Hinawakan ni Remi ang tuhod para sana pigilan ang panginginig niyon. Ngunit hindi siya nagtagumpay, dahil maging ang mga kamay niya, nanginginig din.
Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba at kahit naka-max ang aircon ng kotse ay may malalamig na butil-butil na pawis ang lumalabas sa noo niya.
Matapos nilang kumain ng umagahan -- at maghabulan dahil sa pagpahid ng asawa niya ng cake sa buo niyang mukha -- ay niyaya siya nitong sumama sa opisina nito at nang tanungin niya ito kung bakit siya nito pinapasama, her husband just shrugged his shoulders at her while smiling wide.
Kaya naman kahit kaninang naliligo siya ay abot langit ang kaba niya. Ito ang kauna- unahang beses na magkasama sila ni Edward na pupunta sa opisina nito. Isa pa, hindi naman siya kilala sa opisina nito bilang asawa ni Edward. Kilala siya bilang katulong nito. Natatakot siya na baka kung ano ang maging reaksiyon ng mga empleyado doon. Ayaw niyang maging tampulan ang asawa niya ng mga usap-usapan. Ayos lang sana kung siya lang, dahil sanay naman siyang maging usap-usapan mula pa noong kolehiyo.
Dahil nga siguro sa physical appearance niya. Ang pagiging may katabaan niya ay nagiging tampulan ng tukso.
She sighed deep. At napansin naman iyon ni Edward habang nagmamaneho ito. Bahagya siyang sinulyapan nito at mabilis ding ibinalik ang tingin ang kalsada.
“Are you okay, wife?” gamit ang isang kamay ay inabot nito ang mga kamay niyang nakapatong sa naginginig niyang mga tuhod. “Hey, you're shaking,” nag-aalalang turan nito.
Nag- aalangan naman siyang ngumiti dito. “Ayos lang ako, Edward. Medyo, ahm… kinakabahan lang.”
Bahagya nitong pinisil ang kamay niya. “It's going to be okay. No need to be nervous. Opisina ko lang naman iyon. No one is going to eat you there. Well… no one aside from me,” he playfully winked at her.
Natawa na lamang siya sa sinabi nito. Somehow, it eases her nervousness.
Ngumiti din ito. “Yeah. That's it. Keep smiling.” Ibinalik na nito ang kamay sa manibela. “And I want to tell you that I love your jeans, wife.” Sumulyap ito sa kaniya at muling kumindat.
She just secretly rolled her eyes at bumaling sa bintana. Kanina kasi ay naka-dress siya. Casual floral dress iyon na hanggang tuhod ang haba at mayroon din sleeves.
Hindi din naman talaga niya gustong isuot iyon. Nagkataon lamang na nakita niya iyong maayos na nakatupi at nang maalala niyang hindi pa niya iyon naisusukat mula nang maibigay sa kaniya ni Clarylaine -- bilang regalo noong birthday niya -- sinubukan niya iyong isukat. At dahil corseted iyon, hapit na hapit sa bewang niya. She actually looked sexy in that dress.
Sakto namang pumasok ng kuwarto si Edward at agad na napasimagot nang makita ang suot niya.
“Ayoko nito. Your legs and sexiness are sinfully exposed. Palitan mo ito,” nahiya pa siya nang ito mismo ang maghubad sa kaniya. “You are not allowed to wear these kind of clothes outside our house, okay?” nakasimangot na sabi nito.
Nakangiting napatango- tango na lamang siya. Gumana na naman ang pagiging bossy nito.
“Okay, fix yourself. I’ll wait for you outside,” ngumiti pa ito bago lumabas ng kuwarto.
Kaya heto at naka-denim jeans siya at turtle neck na long sleeves. In short, ang mukha at kamay lamang niya ang naka-exposed na parte ng katawan niya.
Palihim na lamang siyang napa-iling habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Masaya siya. Masayang- masaya. She is very much happy with her husband's weird change. Kung ano man ang nagpabago bigla dito, nagpapasalamat siya doon.
