Isang araw na ang makalipas noong inannounce ang gaganaping War Battles sa Underworld. Ngayon na ipopost kung sino sino ang papasok at lalaban sa War Battles. At ngayon din mamimili ang bawat leader ng isang team para sa magiging miyembro nila sa Team Battles. Kinakabahan sina Mark, Nick pati si Raphael sa mangyayari ngayon. Hindi nila alam kung makakapasok ba sila, at nandoon ba ang pangalan nila o wala. "Kung nandoon man ang pangalan ko, sana piliin ako ni Empress."-Mark "Ako din!!"-Nick Raphael just 'tch', pero hindi maiikaila na kinakabahan siya. Mga ilang minuto lumipas... Biglang nagkaroon ng spotlight sa gitna ng Underworld arena. Nandoon ang buong head council. Tumingin lahat ng mga Gangsters sa direksyon na 'yun. "Hello again, our fellow underworld gangsters..."-The Head

