang palakpak habang sinasalinan niya ng pagkain ang plato nito.
"Sarap ate--Eto gusto Kiro pansit." Namimilog ang matang sambit ng kapatid niya tsaka ito magana nang kumain.
Samantalnang nakatingin lang sa kanila ang nanay nilang si aling Fatima.
"Kayo nay--- gusto nyo pa po ba ng pansit madami pa po." Alok niya sa ina ng lingunin niya ito.
"Sige anak---Busog na ako. Magpahinga ka na at alam kong wala ka pang tulog." Saad nito kay Andrea kapagdaka.
"Papaliguan ko muna kayo nay--- Tsaka aasikasuhin ko muna din itong si Kiro bago ako matulog sakto maya maya andito na si Tiyang Sabel para may makasama kayo." Nakangiting tugon niya sa ina bago nagpatuloy sa pagkain.
Ganun ang routine niya sa araw araw. Alas onse ng gabi ang duty niya sa call center at dumarating na siya sa kanilang bahay ng alas syete ng umaga.
Bago siya matulog ay aasikasuhin muna niya ang ina at kapatid at magluluto na din ng pananghalian para kahit alas dos na ng hapon siya magising ay may pagkain na ang nanay at kapatid pati na din ang tiyahin niya.
Inaabutan din niya ng maliit na halaga ang Tiya Sabel niya sa tuwing sasahod siya para din may maibili ito ng pangangailangan ng mga anak nito.
Dalawa lang na magkapatid ang nanay niya at ang Tiya Sabel niya kaya noong ma-stroke ang nanay niya ay nagkusa din itong alagaan ang nakatatandang kapatid nito habang siya ay nagta-trabaho kaya napaka laking pasasalamat niya sa Tiyahin niyang yun dahil kung wala ito malamang hindi din niya kayanin ang sitwasyon niya ngayon.
Pagkatapos kumain ay inuna muna niyang ligpitin ang mga pinagkainan nila habang ang nanay niya ay dinala muna niya sa may terrace para makatanaw naman ng ibang tao.
after niyang magligpit ay dumating na ang Tiya Sabel niya na siyang katulong niya sa pagpapaligo sa nanay niya dahil hindi niya kaya pag siya lang mag-isa sapagkat mabigat din ang ina. Idagdag pang hindi naman nito maikilos ang kalahati ng katawan nito.
Nang matapos siya sa ina ay sa kapatid naman niyang si Kiro siya pupunta ina-asistahan niya itong maligo at magbihis tapos ay tinuturuan niya ito sa lesson nito sa SPED kung saan niya ito ine-enroll.
"Tiya, kayo muna ho ang bahala kay nanay at Kiro---- matutulog muna po ako ha." Pagpapaalam niya sa tiyahin ng matapos niyang maturuan ang kapatid.
"Oh sige na Andrea magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka sa trabaho at pati na rin sa pag-aasikaso sa nanay at kapatid mo---- maswerte talaga si ate Fatima na magkaroon ng responsableng anak na gaya mo iha." Madamdaming tugon ng tiyahin at tinapik pa siya sa balikat.
Ngumiti siya dito ng tipid tsaka pumasok na sa kanyang silid para makapag pahinga.
Hapong hapo ang katawan niya at gustong gusto nang pumikit ang mga mata niya dahil sa labis na antok at pagod sa magdamag na trabaho.
Nag-usal muna siya ng munting panalangin bago niya ipinikit ang mga mata para matulog.
Bukas panibagong pakikipag sapalaran na naman ang haharapin niya.
Habang nakapikit ay biglang sumagi sa balintataw ni Andrea ang isang lalaki, at nakita niya ang imahe ng isang napaka kisig at hubad barong binata habang nakatingin sa kanya ng matiim na ngising ngisi pa. The man is a real hunk at makalaglag panty. Naka titig lang si Andrea dito at ni hindi kumukurap ngunit nakaramdam siya ng matinding kaba lalo na ng dahan dahang lumalapit ang lalaki sa kinatatayuan niya.
She swallowed her saliva and tried to calm herself kahit bahagya nang nanlalambot ang mga tuhod niya sa di maipaliwanag na kabang nararamdaman niya.
The man stops when he already in front of her.
At tsaka dahan dahan nitong inilalapit ang mukha nito sa mukha niya.
Hahalikan siya ng lalaking pangahas at gusto niyang itulak ito but she doesn't have the strength to do that dahil parang napapaso siya sa klase ng titig nito sa kanya.
It was intense and it's crazy dahil parang gusto niya ang pakiramdam na naamoy niya ang mabangong hininga nito.
Napapikit na lamang siya ng malapit nang dumampi ang labi nito----
But she instantly get shocked ng bigla na lamang siyang maalimpungatan dahil nanaginip lang naman pala siya at nakita na naman niya ang lalaking yun sa kanyang panaginip.
She stands up at uminom muna ng tubig bago ulit nahiga at natulog.
*Itutuloy*