Tying the Knot Villa Maravilla, Amanpulo, Palawan 4:47 PM – Sunset Ceremony Akala ko dati, ang kasal ay parang fairytale—isang pangarap na ipinipilit sa damit, makeup, venue, at bouquet. Pero ngayong nandito na ako, sa mismong gitna ng lahat... I realized it was never supposed to be perfect. Kundi totoo. Mas hilaw. Mas buo. Mas ako. Hindi ko agad narinig ang musika. O ang paghiyaw ng hangin sa tabing-dagat. Ang una kong naramdaman? ‘Yung t***k ng puso ko. Malinaw. Matatag. Buo. Nakatayo ako sa may dulo ng glass aisle, nakaapak sa malamig na salamin na parang tulay papunta sa bagong mundo. Tahimik ang lahat. Parang pati ang hangin, marunong makiramdam. Cassie stood at the edge of the aisle—glass reflecting the golden sky beneath her bare feet. Sa kanan niya, ang kanyang ama: Pr

