"Magaling! Mabuti naman at hindi ka ngayon late, Miss Fernandez. Ituloy-tuloy mo na iyan kung mahal mo pa ang trabaho mo kung ayaw mong masisante kita! Naiintindihan mo!?"
Mabilis akong tumango sa aming manager at yumuko.
Hindi ko naman kasi kasalanan na laging traffic kaya nalalate ako sa trabaho, maaga akong bumabangon at nag-aasikaso sadyang malayo lang ang byahe papunta rito idagdag pa ang traffic tuwing umaga.
"Mabuti naman at naiintindihan mo! Sige na, magtrabaho ka na!"
Mabilis akong lumabas sa maliit nitong opisina at agad na pumunta sa locker room upang magpalit ng susuotin. Mabuti na lang at sanay na ako sa boses nito na laging nakasigaw lalong-lalo na sa akin. Paano ba naman ako ata lagi ang target nito at laging napupuna, kaunting pagkakamali lang ay agad na nitong pinapansin at agad na napapagalitan.
Hindi ko sana pagtyatyagaan ang trabaho sa restaurant na ito bilang waitress kong hindi lang malaki ang sweldo dito na talaga namang bumubuhay sa akin at tsaka mahirap ng makahanap ngayon ng trabaho sa panahon ngayon kaya maswerte pa rin ako kung tutuosin.
"Hayy" Bigkas ko sabay buntong-hininga sabay punta sa bagong dating na customer at binigay ang menu.
"What is your order, sir?" Tanong ko sa lalaking nakaupo na at magalang na ngumiti rito. Agad kong inilista ang mga inorder nito at ng matapos ay agad akong ngumiti rito
"Thank you and God bless, sir" sabi ko at mabilis na lumapit sa may counter sa kusina at inabot ang lista sa mga tao roon.
Lumapit naman ako sa counter upang maghintay ng mga customers o kaya ang pagdala ng mga pagkain na inorder ng mga customers namin.
Bahagya akong napa-iktad sa gulat ng sikuhin ako ng katabi ko dito sa counter
"Para saan yun Myla?" Tanong ko at inis itong tiningnan
Siguro kong may dala lang akong pagkain sa kamay ko at ginawa nya iyon sa akin at tiyak na mahuhulog ko ang hawak ko at mapapagalitan na naman ako ng manager namin na si Mrs. Santua. Sisisihin ko ang babaeng ito pag ako nasisante At sisingilin ko sya araw-araw kahit kaibigan ko pa sya.
"Anong sabi sayo ni bruha?" Mahinang tanong nito na tinutukoy nitong si Mrs. Santua na bruha.
Siguro kong medyo mabait lang ako ay matagal ko na itong napagsabihan sa pagtawag ng bruha kay manager pero hindi ko naman sya masisisi bruha naman kasi si Mrs. Santua
"Ano pa nga ba? Edi pagna-late ulit ako sisante na ako" sagot ko rito at tumingin sa mga customers namin napangiti ako ng may nakita akong pamilya at tudo asikaso ang mag-asawa sa anak nilang lalaki. Aw, ang cute nung bata.
Muli akong siniko ng katabi ko at agad ko ulit itong sinamaan ng tingin. Kainis na e. Pwede naman akong kausapin bakit kailangan pa akong sikuhin, namumuro na e.
"Ano na naman ba?" Inis na sambit ko habang nakataas ang kilay rito. Sumimangot ito na lalong kinainis ko. Naku naman! Kala mo naman bagay sa kanya.
"Ano nga?" Iritadong tanong ko ulit dahil hindi man lang ito sumagot. Ito pa naman ang ayaw ko sa sarili ko mabilis akong mainis, naku naman!
"Yung totoo, natutuwa ka pang masisante?" Tinaasan ko lang ito ng kilay at inis na iniwan ito
"Bahala ka nga dyan. Gulo mong kausap"
Muli akong bumalik sa pagkuha ng mga order ng mga customers ganun na rin ang pagdeliver ng mga pagkain nito at ang iba pa nilang mga requests.
Natapos ang buong maghapon ko na ganun ang nangyari sa buhay ko.
Napatingin ako sa aking relo at napapadyak ako ng makita kung anong oras na. Jusko! Inabot ako ng tatlong oras sa kakaabang ng masasakyan pauwi sa bahay. Lalo pa akong nainis na wala akong makitang pampublikong sasakyan na maaari kong sakyan pauwi kahit pa na makailan akong sakay basta makauwi lang ako dahil pagod na ako, masakit na katawan ko. Kung may pera sana ako pang-taxi ay kanina ko pa ginawa kaya lang mababawasan ang perang naka-budget na para sa pang-isang linggo kong gastusin.
