ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 11 *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* Sa mansiyon ng mga Ovledo, matapos ang isang linggong pamamalagi at pagpapagaling sa hospital, nakauwi na ang nakaligtas sa kamay ng demonyo na si Simoun. Kumakain ang magkapamilya nang padabog na ibinaba ni Sera ang hawak na kutsara't tinidor. May nabalitaan kasi siya mula sa mga kaklaseng kaibigan, ito'y tungkol kay Ziche. "Mom! Dad! Kailan pa po ba kayo gagawa ng aksiyon para mapaalis si Ziche sa buhay ni Heitor!? Akala ko ba kayo ang gagawa ng paraan!?" Galit na turan nito dahil noong pinaplano niyang puntahan si Heitor sa kompanyang pinamamahalaan nito, upang sabihing siya talaga ang pambayad at hindi ang babaeng si Ziche, pinigilan siya ng ama't ina sa kadahilanang may paraan silang iniisip upang madespatsa ang ma

