"Sino yung kausap mo?" tanong ni Liam kay Zaira nang magkasalubong sila sa glass door. "Si Sir Jacob, alis na ba tayo?" tugon ni Zaira. "Oo, dadaan ba tayo sa Black Academy." "Black Academy?" "Doon na kayo mag-aaral ni Paris." Bumalik na muna sila sa GS company bago magtunggo sa Black Academy. "Mag-iingat kayo, binilin kayo sa akin ng papa niyo kaya kung may kailangan kayo tawagan niyo lang ako. Pwede rin kayong pumunta dito anytime," sabi ni Greg. "Sige, salamat. Pasensya na rin sa abala, mukhang marami ka pang gagawin," tugon ni Liam nang maalala ang mga papel sa mesa nito. "Hindi naman masyado. Ash, pumunta ka na lang dito pagkagaling mo sa school. Pahingi na rin ng class schedule mo kapag nakaenrol ka na para maayos natin schedule mo dito." Tumango si Asher bilang tugon. "