“We’re here, wife,” tila nagbalik siya sa realidad nang marinig ang boses ng asawa. Nagpalinga-linga siya at totoo ngang nasa parking lot na sila. Ngunit hindi sa underground floor na parking lot ng kumpanya nito, kundi sa harap mismo. Panigurado siyang makikita talaga siya ng mga empleyado.
Hays, bakit sa front door pa kami dadaan?
Bahagya pa siyang nagulat nang biglang sumulpot sa harap niya si Edward at pinagbukas siya ng pinto. Inalalayan din siya nito makababa. She can’t help but to gaped at him, nakakapanibago talaga ito.
“Let’s go?” pag-aya nito sa kaniya.
Tatango na sana siya nang mapansin ang neck tie nito na nakatabingi. Inisang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa at inayos ang neck tie nito.
“Ayan, okay na,” malaki ang ngiti niya nang sumulyap dito. Nahuli niya itong titig na titig sa kaniya. Nagtama ang mga mata nila. Na-conscious tuloy siya sa paraan ng pagtitig nito. “Bakit ganiyan ka makatitig?”
“Should I impregnate you?”
Napamaang siya dito. “Huh?”
Marahas na ipinilig nito ang ulo. “Anong ‘huh’?”
“Tinanong mo ako kung dapat mo akong buntisin,” natatawang turan niya.
“Did I sound strange?” nag-aalalang tanong nito.
She chuckled. “Medyo.”
“Oww.” Nakita niya kung paano ito nagkamot ng batok. Pulang-pula ang mukha nito at mabilis siyang tinalikuran. “Let's just go, okay? Follow me, wife.”
Natawa na lamang siya. Parang robot ito na mabilis na naglalakad patungong front door.
“Hey, hintayin mo ako, asawa ko!” nakita niya kung paano ito tumigil sa paglakad at namimilog ang mata na lumingon sa kaniya.
“What did you said?”
She shrugged her shoulders. “Asawa ko.”
“You-- f**k it. Wife naman. Nasa tamang katinuan na ako tapos papakiligin mo ko. Ibalik mo yung katinuan ko!” pagkatapos ay nagmamadali itong tumalikod muli. Pati ang tenga nito ay namumula na din.
Naiiling na lamang siyang sumunod dito. Her husband is adorably blushing, and she felt proud because she is the reason.
Ngunit mabilis ang naging lakad ng asawa niya. Malayo na ang distansiya niya dito. Naiinis pa siya dahil medyo masikip sa kaniya ang sandals niyang suot kaya nahirapan lalo siyang maabutan ang asawa. Papasok na siya ng front door nang harangin siya ng guwardiya na nagbabantay doon.
“Ano pong sadya natin, Ma’am?” tanong ng matandang guwardiya. Hindi ito ang guwardiya na palagi niyang nakikitang nagbabantay doon. Mukha itong masungit, hindi tulad noong guwardiyang madalas niyang makita.
Nag- aalangan siyang ngumiti. Hinanap ng mga mata niya si Edward. Nakita niya itong nakatalikod at hinihintay magbukas ang elevator. Nagpapalit- palit ang tingin niya sa guwardiya at kay Edward na nakatalikod.
“Ahm… kasi po…” bahagyang nakamot niya ang pisngi gamit ang hintuturo.
“Anong problema dito, Mang Greg?” napabaling siya sa matangkad na lalaki na kadadating lang.
“Ah, Sir Henry. Wala naman po, may bisita lamang po dito,” nakangiting bumaling din sa kaniya ang bagong dating na lalaki. Guwapo ito. Mukhang may lahing banyaga. Medyo singkit ang mga mata.
Pero mas guwapo pa din talaga ang asawa niya. Syempre walang makakatalo sa pinaghalo- halong dugo ng tatay nitong Half Filipino, Half Taiwanese at ng nanay nitong British- American.
“Hi, I’m Henry Wang. Ako ang head ng Production Department,” ngumiti ito sa kaniya. At nakipagkamay. “Pasensya ka na, medyo mahigpit na kasi ang seguridad dito. Ikukuha na lamang kita ng visitor’s form sa information desk.”
Ngumiti siya at nagpasalamat dito pati na rin sa guwardiya. Mababait naman pala ito. “Sige po. Naiintindihan ko po--”
“Didn't I told you to follow me?” nanindig ang balahibo niya sa lamig ng boses na nanggaling sa likudan niya. Nag- alangan pa siyang lumingon.