Napabunting-hininga ako. Wala e, ang hirap kumita ng pera.
Napagdesisyunan ko na maglakad-lakad muna baka sakaling makasakay rin ako maya-maya.
--------
Pagod kong binuksan ang pinto ng bahay ko at nilock ito. Dire-diretso ang lakad ko paakyat sa kwarto ko at mabilis na itinapon ang sariling katawan sa malambot kong kama. Agad ko namang tinanggal ang nakakabit kong bag sa aking balikat at tinapon ito kung saan. Hindi ko na rin inabala ang sarili kong buksan ang ilaw ng bahay dahil maliwanag naman dahil sa ilaw ng poste sa tapat na pumapasok naman ang liwanag sa buong kwarto ko dahil manipis na kurtina lang naman ang nakaharang sa bintana ko.
5 pm ang off ko tapos naghintay ako ng halos na apat na oras makasakay lang at kung minamalas ka nga naman yung nasakyan ko pa e punuan. Wala akong nagawa kung hindi makipagsiksikan tutal huminto na rin naman sa harapan ko at tsaka kong magiinarte pa ako e, siguro wala pa ako hanggang ngayon dito sa bahay. Wala akong nagawa kung hindi makipagsiksikan sa mga kasabayan kong commuters. Para tuloy kaming sardinas kanina dahil sa sobrang siksiksan sa bus na parang pinilit ipinagsiksikan sa isang lata, jusko! Isama mo pa ang katabi mong may putok at may umutot pa idagdag pa ang mga nangangamoy pawis. Naku! Uuwi ka na nga lang may baon pa!
Hindi ko na rin nagawang kumain at magpalit at maligo dahil sa pagod. Nagpagulong-gulong ako sa kama ko dahil sa wakas! Makakapagpahinga na rin ako! Sandali lang rin ay biglang bumigat ang mga talukap ng mga mata ko hanggang sa dumilim na.
Nagising ako na maliwanag na sa buong kwarto ko. Tulala akong nakatingin sa kisame ng dahan-dahang namilog ang mata ko. Oh, s**t!
Mabilis akong bumangon at napatingin sa wall clock ko na nasa kaliwa at lalo akong napamura ng makita na kung anong oras na. Jusko! Hihimatayin ata ako.
Isang oras na akong late!!!
8:30 na at 7:30 ang pasok ko. Napatingin ako sa alarm clock ko at inis itong tinapon. Isang oras pa naman ang byahe papunta sa trabaho ko. Gusto ko ng umiyak sa inis dahil mawawalan ako ng trabaho!
"Bwesit ka! Ikaw pa naman ang inaasahan kong gigising sa akin tapos ito ang gagawin mo sa akin! Argh!" Pagalit kong sigaw at agad tumakbo papasok sa banyo
Mabilis ang bawat kilos ko sa pagligo, pagtoothbrush ganun na rin sa pagbihis. Agad akong bumaba ng makuha ko ang bag ko at inilock na ang pinto ng bahay. Mabilis kong pinara ang jeep na dumaan na papunta sa bayan at sumakay rito.
Napahawak ako sa buhok ko na tumutulo pa rin. Mabilis ko itong piniga dahil wala na akong oras para patuyuin ito kanina sa bahay dahil late na ako masyado ni hindi ko nga rin ito nasuklay sa kakamadali.
Napatingin ako sa mga pasaherong nakatingin sa akin at binigyan sila ng isang ngiti. Ano ba! Wala na akong mapagpipilian kundi gawin ito rito dahil late na ako! Gusto ko yun isigaw sa kanila kaya lang wag na ako pa itong mapapahiya mas mabuti pang huwag na akong magsalita at manahimik na lang.
"Loka loka~ tingnan mo ang message ko dali~!... Loka loka~ tingnan mo ang message ko dali~!"
Napapikit ako sa sobrang inis ng marinig ko ang ringtone ng cellphone ko idagdag pa ang mga natatawang itsura ng nga kasabayan kong pasahero. Kung minamalakas ka nga naman! Bakit ngayong araw pa!
Mabilis kong hinalungkat ang bag ko habang patuloy ito sa pagtunog. Mabuti sana kung mahina ang sound pero putek ang lakas ng sound nya mga pare! Masasabunot ko talaga ang bruhang myla na yun! Pinakilaman ang cellphone ko!
