[Farrah] Pagdating sa kanilang living room ay naroon ang lahat— Agad na kumunot ang noo niya nang makita ang mag asawang kasosyo sa negosyo ng magulang nila, kasama ang nag isang anak ng mga ito na si Liana. Pinigilan niya ang mapasimangot. Hindi maganda ang ugali ni Liana. In fact, hindi niya ito gusto dahil sa pagiging spoiled brat nito— At ang pinakaayaw niya rito ay wala itong ginawa kundi habulin ang Kuya Jack niya. Bata palang siya ay madalas na itong magpunta sa mansion para landiin ang Kuya Jack niya. Kung noon ay wala siyang pake. Aba, syempre hindi na ngayon. Sa kanya na ang Kuya Jack niya at hindi sa iba. ‘Teka, kailan ka pa naging territorial, Farrah?’ Ani ng utak niya. Tumingin siya sa Kuya Jack niya na kararating lang. He is wearing a blue polo shirt, black pants with a

