Ano kaya ang itatanong niya sayo? Kuryuso din ako,Wolfie. Ugh,stop calling me Wolfie! It's sounds like a puppy! Natawa siya sinabi ng kanyang wolf na kinatingin sa kanya ni Tiara. Agad na napahiya siya sa inakto niya. "Uh,sorry..may naalala lang ako nakakatawa," palusot niya. That's so lame,princess! "Hulaan ko..yung tinuhod mo?" nakangisi nitong saad. Natawa naman siya agad sa sinabi nito. "Ang astig kaya ng ginawa mong yun!" natatawa na nitong saad. Sabay silang muli natawa. "May gusto sana ako itanong.." aniya pagkaraan. "Sure! Ask away!" "May nobya o nagkanobya na ba si Mr.Hilton?" Agad na napangisi ito sa tanong niya. Alam niyang agad nitong nahalata ang pagkagusto niya sa pinsan nito. Hindi lang gusto! Mate natin siya! Nangulambaba siya habang hinihintay ang sagot nito

