FIVE

2369 Words
Nagising si Remi sa kuwarto nilang mag-asawa. Ni hindi niya maalala kung paano siya nakarating doon basta ang naaalala lang niya, nanood sila ng The Fault in our Stars ni Edward habang magkatabing nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa. Kumain pa sila ng popcorn dahil nga weird ang asawa niya. Pagkatapos niyon, hindi na niya napigilan ang pagod, siguro nakatulog siya. Si Edward ba ang nagdala sakin dito? Nahihiya siya, kasi kung si Edward nga ang nagpangko sa kaniya patungo sa kuwarto, malamang nabigatan ito sa kaniya. Inilibot niya ang paningin sa buong kuwarto para hanapin ang asawa pero bigo siya. Wala doon si Edward. Bahagya pa siyang natigilan nang makitang iba na ang ayos ng kuwartong iyon. Kulay light violet na ang kulay ng mga bulaklaking kurtina. Pati ang bedsheet ng kama, dark violet na ang kulay samantala light violet din ang kulay ng mga punda at kumot. It's her favorite color, at sigurado siyang hindi siya ang nagpalit ng mga iyon, dahil ayaw ni Edward sa kahit anong bagay na gusto niya. Ano bang nangyayari? Si Edward ba ang nagpa- asikaso ng kuwartong ito? At kung ang asawa man niya ang nagpaayos niyon, nagkataon bang paborito niyang kulay ang ipinapalit nito sa mga bagay na nandoon? Bumangon siya at naghilamos sa sink sa banyo, pagkatapos ay paika-ikang bumaba sa hagdan at tinungo ang kusina. Saktong nasa tapat na siya ng pinto nang matigilan siya. Malakas ang saliw ng musika na nanggagaling doon. We go together Better than birds of a feather You and me We change the weather, yeah I'm feelin' heat in December When you're 'round me Sinilip niya iyon at napamaang. Naroon ang asawa niya, nakapajama at sandong puti at nakasuot ng purple na apron, ang apron na pagmamay-ari niya. Napangiti siya dahil may mga butterfly pa iyon. Nakapatong ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa at doon pala nagmumula ang malakas na pagtugtog ng kantang Sucker ng Jonas Brothers. I've dancin' on top of cars And stumblin' out of bars I follow you through the dark Can't get enough You're the medicine and the pain The tattoo inside my brain And baby, you know it's obvious Hindi niya mapigilang sumandal sa hamba ng pinto at panoorin ito. Nakatalikod ito sa kaniya kaya naman kitang kita niya kung paano mang-flex ang matitipuno nitong balikat. Tingin niya ay naghihiwa ito ng kung ano. Never pa niyang nakitang ganito si Edward. And confusion is really eating her up. Ano kayang nangyari sa asawa niya at tila maganda ang mood nito mula pa kahapon? I'm a sucker for you You say the word and I'll go anywhere blindly I'm a sucker for you, yeah Any road you take, you know That you'll find me I'm a sucker for all the subliminal things No one knows about you, about you And you're makin' the typical me Break my typical rules It's true, I'm a sucker for you, yeah And when the song hit the chorus, natawa siya nang kumembot kembot ang bewang ng asawa. Sumasabay iyon sa saliw ng musika. He looked so sexy and jolly doing that. It brightens her day at para bang saglit niyang nakalimutan ang mga problema nilang dalawa. Saglit niyang nakalimutan na noong isang linggo lamang ay gusto na niyang makipag-hiwalay dito. She wanted to seize this moment. And cherish it until her last breath. Tila narinig naman ng asawa niya ang malakas niyang pagtawa. Humarap ito sa gawi niya at nang makita siya nitong nakasandal sa hamba ng pinto ay gumigiling itong lumapit sa kaniya. Mas lalo siyang natawa sa ginagawa nitong paggiling. Malapad ang ngiti sa labi nito nang inabot nito ang kamay niya at masuyo siyang hinatak sa kusina. Natatawa siya habang pinapanood itong kumekembot suot ang apron niya. Don't complicate it 'Cause I know you and you know everything about me I can't remember all of the nights I don't remember when you're around me “Come on, the music is good, my lovely wife,” pagyaya nito na sabayan din niya ng sayaw ang tugtog. Natigilan siya. My lovely wife. Her heart is beating fast. It is dancing wildly on her chest. Parang napokus ang buong atensyon niya kay Edward. Parang saglit na tumigil ang oras at tanging ito lang ang nakikita niya. Tumulo ang luha niya. Ito ang kayang gawin sa kaniya ng asawa mula noon hanggang ngayon. Kaya nitong pabilisin at pabagalin ang oras niya. Agad niyang pinahid ang luha para hindi iyon makita ng asawa at malapad na ngumiti dito. Ginaya niya ang ginagawa