Isa, dalawa, tatlo.. ugghhh!!! Isang bundle na yata ng papel ang nalalamukos ko sa pag gawa ng report sa accounting. Nakakainis! Bakit hindi ko makuha ng tama? Pumikit muna ako at sinandal ang ulo sa study table ko. Kanina ko pa ito ginagawa pero hindi ko talaga maayos! "What the---" hindi ko pinansin si Sage na diretsong naupo sa kama ko. Ala na akong lakas para makipag harutan o ano pa man sa kanya. "Hindi mo ba alam na madaming puno ang pinutol para makagawa ng papel?" Seryosong sabi niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano connect?" Tamad akong tumayo at pumameywang sa harap niya. Umiling si Sage at tumayo din sabay ayos ng nagusot niyang damit. "You're wasting those papers. Be sensitive sometimes, Maggie." Seryosong seryosong usal ni Sage. Nalaglag ang panga ko. Ano naman 'yon? Papel