Mabilis kong binuksan ang message nito at lalo akong nainis sa laman nito
-------
From: Myla
Uy babae! Nasaan ka na? Kanina ka pa hinahanap ni bruha. Lagot ka kay bruha pagdating. Badtrip pa naman
Luv you bebe!
P.s. ganda ng ringtone mo diba? Nirecord ko yan kahapon. Ganda ng boses ko noh? Hihihi✌
-------
Napapikit ako sa sobrang inis at gusto kong sumigaw!!
Mabilis akong bumaba sa jeep ng makarating kami ng terminal at agad na sumakay sa bus na papunta sa trabaho ko at naghanap ng mauupuan.
Maswerte ako at paalis na ang bus na sinasakyan ko nagbayad na rin ako para hindi hassle mamaya pagbaba ko. 30 minutes pa naman ang byahe papunta sa trabaho ko. Napayuko ako at pinunasan ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Iniisip ko pa alng na mawawalan ako ng trabaho na hindi naman imposible ay naiiyak na ako. Paano yan? Saan ako kukuha ng panggastos sa pang-araw-araw? Mabuti sana kung may mabuting tao ang magbibigay sa akin ng isang milyon ay hindi na ako mag-aaksaya na magtrabaho pa pero sino ba naman ang niloloko kundi ang sarili ko. Sino naman ang magbibigay ng isang ganong kalaking pera, aber?!
"Para po manong! Para po! Para!" Tarantang sigaw ko ng makitang lumampas ako wala akong pakialam kong nabulabog ko ang iba sa mga ginagawa nila at nagawa pa ako nilang lingunin. Mabilis akong bumaba sa bus ng huminto ito at napatampal ako sa noo ko at nagpapadyak.
"Bwesit! Bwesit! Bwesit! Ang tanga mo talaga minsan Alona Marie Fernandez!" Sermon ko sa sarili habang malalaking hakbang ang ginagawa ko papunta sa restaurant. Napamura ako ng makitang malayo ang nababaan ko. Argh! Nakakaiyak!
Inis at naluluha akong naglalakad ng mabilis ng mapatingin ako sa pedestrian line ng may makita akong lolo roon na patawid hindi ko na sana ito papansinin ng napatingin ako sa unahan nito. Isang ten-wheeler truck ang mabilis na papalapit kay lolo at hindi man lang magawang magminor
"Si lolo masasagasaan!" Sigaw ko pero pagtingin ko sa paligid ay wala man lang nakapansin sa sinabi ko at wala rin silang paki dahil may kanya-kanya silang mundo. Tutal ay malapit ako sa pedestrian line ay agad kong tinakbo ang pagitan namin ni lolo at hinila ito at ginamit ang sariling katawan upang pangharang rito at mahigpit itong niyakap at ipinagpagulong gulong ko ang sarili ko upang makapunta kami sa gilid.
Pikit mata akong naghintay na may dadaan at napahinga ako ng maluwag ng marinig kong dumaan ang truck at narinig ko pa ang pagpreno nito at ang pagbangga sa kung saan at narinig ko rin ang kaguluhan sa paligid.
Napatingin ako kay lolo na nakapikit mabilis ko itong tinapik sa pisngi at napahinga ako ng magmulat ito ng mata. Napangiti ako
"Ano ka ba naman lolo, bakit bigla-bigla kang tumatawid" inis kong sumbat rito pero ngumiti lang ito na ikinangiti ko rin.
Napatingin ako sa tiningnan nito at bigla na lang akong namula ng makita ang tinitingnan nito. Si lolo nakatingin sa dibdib ko!
"Ang lambot iha" ngingiti-ngiting sabi ni lolo na lalong ikinapula ko
Walang-hiya si lolo. Naaksidente na nga't lahat nagawa pang magbiro ng matanda.
May tumulong kay lolo na tumayo at tinanong ang kalagayan nito maging sa akin ay may tumulong upang alalayan akong makatayo dahil nahirapan ako sa pagtayo. Ang sakit ng katawan ko dahil pakiramdam ko ay dinaganan ako ng ilang kaban ng sako ng bigas isama pa ang nararamdaman kong hapdi sa katawan ko.
Umupo ako sa gilid ng kalsada at kinalma ang sarili agad ko namang kinuha ang isang bote ng tubig ng may mag-alok na inumin ko ito. Duon ko lang naramdaman ang gutom napatawa naman ang babaeng nagbigay sa akin ng tubig at biglang umalis.
Nagulat ako ng pagkabalik nito ay may dala na itong isang tinapay na nakabalot sa tissue.
