"Nice! Bagay sayo yung uniform, nagmukha kang babae," nakangiting sabi ni Asher nang makita niya ang suot ni Zaira. Nakaitim na palda ito na abot hanggang tuhod at pang-itaas niya ay isang white long sleeve na pinatungan ng black blazer na may puti sa dulo ng kwelyo at sleeves, tinernuhan ito ng red neck tie. Ganun rin ang kulay sa lalaki. Tinignan siya ng masama ni Zaira saka nilampasan ang kapatid pero natigilan siya nang bigla nitong hinila ang tali niya sa buhok. "Ano ba yan kuya! Bakit mo tinanggal tali ko?" inis na sabi ni Zaira. Ngumiti si Asher saka sinuklayan ang buhok ni Zaira sapamamagitan ng kamay para ayusin. "Mas maganda kung nakalugay ka, tara na," sabi ni Asher sabay hila kay Zaira palabas dahil kanina pa sila hinihintay ni Liam sa sasakyan. "Bagay sayo yung uniform

