"Oo, niligtas niya si Max nung nagpakita siya kaya wag ka nang mag-aalala. Pinapasabi nila mama na mag-impake ka ng gamit mo. Aalis na tayo dito," sabi ni Liam. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Zaira. "Sa Outlandish, hindi na ligtas dito, kaya lilipat na tayo doon." Nagpakunot ang noo ni Zaira dahil ngayon lang niya narinig ang lugar na yun. "Outlandish? Saan yun?" "Mundo yun kung saan nabubuhay na magkasama ang mga tao at kakaibang nilalang tulad ng bampira, werewolf, wizard at iba pa, doon galing sila mama." "May ganun ba? At saka paano tayo magkakapunta doon? Hindi ba mas delikado doon kasi may bampira?" Hindi niya maiwasang matakot lalo na kapag naalala niya yung bampirang umatake sa kanila. "Basta, mag-impake ka na. Dalhin mo lang yung mga importanteng gamit mo. Kami na bahala