"Naku po. Maraming salamat talaga ate" nakangiti kong pagpapasalamat dito na ikinangiti lang nito
"Iha" agad akong napatayo at napaubo sa kinakain kong tinapay ng makita si lolong nakatayo sa harapan ko katabi ang isang naka-suit na lalaking parang bodyguard sa laki ng katawan na umaalalay kay lolo.
Napatingin ako kay ate na umalalay sa aking pagtayo at nginitian ito.
"Kamusta na kayo lo? Ayos lang po ba kayo? Wala po bang masakit sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ko na ikinatawa ng matanda at ni ate. Okay, para saan yung tawa?
"Naku iha ako dapat ang nagtatanong niyan sa iyo, tingnan mo ang sarili mo ang dami mong galos. Maraming salamat nga pala sa pagligtas sa akin, pasensya na malabo na kasi ang mata ko at wala sa akin ang salamin ko kaya hindi ko alam na may papadating palang sasakyan. Gusto mong ipadala kita sa hospital para magamot yang mga galos mo?" Sabi nito. Mabilis pa sa alas kwatro akong umiling rito at ngumiti
"Naku lolo wag na po. At tsaka may pupuntahan pa po ako" pagtanggi ko rito At kumuha ng pera sa bag at inabot ito kay ate na naka-alalay sa akin
"Ito po ate ang bayad ko sa tubig at sa tinapay na binigay nyo po" abot ko sa kanya ng pera pero umiling lang ito. Duon ko lang napansin na hindi pala nakakapagsalita si ate. Ngumiti ako rito at pilit na inilagay ang limang daang pera sa kamay nito
"Naku ate wag mo nang tanggihan pa yan. Isipin mo na lang na hulog iyan ng langit at bumagsak sa kamay mo. Pasalamat ko na rin po yan sa pagtulong sa akin pagpasensyahan nyo na rin po kung yan lang ang naiambon ko sa inyo" nakangiti kong sambit rito at tumingin kay lolo at yumuko ng bahagya
"Sige po lo, alis na ako. Ate alis na rin po ako" sabi ko at humakbang na hanggang sa makalayo ako ng kaunti. Napakagat ako sa labi ng maramdaman ang hapdi sa katawan ko at ang pananakit ng katawan. Mabuti na lang at hindi ako masyadong nahirapang lumakad kundi malaking problima.
"Iha, saan ba ang punta mo at ihahatid ka na namin" lumingon ako kay lolo na nakangiti sa akin ng malapad. Natawa ako ng mahina. Ano kaya ang iniisip ng matandang ito?
"Kung ayos lang po ba sa inyo?" Tanong ko pabalik at lalong lumawak ang ngiti nito. Kinabahan tuloy ako sa ngiting iyon, parang may masamang balak e.
"Roman kunin mo ang sasakyan at ihahatid natin ang babaeng nagligtas sa akin" agad namang tumango ang katabi nito at may hinawakan sa kanyang tenga at bumulong rito.
Nanlaki ang mata ko ng may biglang pumaradang kotse sa harapan namin. Wow! Ang yaman pala ni lolo e, bakit sya naglalakad kanina? Ay tanga si lolo hehehe.
"Sakay na iha" alok ni lolo na nasa loob na ng sasakyan at inalalayan naman ako nung roman na makalapit at makasakay sa sasakyan.
Napatingin ako kay ate na nakatayo pa rin sa harapan namin. Kumaway ako rito at ngumiti.
"Salamat po ate" sabi ko at sinarado na ang pinto ng sasakyan at sumakay naman yung roman sa harapan bago umandar ang kotse.
"Iha, ano nga palang pangalan mo?" Lumingon ako rito at tinaasan ito ng kilay
"Ay bakit lolo? Bet mo ba ako?" Masungit kong sagot at gusto kong matawa sa ginagawa ko ng makita ang panlalaki ng mata nito
"Naku! Hindi naman sa ganun iha, gusto ko lang malaman ang pangalan ng babaeng nagligtas sa akin" tumango ako rito at tumingin sa labas naku malapit na pala ako
"Joke lang po yung sinabi ko kanina lolo. Ako po si Alona Marie Fernandez. Lolo dito na lang po" sabi ko at bigla namang huminto ang sasakyan sa tapat ng restaurant na pinapasukan ko.
"Sige po lo, baba na po ako. Salamat po sa paghatid" nakangiti kong sambit at binuksan ang pinto inalalayan pa ako nung roman na makakababa sa kotse. Kumaway akong muli sa loob bago ako tumalikod at nagtuloy-tuloy sa pagpaglalakad.
