"Mom!" Mabilis ang lakad niya na tinungo ang Mommy Emily at Daddy Edgar niya kasama ang pulis na nagngangalang Quenzo. Nakatayo ito ang mga ito sa pasilyo hindi kalayuan sa kuwarto ng asawa niya. Ilang ulit niyang tinawag ang mga mga magulang ngunit parang hindi siya naririnig ng mga ito. Seryoso ang mga ito sa pakikipag-usap sa pulis na kasama. "Mom." He interrupted them. Napabaling naman ang mga ito sa kaniya. "What is it, son? I told you to guard Remi and Izza with your life, didn't I?" "Mom, that little girl told me that their mother is in jail. How come?" Ngunit imbes na sagutin nito ang tanong niya ay bumaling ito sa daddy niya. "Edgar, go talk to your son," pagkatapos ay ibinigay na uli nito ang atensyon sa kausap na pulis. Agad namang nagpatiuna ang daddy niya at wala siyang