nito kumembot kembot din siya habang nakataas pa ang dalawang kamay. Edward chuckled. “You're a good dancer, wife. But sorry to tell you, I'm a pro in this,” hinubad nito ang apron at inikot ikot iyon sa ere na para bang nasa concert ito. Hindi siya nagpatalo. Kinuha niya ang mahabang kahoy na siyansi at iminuwestra iyon na para bang naggigitira siya. Nagkatawanan sila. Their laughter filled the entire kitchen. But for Remi, it feels like everything is muted. Hindi talaga niya marinig ang tugtog, basta sumasabay siya sa pagsayaw at pagtawa ng asawa niya. It feels like they are a happy couple in a movie. For the first time in all the years that they are married, they get along. Like a real husband and wife. At masarap pala iyon sa pakiramdam. Nang matapos ang kanta ay sabay silang nagkatawanan sa ginawa nila. Pero agad ding natigilan nang maamoy pareho na parang may nasusunog. Namilog ang mga mata ni Edward nang maalala ang niluluto nito. “Oh f**k!” Dali dali nitong pinatay ang stove. “Wife, let me borrow that, please.” Inabot niya ang siyansi dito. Nakita niya kung paano nito inalis ang kulay uling na hotdog sa kawali. Ipinakita nito ang sunog na hotdog na nasa siyansi. Nagkatinginan sila. “I think we’ll get poisoned if we eat this,” sabi ni Edward at itinapon na ang mga sunog na hotdog sa trash bin. “I’ll just cook something again. What do you to eat for breakfast?” Lumapit ito sa kaniya at halos mapugto ang hininga niya nang naglalambing na niyakap ng asawa ang bewang niya at ipinatong ulo nito sa balikat niya. Para siyang magha- hyperventilate. Mabilis na mabilis ang kabog ng dibdib niya. “K-kahit anong g-gusto mo, o-okay lang sakin,” she stuttered. She can’t think straight. Ramdam na ramdam niya ang katawan ni Edward. “I want to eat you,” namilog ang mga mata niya  nang marinig ang sinabi nito. Pakiramdam niya, lahat ng dugo niya ay umakyat patungo sa kaniyang mukha. She is so sure that she's freaking blushing now like a tomato. Buti na lang at hindi iyon nakikita ng asawa niya. “But as much as I want to eat you, I think we need to eat real food first, lalo na at kalalabas mo pa lang ng ospital,” mas humigpit pa ang yakap nito sa bewang niya. “What do you want to eat, come on, think.” “Cake.” Wow, good thinking, Remira. Kanti sa kaniya ng isip niya. Cake talaga? Yan na ang pinakamaganda mong naisip ngayong umaga. Punong puno iyon ng sarkasmo. E sa kung hindi talaga siya makapag- isip ng tama sa lapit ng distansiya nilang dalawa! May magagawa ba siya? “Cake it is,” saglit na lumayo sa kaniya ang asawa. Nakaramdam siya ng kaunting disappointment nang magkaroon ng espasyo ang mga katawan nila. She like the feeling of his body pressed to hers. She like the warmth it brings. Oh, God, ano ba itong pumapasok sa isip ko? Ngunit agad din siyang napangiti nang inabot lamang ni Edward ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa at nag-dial ng number doon. Pagkatapos ay muli itong bumalik sa pagkayap sa bewang niya. “Hello, Mckracken?” anito. “Do you know how to bake a cake?” Kilala niya ang kausap nito, si Creig Mckracken, magaling itong chef at isa ito sa mga matatalik na kaibigan ng asawa niya. “Yes, I do know how,” dinig na dinig niya ang bawat sinasabi ng nasa kabilang linya. “I enrolled in an advance baking class when I was in--” “Okay, cut that crap. I don't need to know your f*****g credentials. I just need you to bake a cake. And mind you, I’m still richer than you.” Gusto niyang matawa sa sinabi ng asawa. At kailan pa ito naging mahangin? “Crap you, dude. Ano bang flavor?” saglit na tumingin sa kaniya si Edward. “Wife, what flavor do you want?” Saglit siyang nag-isip. “Ahm, chocolate na lang.” “You heard my wife, Creig. Chocolate it is. Triple layers. Palagyan ng maraming cherries sa ibabaw. My Remi likes cherries very much.” My Remi. Hindi niya maisiwasang hindi mapatitig kay Edward. Sana palaging ganito ang mood ng asawa niya. Alam niyang alam nito na mahilig siya sa cherries. Pero hindi niya lubos akalain na maalala pa pala iyon ng asawa niya. Naalala niya noong birthday niya bago sila ikasal, binigyan siya ni Edward ng cupcake na may cherry sa ibabaw. Kahit alam niyang galit sa kaniya ang binata dahil sa pagsisinungaling niya sa mga magulang nito, binati pa din siya nito “Okay, give me 2 hours, I’ll deliver it in your house.” “Yeah whatever. Just bake it faster, fucker.” “And