Naroroon si Edward. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa magkasalikop nilang mga kamay ni Henry. Kaya naman agad niyang binitawan ang kamay nito. “And didn't I also told you not to talk to any other male species than me?”
Matalim ang tingin nito kay Henry at sa matandang guwardiya. “Ahm, kasi Sir--”
“Shut the f**k up! I am not talking to you, Henry!” galit na bulyaw nito. “You are both f*****g fired! I don’t want to see your demonic faces in my company anymore!”
“Wag po, Sir Edward. May pamilya po akong binubuhay. May mga anak po akong pinag-aaral,” nagmamakaawa ang matanda ngunit hindi iyon pinapansin ng asawa niya.
“Answer me, Remira!” halos mapatalon siya sa lakas ng boses nito. Nanatili siyang nakatitig sa sahig. ‘Remira’ hindi ‘Wife’. Nasisiguro niyang galit na talaga ito. This is the Edward that she always knew. Cold. Hot-headed. Distant.
Gone is the playful Edward.
They are now making a scene. Ang ibang empleyado ay napapatingin na sa kanila. Kita at rinig pa niya kung paano magbulungan ang iba.
“Anong nangyayari?”
“Galit na naman yata si Sir Edward. Tinanggal niya sa trabaho iyong pobreng matanda.”
“Diba muchacha niya iyang matabang babae? Bakit niya pinagtatanggol?”
“Ewan ko nga e.”
Ito na nga ba ang sinasabi niya. Pinag-uusapan na sila.
Kumuyom ang kamao niya. Nakikipag-usap lang naman siya ng maayos sa matanda. For goodness’ sake! Her husband is being unreasonable. E sa hindi siya kilala ng mga empleyado nito!
“Bawiin mo ang sinabi mo. Wag mong tanggalin sa trabaho si Mang Greg at Henry,” mahina ngunit madiin niyang sabi.
“Ah, so you're taking their side? No! They are fired! End of f*****g story!”
She gritted her teeth at marahas na tumingin dito. Naglabanan sila ng tingin. Ito lang ba ang may karapatang magalit? May karapatan din siya!
“Hindi! You're unreasonable!” She can't understand him anymore.
“I don't freaking care! Bakit ha?! You enjoy talking to them now?! Diba sabi ko wag kang lalapit sa ibang lalaki bukod sakin? Tinagalog ko na para maintindihan mo? Are you f*****g dumb? Can’t you understand English now? How come you graduated tertiary education with your dumbness?!” malakas na bulyaw nito.
Nasaktan siya sa sinabi nito. Tumulo ang luha sa mga mata niya ngunit marahas niyang pinahid iyon. Galit siya at iyon ang papairalin niya.
“Yes! I am f*****g dumb! Masaya ka na?! At para sabihin ko sayo, hindi ako grumaduate ng kolehiyo! Bakit kailangan mong tanggalin sa trabaho itong pobreng matanda e hindi naman niya alam na asawa mo ako--”
Humina ang boses niya. Hinayaan na oamang niyang tumulo ang luha niya. Nakita niya kung paano bumakas ang gulat at pagtataka sa mukha ni Edward dahil sa sinabi niya. Lumambot ang ekspresyon nito.
“You… You didn't graduate? But… Why? And why you didn't tell me?”
“Kalimutan mo na.” Marahas niyang tinalikuran ang mga ito at tumakbo palabas ng kumpanya. She didn't looked back. Kahit pa naririnig niya ang pagtawag ni Edward sa pangalan niya.
Napaigik pa siya nang masira ang isang sandals niya. Hinubad niya iyon at tinapon sa kung saan.
Agad niyang pinara ang dumaang bus at sumakay doon.
Her tears streamed down her face. Tapos na ang ilang araw na masaya sila ni Edward. She is not a princess anymore. Fairygod mother's magic in now gone.
She is now just Remi.
Always the ‘nobody's girl’
Now she realized that sometimes… glass shoe doesn't fit.
----------------------------------------------------------------
Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, we tend to forget how to love ourself.