Nanlaki ang mata ni Joren na isang bodyguard sa restaurant ng makita ako at pinagmadali akong pinalapit sa kanya
"Naku lona anong nangyari sayo? Nga pala pinapasabi ni Mrs. Santua na dumiretso ka daw sa office nya. Patay ka"
Napapikit ako ng marinig ko ang sinabi ni joren. Talagang patay ako dahil sisante na ako.
"Sige, salamat sa impormasyon" tumango ako rito at pumasok na ako sa loob.
Nahiya pa ako ng pagtinginan ako ng mga customers namin ng makapasok ako. Oo nga pala madumi ang suot ko at may mga galos pa ako. Mabilis akong nakita ni myla at agad na lumapit sa akin at mabilis akong hinila papunta sa locker room namin.
"Aray ko myla, masakit" sabi ko rito sa hinahawakang braso ko dahil may galos pa roon at sariwa pa iyon.
"Saan ka ba galing at ganyan ang itsura mo? Para kang isinubsob sa grasa" panlalait nito na tinaasan ko lang ng kilay
Lumapit ako sa isang stall at umupo duon.
"Dyan ka lang kukuha ako ng pamunas dyan sa mga galos mo. Magpalit ka na at ihanda mo na rin yang sarili mo dahil haharap ka pa kay bruha" sabi nito at lumabas tumayo akong muli at pumunta sa locker ko upang magpalit ng damit. Mabiti na lang at pula ang damit namin rito kaya hindi masyadong nakita ang bakas ng dugo sa damit.
Pumasok si myla na may dala-dalang basin at bimpo at isang pakiti ng band aid at alcohol. Lumapit ito sa akin at kinuha ang alcohol at nagbuhos sa basin na may lamang tubig.
"Akin na yang braso mo" inabot ko naman ang kaliwa kong braso rito at napa-igik ako ng dumampi na ang towel sa balat ko. Ang hapdi!
"Salamat" sambit ko rito na tinango nya lang ako
"Sino nga palang punalit sayo sa counter?" Tanong ko rito sakabila ng pag-igik ko sa sakit
"Si Sarah muna ang pinabantay ko. Ano bang nangyari sayo at ganito na ang itsura mo?" Tanong nito at tumingin sa akin saglit at muling bunalik sa paglilinis sa mga galos ko. "Yung isa naman iabot mo sa akin" agad ko namang itinapat sa kanya ang kanang kamay ko
"May iniligtas akong matanda kanina at nagpagulong-gulong kami sa kalsada" natatawang sambit ko
Napasigaw ako sa sakit ng tapikin ni myla ang isa sa mga galos ko. Ang sakit!
"Huy! Para saan yun?" Naiiyak kong tanong. E sa masakit e!
"Gusto mo na ba agad sumunod sa mga magulang mo, ha! Lona naman! Hindi ka pinalaki ng mga magulang mo na ganyan!" Napatahimik ako sa sigaw na'yon ni myla napatulala ako at yumuko.
"Sorry" mahinang saad ko
"Mag-isip-isip ka lona. Hindi pwedeng iyan ang isukli mo sa mga magulang mo na pinili kang iligtas kaysa ang mga sarili nila. Isipin mo sana ang buhay na inalay nila mailigtas ka lang. Tapos na ako, aalis na ako. May trabaho pa ko" tumayo na ito at binuksan ang pinto pero bago ito lumabas ay nagsalita muna ito
"Wag mo sanang kalimutan iyon lona. Sya nga pala, wag mong kalimutan na kailangan mong pumunta sa opisina ni bruha, alam nya na rin na nandito ka na" sabi nito at sinarado na ang pinto
Napabuntong-hininga ako at tumingala.
Lulukuhin ko lang ang sarili ko kung hindi sumagi sa isip ko kanina na magpakamatay kung hindi lang ako nahila ni lolo kanina ay siguradong ako na ang nakahiga sa kalsadang iyon at wala ng buhay.
Ma...
Pa...
Agad kong pinunasan ang nagbabadyang luhang gustong kumawala sa mga mata ko at huminga ng malalim. Hindi ito ang oras para magdrama
Inayos ko ang aking sarili bago ako lumabas at pumunta sa opisina ni Mrs. Santua kumatok ako ng tatlo at narinig ko naman ang pagsagot nito kaya agad akong pumasok. Napalunok pa ako bago ako humarap rito at nakita ko lang naman ang nakataas na kilay nito habang matatalim na tingin ang binigay nito sa akin.