ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 22 THIRD PERSON Sa gitna ng kalsadang hindi masiyadong dinadaanan ng mga sasakyan, doo'y nakatigil lamang ang isang magarang kotse habang sa loob nito'y si Heitor at ang ngayo'y natutulog na si Ziche. Habang nakatingin si Heitor sa natutulog na maganda't mapayapang mukha ng kaniyang anghel na siyang asawa na niya, hindi niya mapihilang mapangiti. Ngiti.. Masayang ngiti. Nang makilala niya si Ziche noong bata pa lamang ito'y nasa isip na ni Heitor ang maangkin ito, mahuli ang anghel na ito, makulong sa kaniyang mga kuko. At ngayo'y wala na nga itong takas, wala ng kawala pa, hawak na niya ang mga pakpak maging puso nito. Ang ngiti niya'y naging ngisi, ngising nambabanta habang kaniyang inabot ng kamay ang mukha ni Ziche, hinaplos iyon. "You are no

