20.

1362 Words

[Farrah] Dahil sa sorpresa ng kanyang kuya Jack ay napawi ang sakit na nararamdaman niya dahil sa ginawa sa kanya ng taong akala niya ay mapagkakatiwalaan niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa sa kanya ‘yon nina Rika at Mike. Mabuti na lamang ay tumakas siya para puntahan si Mike. Kung hindi niya ‘yon ginawa ay baka hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang niloloko ng dalawa. Sinubukang humingi ng tawad ni Mike sa kanya, at gano’n din si Rika. Pero naging sarado na ang puso at tenga niya sa dalawa. Nang malaman nila Sally at Emily ang ginawa ni Rika maging ang mga ito ay nagalit. Matagal na silang magkakaibigan, at usapan sa grupo ay walang talo-talo. Nakakalungkot lang dahil nagawa iyon ni Rika sa kanya. Paano nito nagagawang humarap at ngumiti sa kanya?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD