Medyo nailang ako ng naglalakad ako sa hall para sa susunod na klase ko. After the party last week ay naging sobrang matunog ang pangalan ko, which I really hate. Ayoko ng atensyon! Pagpasok ko sa room ay medyo napahinga ako ng malalim. It's like entering a maze everytime na papasok ako after what Glen did. Ugh! Wala si Glen. Huling araw na nga ng pasok ngaun. Ang alam ko ay sa mga susunod na araw na siya pupunta ng US. He asked me nga if I could join him. Syempre, tumanggi ako. Hindi naman kasi siya pupunta doon para sa bakasyon. Kumunot ang noo ko ng sumalubong sa akin ang nakakalokong ngiti ni Dominic. I rolled my eyes at bahagyang natawa. "Know what? Umabot sa bahay namin ang napakahabang buhok mo." Natatawang sabi niya kaya napanguso ako. "Baliw! Will you shut up?"iritableng sagot