you're welcome, Mr. Lai,” punong puno ng sarkasmo na sabi ni Creig bago nito ibinaba ang tawag. Sobra ang pagpapasalamat niya sa Diyos sa pagpapasanib nito mg anghel sa kaniyang asawa. Sana palaging ganito. *** Makalipas nga ang dalawang oras ay dumating si Creig dala ang cake. “Hi, Remi. Here's you triple layered chocolate cake,” nakangiting sabi nito nang mapagbuksan niya ito ng pinto. Inabot naman niya ang box ng cake mula dito. “Hi, Creig. Gusto mo bang pumasok muna--” Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay sumulpot na si Edward mula sa likuran niya. He possessively wrapped his arms on her waist. “No. This fucker won't go inside our house. Get the hell outta your face now, Mckracken,” may diin na sabi nito. Creig just coolly shrugged his shoulders. “Whatever. I just want you to know that I really like your beautiful wife,” ngumisi ito na parang nang-aasar. Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha ng asawa niya. Binitawan siya nito at binuhat ang pinakamalapit na paso ng halaman sa kanila. Mabilis na kumaripas ng takbo si Creig ng makita ang ginawa ni Edward. “You fucker! I'll kill you!” galit na inihagis ni Edward ang malaking paso kay Creig. Nakaiwas ang binata. Nabasag ang paso na tumama sa lapag at nagkalat ang lupa doon. “That cake is 2,000 pesos, Mr. Lai!” sigaw nito habang tumatakbo palayo. Edward raised his middle finger to Creig. Pagkatapos ay galit siya nitong hinatak papasok ng kusina. Oh, no, this is bad. Nasira na ang mood ng asawa niya. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba. Pasalya siya nitong binuhat paupo sa ibabaw ng mesa. Madilim na madilim ang ekspresyon nito. At nakakaramdam siya ng takot doon. Ayaw na ayaw niyang magagalit ito sa kaniya. “Do you like that man?” madiin na tanong nito. “Do you like that fucker more than me?! I can also cook! I can even learn how to bake! Dammit!” naiinis na sinabunutan ni Edward ang sarili. Natigilan siya sa sinabi nito. Nagseselos ba ito kay Creig? O guniguni lang niya iyon? One second he is mad as hell, another moment, he is sweet as cherries. Edward, you're confusing me. Hindi niya ito masalubong ng tingin. “Answer me, wife! f**k!” bigla na lamang siya nitong niyakap at isiniksik ang mukha nito sa leeg niya. She doesn't know what to do. She just sit in the table, stilled. Habang si Edward ay nakatayo sa harap niya at nakayakap sa kaniya. “Answer me please,” he whined like a child and it's kinda… cute. Ibinaba niya ang box ng cake sa mesa at niyakap pabalik si Edward. Hinagod niya ang likod nito. Naramdaman niya na ito naman ang natigilan. “I don't like him more than you. I don't like him at all. Not in a romantic way. Kaya wag ka nang magalit.” Humarap ito sa kaniya. Nagtama ang mga mata nila. “Promise me you won't let Creig near you again. Or any other male species than me.” She just chuckled on what he said. She kinda like this possessive side of him. She feel loved and wanted. Kumunot naman ang noo nito at napasimangot. “Why are you laughing at me? Promise me.” “Okay. Promise.” Natatawang tinanggal niya ang pagkunot ang noo nito gamit ang kaniyang daliri. “Nangangako ako, kaya smile ka na. I like you smiling,” sabi pa niya. Ngumiti ito ng malaki. Lumabas tuloy ang dimples nito. He become more attractive. “Like this?” tukoy nito sa ngiti nito. Nakangiti din siyang tumango-tango. “Like that.” “Come on, let me help you,” inalalayan siya nitong makababa mula sa mesa ay pinaghatak siya ng upuan. Kumuha ito ng dalawang plato at kutsilyo. Pinagslice siya nito ng cake at ang sarili nito, pagkatapos ay naupo sa upuan sa tabi niya. Pagkatapos kumain, marami pang natirang cake. Napangiti siya ng may maisip, kumuha siya ng icing gamit ang daliri at pinahid iyon sa pisngi ni Edward. She caught him off guard. Medyo nagulat ito  sa ginawa niya. Maya-maya ay ngumiti ito. He playfully smiled at her. Oh no. Gamit ang malaki nitong palad, inisang dakot nito ang cake at pinahid sa mukha niya. Nanlaki  ang mga mata niya sa ginawa nito. Punong- puno ng icing ang buong mukha niya. Nilagyan pa nito ng isang pirasong cherry ang ibabaw ng ulo niya at pagkatapos ay nagmamadali itong tumakbo palabas ng kusina habang malakas  na tumatawa. “You brute!” pinahid niya ang mukha gamit ang sariling palad at nagmamadali ding hinabol ang walanghiya niyang asawa. ----------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD